36: Elysian

26 5 7
                                    

GAIL'S POV

"Idol!" Sigaw agad ni Brian nang makita akong pumasok sa cafe.

"Hi, lovebirds." May pang-aasar sa boses na bati ko bago umupo sa harap nila.

"Antaray ng outfit, Celesteng-Celeste ang dating!"

Medyo nagsisisi akong naka-long sleeves ako ngayon kung kailan tirik ang araw dahil alas-onse na ng umaga. 

"Anong order mo?" Tanong ni Brian sa 'kin.

"Iced Spanish latte, venti. Tas isang chocolate cake," I smiled.

"Cake? Kung kailan malapit na mag-alas dose?"

Napa-isip din tuloy ako sa sinabi niya. Oo nga, lunch time na rin pala.

"Any pasta na lang," sagot ko tsaka nag-halungkat sa bag na dala ko. "Tumatanggap sila ng card?" Labas ko sa wallet ko.

"S'yempre naman."

Nilabas ko card ko at tumulala lang silang dalawa ro'n.

"Bakit?"

"Seryoso ka? Black card para sa four-fifty?" Umiiling na wika ni Brian.

"Sagot ko na," Alison chuckled.

Umalis muna si Brian para umorder ng pagkain ko, meron na kasi silang pagkain kanina pa at hinihintay na lang akong dumating. Habang inaayos ko ang gamit ko, biglang nag-salita si Alison.

"Taray, crowded sa airport kanina."

Tinutukoy pala niya ang balitang nasa TV sa loob ng cafe.

"At idol group na Elysian, balik Pilipinas na matapos ang kanilang promotions sa South Korea. Naka-takda umano ang grupo na mag-simulang mag-promote na rin ng kanilang newest album dito sa bansa. Ayon sa management ng grupo, ang Pilipinas at South Korea ang magsisilbing tahanan ng members dahil sila ang magiging simbolo 'di umano ng pagkakaibigan ng dalawang bansa."

"Nag-labas na pala sila ng statement tungkol sa plano ng grupo."

"Plano?"

"Ilang buwan din kaming magtatagal dito sa Pinas, although maya't-maya babalik kami sa SoKor for some schedule, mostly ng sched namin the next few months ay dito. Basta, may mga commitments din kami rito and we will also be filming something here."

"Oh, that's great. Matagal-tagal ka naming makakasama this time, nu'ng nag-punta kami ng South Korea para sa 'yo, parang isang araw lang dahil may schedules ka."

"Don't worry, I'll make time na."

"Member of the girl group Elysian, Gail, is rumoured to be dating Lee Daehyun of the korean boy band Denzel. The rumours sparked when fans assumed that Gail was behind male idol's date-like photos. The management of both artists has not released any statement yet regarding this matter."

Natawa ako bigla, umabot na rin dito sa Pilipinas ang tungkol d'yan. Noong nakaraang linggo pa palipad-lipad ang balitang 'yan sa South Korea, nananahimik na lang ako kasi hindi naman totoo.

"Grabe, ang hirap pala talaga kapag idol 'no? Kulang na lang araw-araw iba't-ibang issue at dating rumour ang makukuha mo," tawa ni Alison sa 'kin.

"Palibhasa kasi kayo ni Brian walang kailangan i-tago," irap ko pa.

"Wala ka namang itatago eh," nagulat ako sa sinabi niya.

The audacity?!

Hindi na talaga sila nag-idol parehas. Instead, they decided to become actors. Sila ngayon ang pinakamalaking loveteam sa bansa at kasalukuyang may hawak ng pinakamalaking movie na na-produce ng Pilipinas.

They've won several awards individually and as a couple, which I am incredibly proud of.

Nag-decide kaming pag-usapan na ang plano naming business habang kumakain kami. May mga tumitingin o lumalapit from time to time para magpa-picture sa kanila.

Nu'ng una, may mga lumalapit din sa 'kin, pero nang dumating na 'yung pagkain ay nagpaalam din sila dahil baka uncomfortable na raw ako since nandito lang naman ako para kumain with my friends. Na-touch ako kaya sabi ko ako na ang magbabayad para sa pagkain nila, isang grupo silang magkakaibigan.

Plano namin na mag-start ng isang cafe business together. Isang branch dito sa Pilipinas at isa sa South Korea. In celebration na rin sa fourth anniversary nilang dalawa together.

Grabe, nineteen si Brian at eighteen pa lang si Alison nang maging sila. Ngayon magf-fourth year na sila together, parang ang bilis ng panahon.

"Well, I guess I'll have to leave na."

"Grabe, tinapos niya lang talaga 'yung mini business meeting natin oh." Inda ni Alison.

"Ni-hindi pa nga dumadating 'yung isa nating business partner," sabat pa ni Brian.

"Nagpaalam 'yon 'di ba? May meeting siya with Tito Matteo," tugon naman ni Alison.

Napansin siguro nilang nananahimik lang ako kaya tila na-guilty sila na 'yon ang pinaguusapan nila sa harap ko.

"Oh? Antok lang ako, ano ba kayo? Anyway, I need to go back to our dorm. May schedule kasi ako bukas para sa isang live podcast guesting," paalam ko habang inaayos ang gamit ko.

"Paano ka uuwi?" Ani Brian.

Gamit ang thumb ko ay tinuro ko ang van na nasa labas kung saan naka-tayo ang manager ko at hinihintay ako.

"No choice kayo, nand'yan na manager ko. Sige na, bye!" Bumeso pa 'ko sa kanilang dalawa bago ako dumaan sa cashier para mag-thank you at mag-bigay ng tip bago umalis.

Nakasalubong ko pa ang isang lalaking naka-white hoodie at may black na mask na bahagyang naka-yuko nang palabas ako, nag-thank you pa 'ko dahil pinagbuksan niya na rin ako ng pinto.

Lumapit ako sa van kung saan pinag-buksan ako ng manager ko para pumasok na rin agad dahil may mga naipon nang ilang fans sa labas ng cafe na naghihintay na makita ako. Kumaway naman ako sa kanila kanina pero hindi ako pinayagan ng manager kong magpa-picture o tumanggap ng autographs.

Naki-usap na lang ako na kahit kolektahin niya na lang ang mga dinala nilang gifts, kaya naghihintay ako ngayon sa van habang kinukuha niya isa-isa ang mga dala nilang gifts.

I rolled down the windows para mag-hi pa sa kanila at personal na mag-thank you. Nang mahagip ng mata ko ang lalaking naka-white hoodie kanina na naka-upo na ngayon sa tapat ni Brian sa isang side, ang bakanteng silya kanina sa table namin.

When he removed his mask, my heart skipped a beat. Naka-suot pa rin sa ulo niya ang hoodie niya pero nang bahagya kong makita ang mukha niya, sure akong siya na nga 'yon. Napa-tingin ako kay Alison na tila ine-expect na 'to at naka-tingin na sa 'kin, nangungusap ang mga mata.

Para bang concerned siya kung ayos lang ba 'ko o kung nabigla ako nang makita siya.

"Gail!" Napa-tingin ako sa isang lalaking fan na nakakagulat ang boses.

"Noona, mahal kita!" Sigaw pa niya ulit na ikinatawa ng ibang fans.

"Saranghae!" Sigaw ko naman pabalik at nag-react pa siya na tila nahimatay sa sinabi ko.

Nagka-biruan pa ang lahat hanggang sa bumalik na ang manager ko sa sasakyan at kinailangan ko nang magpaalam.

Matapos 'yon ay ini-angat ko ulit ang windows at huminga nang malalim bago tumingin ulit sa loob ng cafe.

Pero laking gulat ko nang lumingon siya. Tinted ang sasakyan kaya malamang ay hindi niya 'ko nakikita ngayon, pero bakit parang diretso at sakto pa rin sa mga mata ko ang tingin niya? Bakit parehas pa rin ang epekto no'n kahit ilang taon na ang naka-lipas?

Kamusta ka na kaya? Ang dami kong tanong para sa 'yo... Bakit kaya Khai ang napili mong stage name? Are you doing well? How's your... heart? Ako pa rin ba?

Kasi... para sa 'kin, ikaw pa rin Lucas.

_______________Thank you for reading! Don't forget to vote and feel free to comment your thoughts!

Your Loving Melody | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon