22: A Visitor

22 7 5
                                    

Nagising ako na may naririnig na pamilyar na boses sa labas.

"Grabe, Kuya! Mas pogi ka na ngayon," tila mas nagising ako nang marinig ang boses ng kapatid ko.

"Mas cute ka pa rin, nako."

Sus, panaginip lang pala. Hanggang sa panaginip ko kasama si Lucas.

Maya-maya ay narinig ko ang pag-bukas ng pinto ng kuwarto ko.

Nagulantang ako nang biglang may tumalon sa kama ko at tumabi sa bandang kaliwa ko.

Teka, nananaginip pa ba ako?

"Ate, gising na! Miss na miss na kita!" Mahigpit na yakap sa akin ng mas maliit na frame.

Maya-maya ay unti-unting lumiwanag, naramdaman ko ang unti-unting pag-angat ng sleeping mask ko.

Naaamoy ko mula rito ang isang pamikyar na pabango. May pagka-woody ang amoy, fresh, warm, at may pagka-citrus.

That's Invictus by Paco Rabanne... the perfume Lucas uses...

Saktong may naramdaman akong kamay sa ulo ko nang maisipan kong buksan ang mga mata ko.

Nagulat ako nang makita ang mukha ni Lucas na halos ilang inches lang ang layo sa mukha ko.

"A-Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko kay Lucas na tumayo rin naman agad at umupo sa may tabi ko.

Ngumuso siya sa kabilang side ng kama kung saan malawak ang ngiti ni Kobe at naka-tingin lang sa amin.

"Gisingin ka raw namin, tuturuan ko kasi siya mag-gitara."

"Anong oras na? Kanina ka pa dumating?" Pagbalewala ko kay Lucas at niyakap ang kapatid ko.

"Yes, Ate. Naka-tulog nga ako kanina eh, pero nagising ako nung dumating si Kuya Lucas bigla. Ang pogi-pogi niya 'no, Ate?" May paga-adore sa mas nakakatanda niyang wika.

Tinignan ko si Lucas na nag-pogi sign pa sa 'kin habang naka-ngiti.

"Magkano ang binayad ng Kuya mo sa 'yo?" Tanong ko bago tumayo sa kama at itinali ang buhok ko.

Nang mamalayan kong nawawala ang clam ko sa may bed side table.

"Walang binayad 'yan si Kuya, Ate. Pogi lang talaga siya, hehe."

"Sus, kayong dalawa talaga."

Biglang hinawakan ni Lucas ang buhok ko, inayos niya ang pagkaka-bun noon tsaka naglabas ng panali sa bulsa niya.

"Saan ka nakakuha n'yan?"

"Wala, meron lang ako. Tara na, magluluto si Tita ng almusal sa baba para sa 'tin."

"Sakto, tutulungan ko nalang si Mommy mag-luto. Mag-bonding muna kayo at mukhang mas na-miss ka nito kaysa sa 'kin," pagbibiro ko na sinimangutan ng kapatid ko.

"Tara, sa sala tayo, Kobe. At ikaw..." inakbayan ako ni Lucas bigla.

Nauna si Kobe na masiglang kumaripas pababa ng hagdan.

Kami ni Lucas, chill lang. Halos hindi ako maka-galaw nang akbayan niya 'ko bigla.

"Anong meron sa 'kin?"

"Wala, sarapan mo luto mo ha?"

"Para namang napaka-sarcastic mo, kulang nalang sabihin mong kahit ngayon lang ayusin ko luto ko."

"You can cook, but only the basics. You need to learn more about cooking," tugon niya naman.

Bahagya kong siniko ang tagiliran niya pero hindi niya inalis ang pagkaka-akbay sa 'kin at tila hinigpitan pa.

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now