13: Last Challenge

38 8 6
                                    

Maaga ang call time namin ngayon dahil ia-announce na raw ang last challenge namin bago ang start ng dalawang buwan na rehearsals para sa festival season.

"Okay lang ba 'to?" Tanong ko kay Ali habang pinapakita ang suot kong floral na maxi dress.

"Ano ba 'yan, balot na balot ka naman? Beach 'to, sis. Mag-palit ka, wala na bang mas okay rito?" Hinalungkat niya ang mga damit ko.

Ano bang masama sa maxi dress? Mukhang okay naman ah?

Hindi ko talaga kasi alam kung anong dapat suotin, si Ali kasi prepared. May suot siyang black na two-piece, pero nag-suot pa rin siya ng white na loose fit cover up pants.

"Ito nalang, tas patungan mo nitong cover up dress ko."

"Sigurado ka bang pwede 'to? Baka mapagalitan tayo?"

"Beach 'to, sis, ano ka ba? They can't tell us to wear hoodies sa gitna ng init. Tsaka, isa pa, don't tell me nag-dala ka ng swimsuit pero takot ka sa sasabihin ng iba? Maganda ka, hoy! 'Wag kang hihiya-hiya d'yan," sabay bato niya sa 'kin ng kinuha niyang pampalit ko.

Nag-palit naman ako agad. Ilang minuto ko ata tinignan ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng bathroom.

"Shuta ka, ang ganda mo!"

"Bibig mo, Alison!" Suway ko.

"Hoy, seryoso! Ang ganda-ganda ng best friend ko!" Mahigpit pa niya 'kong niyakap na sa totoo lang nakaka-boost ng confidence.

Kakaiba maging kaibigan si Alison, lakas maka-boost ng confidence nito.

Plain na pastel yellow two-piece swimsuit ang suot ko na pinatungan ko ng white crocheted cover up na pinahiram ni Ali sa 'kin.

Sa totoo lang nahihiya ako nang pumasok kami sa elevator dahil nakasabay namin ang ilang juniors. Puro naman sila papuri sa aming dalawa dahil first time rin naming magpakita na ganito kaayos ang suot.

Si Alison nga ay naka-red lipstick pa, ako naman ay nag-light red lip balm lang at nag-suot ng white shades sa ulo ko.

Huminto ang elevator sa 6th floor. Pag bukas ng pinto, bumungad sila Brian at Lucas.

Naka-shades nanaman si Lucas, suot ang white meshed polo shirt at beige above the knee shorts. Si Brian naman ay naka-white sando, may naka-patong na light blue floral unbuttoned shirt sa doon. White above the knee naman ang suot niyang short na medyo parehas sa style ni Lucas. Parehas silang naka-slippers lang din tulad naming lahat.

Naka-tingin lang sila sa amin ni Ali at tulala pa bago sila naka-pasok. Tahimik lang sila hanggang sa makarating kami sa lobby.

Tama nga si Ali, maging ang juniors namin mga naka-beach wear din. Pero mas nagulat ako nang makita si Miss Prieto na naka-meshed maxi dress. Hindi man halata, medyo kita ang panloob niya kapag naaarawan. May malaking sumbrero pa ito sa ulo.

"Ano kayang challenge ngayon?" Bulong ni Ali sa 'kin.

"Ano sa tingin niyo?" Tanong ko kina Brian at Lucas na nasa tabi lang namin.

"Anyare sa dalawang 'to? Bakit tulala?" Takang tanong ni Ali.

"Huy!" Tila bumalik sila sa ulirat nila sa tawag ko.

"H-Ha?" Nauutal na ani Brian.

"What was that? Sorry, I was... thinking..." sambit ni Lucas.

"Ano ba nangyari sa inyong dalawa? Okay lang ba kayo?" Concerned kong tanong.

"O-Oo naman, 'di ba pre?"

"Yeah, sorry. What were you talking about?"

Sasagot na sana 'ko pero naputol ako ni Miss Prieto.

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now