02: Nice To See You Again

111 15 5
                                    

I folded two extra white shirts and a black jogging pants, niligpit ko lahat 'yon kasama ang rubber shoes ko sa isang black bag.

Chineck ko rin ang sarili ko sa salamin at kung nakaayos ang skirt ko. Naaalala ko dati, hindi ako komportable sa skirt ng school dahil parang masyadong maikli, sanayan nalang din talaga. Siniguro ko munang dala ko lahat ng kailangan ko bago sinuot ang blue blazer ko.

"Celeste? Ready ka na?" rinig ko sa isang matinis na boses mula sa labas.

"Born ready," bungad ko pagbukas ko ng pinto.

"May dala kang extrang damit?"

"Don't tell me wala kang dala?"

"Meron ah, tatlo pa nga!"

Lalong tuminis ang boses niya nang pasigaw ang tono niya. Kahit anong intimidating sa unang tingin ni Ali, siyang girly at tinis ng boses niya pati na rin ang pananamit niya.

"Oh, may tao na sa loob?"

Napasilip agad ako sa loob ng Class A Exclusive Room.

"Ang aga mo naman Lucas," comment ko.

"Morning," tipid na bati nito sa amin ni Ali.

"Close kayo?" Ali asked curiously.

"Well, not as much. But we were in the same class in freshman," I explained looking for my locker inside the room.

"Dito locker mo."

"Ayun, thank you! Kanina ko pa hinahanap eh, sa room kasi namin sa harap lang akin."

Lumapit ako agad sa locker tabi ng kay Lucas tsaka nilabas ang mga gamit ko sa bag.

"You're free to use anything here, basta walang masisira." Bilin ni Lucas bago lumabas ng pinto.

"Sa'n ka punta?"

"Secret."

"Hindi naman pala siya masungit 'no?" Tanong ni Ali.

"Tahimik lang talaga, pero mabait 'yon. Pwede kaya natin gamitin 'tong ref nila?"

"May ref sila rito sa room nila?" Amazed na tanong ni Ali tsaka nilapitan ang ref.

"Oo, pera ng class nila ginamit nila d'yan."

"Bakit sa room natin hindi tayo nagpatayo ng ref? Eh 'di sana hindi na natin kailangang bumaba sa canteen para lang bumili ng tubig," reklamo niya na naka-pout pa.

"Eh, kung nagdadala ka ng tubig hindi mo kailangang bumaba pa sa second floor."

We both laughed at our small argument.

Maya-maya lang ay may mga pumasok na rin na ibang students, ang iba ay from class A habang may ilang class B na kasama rin namin. Karamihan ay senior, parang wala pa 'kong nakikitang freshman at sophomore based sa ID nila.

"Good morning po," bati nang junior students na magkakasamang pumasok.

"Good morning," we greeted back.

"Hi ate Celeste," lapit ng isang junior sa akin.

"Uy, hi! Kamusta?"

"Okay lang po, thank you po sa tip niyo sa 'kin. I've been doing it for a couple of weeks now and it works!"

Nahawa ako sa malawak niyang smile, "That's good to know, now we'll be performing together!"

"Wish granted!" Tumawa pa 'to bago ako yakapin sa excitement.

"Good day, our chosen performers. I am Miss Prieto and I will be handling your group together with the other teachers that will be helping you rehearse your performances. But for today, you will be accompanied by Mister Lopez, our academy's counselor."

Your Loving Melody | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon