14: Chemistry Test

30 8 3
                                    

"Upo muna tayo," aya ko kay Lucas sa isang table.

Kanina pa kami naglalakad para humanap ng filming locations. Tagumpay kong natapos ang plot at maging ang mga script kaya narito kami ngayon, naka-hati ang buong team para humanap ng locations.

Nai-announce na rin namin ang roles nila. Naka-assign na ang mga magm-make up, gagawa ng props, cameramen, at kung ano-ano pang kailangan. Medyo nagka-problema pa nga dahil nag-inarte nanaman si Stacey dahil hindi niya nakuha ang role na gusto niya na napunta kay Alison.

Sa totoo lang siya ang may pinakamababang score sa lahat ng nag-audition para sa role na 'yon. Hindi naman kasi talaga siya magaling uamrte, ang cringe at ang pangit ng pagkakasabi niya sa mga salita niya. Isa pa, imbes na mag-stick sa script na gagayahin niya pinalitan pa niya ang ilang parts.

"I'll order something lang, just stay here. Okay?"

Tumango lang ako. Pinagmasdan ko siya mula nang maka-alis siya sa harap ko. Nakapamulsa siya at diretsong nag-lakad patungo sa pila sa may counter. 

Nagulat ako nang mag-labas siya ng phone habang naka-pila pa.

Nagdala siya ng phone? Kailan pa?

Maya-maya, pagkatapos niyang umorder ay bumalik agad siya sa table namin.

"Hindi ko alam na may cellphone ka pala?"

"Bakit? Ikaw ba, wala?"

"Meron, pero ilang taon nang naka-tambak sa bahay. Hindi ko na nga alam kung anong latest model eh, pero ikaw? Bakit ka may dala?"

"Wala, to capture."

"Capture what?"

"Memories, people, sceneries."

Hindi ako naka-sagot agad. "I didn't know you were this sentimental."

"Its not like I'm sentimental, I just love the nature."

"But you said you also take pictures of people. When you always take picture of someone to save them, to admire that person or just because you want to, that could mean you're sentimental." My rebuttal.

Tinaas niya ang isang kilay niya, waiting for me to continue my explanation.

"Alam mo kasi, we never know kung hanggang kailan pa natin makakasama ang isang tao. Kaya most of the time, its better to enjoy every moment with them, seize the opportunity while you still have them, and capture every moment. Kasi you know na when that person leaves, a part of you will be gone too. But at least you have those pictures to keep with you, 'di ba?" I smiled at him.

I'm suddenly curious.

Sino kayang laman ng gallery niya?

"Maybe I am sentimental," tanging sagot niya bago tumayo dahil tinawag na ang table number namin.

Bumalik siya na may dalang fries at nachos tsaka drinks, may burger din siyang binili para kainin namin kung magutom kami pabalik sa hotel. Maaga naman kaming naka-balik dahil magaayos pa kami para sa chemistry testing. Habang naghahanda ang iba, inayos naman ng iba ang mga kailangan namin. Halos hindi pa naman busy dahil tatlong deck chair o director's chair lang ang kailangan nilang set up tsaka tatlong camera, ilang filming equipments at ang screen kung saan namin im-monitor ang facial expressions at galaw ng artists.

"Good afternoon, direk!" Bati nila kay Lucas nang dumating na 'to.

Nauna kami ni Jason dahil kami na ang nag-set up kung saan namin gusto ang cameras at kung anong napag-usapan namin nila Lucas sa set up.

"Asan ang artists?" Diretsong tanong ni Lucas nang makaupo siya sa director's chair.

"Tatawagin ko lang po," sagot ng production assistant tsaka tumakbo papasok ng hotel.

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now