05: Second Challenge

51 12 0
                                    

Natapos nanaman ang napakabilis na weekend na akala mo isang pikit lang. Monday nanaman at panibagong challenge ang ia-announce ni Miss Prieto sa amin.

Nagmamadali akong bumaba ng building nang makasalubong ko si Ali na pababa na rin.

"Bakit ka naka-uniform?" Puwede na kasing hindi magsuot ng uniform ang mga kasali sa festival season para hindi na raw mag-take ng time sa pagpapalit at maiwasan ang pagka-late ng iba sa amin. Helpful na rin 'yon para hindi na rin aksaya pa sa uniform, mahirap din mag-laundry aba!

"Wala lang, model student ako eh. Bakit ba?" Pabirong wika nito na tinawanan ko lang.

Hindi naman maipagkakaila na sa pagitan naming dalawa, si Ali talaga ang sumusunod sa rules ng school. Minsan kahit sabihing puwede namang huwag muna sundin ang rule, sinusunod niya pa rin. Kung may school trip nga siguro, siya lang ang naka-uniform at lahat ay naka-civilian na.

Nang makarating kami sa room ay as usual, nandoon na si Lucas kasama si Brian. Parehas silang naka-white per si Lucas, white na hoodie ang suot habang si Brian naman ay white na v-neck shirt lang. Parehas din ang kula yng rubber shoes nila, black. Sa pants lang sila nagkaiba dahil naka-white cargo pants si Lucas habang si Brian ay naka-black jeans.

"Pinagusapan niyo ba ang suot niyo?" Rinig kong tanong ni Ali.

Late ko na na-realize na kami pala ni Lucas ang tinutukoy niya. Kasunod ng ng tanong niya ay ang pag-tawa ni Brian na tila nang-aasar sa amin.

Parehas na puti ang suot kong v-neck fitted long sleeves at cargo pants, habang ang black rubber shoes na regalo ni Dad ang suot kong sapatos.

"Nagkataon lang. Napakama-issue mo, Ali," sabay iling ko bago chineck ang dala kong practice bag. Nakalimutan ko pala mag-dala ng brownies.

Sakto namang nagsidatingan ang iba pa naming kasamahan dahil nasa hallway na raw si Miss Prieto kasama ang isang matangkad na lalaki na mukhang coach ng basketball team.

Napaisip tuloy ako. Magb-basketball ba kami? Napaka-random naman?

Nasaktong sa gitna kami umupong apat kaya nang pumasok sila Miss Prieto ay kami agad ang nakita niya, umakyat sila sa may maliit na platform sa harap at sa isang palakpak ay nasa kaniya na ang atensyon ng lahat.

"Good day, everyone. I hope you all had a great rest during the weekend, because starting today, you will be dealing with a lot of struggles. Hindi lang ulo niyo ang sasakit kundi ang buong katawan niyo, no need to worry because the clinic will always be open for all of you kahit alas-dos ng madaling-araw."

"Ano kayang ipagagawa sa atin?" Bulong ni Brian na nasa kanan ko.

"Ang pogi nung mukhang coach!" Bulong naman ni Ali na nasa kanan ko.

Habang nanatiling tahimik si Lucas na nasa tabi ni Brian.

"By the way, meet coach Martinez. He's a friend of mine from my alma mater, he is now a well-known and skilled coach in the cheer dancing industry."

Putang ina, cheer dance?! Hindi ko maiwasang mapamura sa isip ko dahil alam kong maraming hagisang magaganap sa amin at posibleng isa ako sa maging fliers dahil karamihan sa fliers ay babae dahil mas magaan kumpara sa mga lalaki.

Iba't-ibang reaksyon ang nasa paligid, ang iba ay excited habang kabado ang iba dahil takot daw sa heights. Nanatiling tikom ang bibig ni Lucas, si Ali naman ay hindi na makapagsalita pero bakas sa mukha ang gulat, habang si Brian ay nakangiti pa na mukhang nagustuhan ang bagong challenge.

Nagulat ako nang biglang magtama ang mata namin ni Lucas, walang reaksyon ang mukha niya pero may something sa mga mata niya. Hindi ko makuha kung anong ibig-sabihin ng nangungusap niyang mga mata, until he mouthed something.

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now