12: El Nido Night 1

35 7 3
                                    

Nasa room lang ako at nag-pahinga mula nang makarating kami rito sa El Nido, nagpapahinga dahil sa pagod at sobrang hilo. Si Alison naman na roommate ko, bumaba sa lobby para kumain muna dahil nagutom daw siya sa byahe.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ng iba mula nang makarating kami. Natulog kasi ako agad at ngayon lang ako nagising kung kailan almost seven na.

I decided to take a bath, nag-palit na rin ako agad into my pajamas. Pakiramdam ko kahit naka-tulog ako nang mahaba-haba ay aantukin din ako agad, eh.

Nang matapos na 'kong mag-ayos, binuksan ko ang sliding door ng balcony namin kung saan sumalubong sa akin ang sariwa at malamig na hangin.

Hindi kita ang buwan mula rito, pero kitang-kita naman ang mga bituin. Makikinang at nakakabighaning mga bituin sa kalangitan.

Dumantay ako sa railings ng balcony namin at pinagmasdan ang dagat. Madilim at halos hindi na makita, pero rinig pa rin ang agos nito.

"Tawagin niyo na 'yung iba!" Napa-lingon ako sa kabilang banda kung saan ko narinig ang boses ni Brian.

Naka-kumpol ang ilan, nakapa-bilog sa isang campfire. May mga dumating din na dumagdag sa kanila, ang iba naman ay nag-iihaw sa may tabi lang din.

"Anong meron?" Tanong ko sa sarili ko.

Maya-maya lang ay may narinig akong katok. Isinara ko ang pinto ng balcony at sumilip bago ko buksan ang pinto ng kwarto.

"Oh, Lucas. Ano meron?"

Suot niya pa rin ang white t-shirt na suot niya kanina, nag-palit lang siya ng short sa pambaba at slippers.

"Dinner sa baba, nag-iihaw sila ng barbeque, may pagkain na rin at dessert. Tara, ikaw nalang kulang."

"Ah, sige. Magpapalit lang ako," isasara ko na sana ang pinto nang pigilan niya ito.

"You don't have to, tayo-tayo lang naman halos ang tao. Most of them were wearing their pajamas too," he assured.

Nang makababa na kami, dalawa nalang pala kaming kulang.

Gaya nang nakita ko kanina, hindi pa rin sila tapos mag-ihaw. Tahimik namang nakapabilog ang iba, habang ang ilang seniors ay nag-aabot ng softdrinks sa kanila.

"Kamusta kayo?" Bungad ko nang makalapit kami ni Lucas sa kanila.

Umupo kami ni Lucas sa tapat nila Alison at Brian, may katabi na kasi silang iba kaya sa kabila nalang kami pumwesto.

"Okay naman, ate Celeste. Kayo po? Ayos na po pakiramdam niyo?"

"Pa'no niyo nalaman?" Curious kong tanong.

"Gigisingin ka kasi namin sana kanina para makapag-libot, kaso sabi ni Lucas hayaan ka namin mag-pahinga dahil pagod ka sa byahe at nahilo ka." Malaki ang ngiting sagot ni Brian.

"Ahh, next time sasama na 'ko. Sorry, mabilis ako mahilo sa byahe hehe."

"May water kayo?"

"Opo, Kuya Lucas. Gusto niyo?"

"Kay Ate Celeste mo, mamaya niyo na bigyan ng soda wala pang kain 'to."

Nagsimula ang pangaasar ng juniors sa amin ni Lucas, bagay na hindi na namin pinapansin dahil talagang mapag-joke sila sa amin. At least komportable na karamihan sa amin, maliban kay Stacey na parang lagi nalang masama ang tingin sa akin.

"Ate, water."

"Thank you, upo na kayo."

"Sige po, malapit na rin naman matapos 'yung iniihaw namin."

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now