19: Last Day of Filming

33 9 6
                                    

CELESTE'S POV

"Good day, guys!"

"Morning, ate Celeste!" Bati nila pabalik.

"Nandito na ba lahat?"

"Si Direk po pabalik palang may binili po sila ni Jason," sagot ng nagsisilbing production assistant namin.

"Sige, hintayin nalang natin 'yung dalawa before ko i-introduce kung sinong kasama ko ngayon."

Hinayaan kong umupo muna si Kuya Lau sa upuan ni Lucas. Naka-dekwatro ito habang naka-patong ang dalawang kamay sa may arm ng chair, mahahalata mo sa aura niya na sanay at komportable siya sa upuan kahit kung tutuusin hindi gaanong komportable 'yon.

"Ang pogi naman niya."

"Ano kayang name ni Kuya?"

"Sino kaya siya?"

Rinig namin ni Kuya Lau na usapan nila kaya nagka-tinginan kami. Casual lang na puting sando ang suot niya kaya makikita ang laki ng katawan niya. Naka-white corduroy pants lang siya at crocs, literal na casual. Hinila ko lang naman kasi siya mula sa hotel room niya kaya halos hindi na siya nakapag-ready. 

"Wait, parang familiar siya."

Napa-tingin ako kay Kuya Lau nang marinig ko iyon mula sa isa sa juniors ko.

"Wow, sikat." Asar ko na inilingan lang niya.

"Oh, anong meron?" Nagsi-ayos bigla ng tayo ang lahat nang dumating si Lucas tsaka nagsi-bati.

Bad mood nanaman ba 'to at sinungitan sila kaya mga mababait?

"Alright, since nandito naman na lahat..." Hindi ko pinansin ang tanong niya at ini-scan ang lahat kung kumpleto na, nang ma-confirm ko ay tsaka ko itinuloy ang kanina ko pa dapat sasabihin. "I am here to introduce to you this wonderful man beside me," mapang-asar kong tinignan si Kuya Lau.

"May bayad 'to ha?" Biro ko kay Kuya, tinutukoy ang compliment ko sa kanya. "He is none other than the well-known best selling Director, Mister Laurence Vincent Perez."

"Wow, bigatin!"

"Sabi na familiar eh!"

"Siya lang naman ang currently, pinaka-mayaman, pinaka-pogi, pinaka-sikat, at pinaka-successful na direktor dito sa bansa. He is also the son of the Perez Film Productions o PFP, and the older brother of our charming Director, Lucas Khione Perez."

"Nice," rinig kong reaksyon ni Kuya Lau na hindi ko alam kung dahil ba sa sunod-sunod na compliment ko sa kaniya o dahil lang wala na siyang masabi.

"Hala, parehas silang pogi ni Kuya Lucas."

"In fairness, halatang mag-kapatid."

Hindi ko maiwasang matawa sa mga comment nila.

"Nice to meet you all," bati ni Kuya Lau. "I am here for a vacation only, but I would love to see your taping and also see my brother's work ethics." May pang-aasar sa mukhang lumingon siya kay Lucas na naka-pamulsa at nananahimik lang, pero nakapagtatakang namumula siya. "Na mukhang masyado atang kini- este, nainitan kaya namumula ngayon." Lucas gave his iconic glare to his Kuya.

"Kidding aside, I am grateful to meet all of you. And most of all, I am pleased to meet you again, Miss Celestine," humarap ito sa akin at bahagya pang nag-bow.

Kita sa mukha ng karamihan ang confusion.

"It has been a while since I last saw your Ate Celeste, parang wala pa siyang freshman noong huli ko siyang makita? Basta ang tanda ko noong huli naming kita in person, umiiyak si Lucas dahil inaaway niya."

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now