42: Next Loveteam?

22 5 2
                                    

Dating scandals. Isa sa mga hindi maiiwasang bagay sa industriyang pinasok ko, isang bagay na ngayon ay nararanasan ko.

Trending sa twitter ang #NextLoveteam at #KhaiGail dahil sa lumabas na pictures namin papasok at palabas ng isang restaurant noong nakaraang linggo.

Mas pinili naming manahimik at magpatuloy lang sa kanya-kanyang schedules na parang walang nangyayari, hindi kami sumasagot ng questions galing sa media o sa ibang fans regarding sa issue lalo na kung sa social media dahil inaasahan naming huhupa rin ang rumours na 'yon kagaya noon sa ACA.

Pero nagkakamali kami at mukhang minaliit namin ang kagustuhan ng mga fans at pagkasabik ng media na malaman kung ano nga bang meron sa amin.

Hanggang sa humantong sa sobrahang pagka-delulu ng mga fans at isang linggo nang trending ang mga hashtags na ginagamit nila sa amin.

May iba na nagta-tag pa kay Alison at Brian kung ano raw ang masasabi nila tungkol sa issue pero sinabihan namin silang huwag nalang din pansinin ang mga ganoong tanong. Maging sila tuloy ay iwas sa public at social media ngayon, nananahimik nalang at nirerespeto ang desisyon namin.

Pero obviously, hindi nag-work 'yon. Mali ang desisyon naming manahimik dahil may mga lumalabas nang theories tungkol sa amin, kalat sa twitter ang mga 'yon.

Katulad nitong isa...

User: KhaiSwoon

Hey, guys! I have a theory regarding Khai and his (rumoured) gf, Gail. What if they were really close before tapos they started to catch feeling for each other, then they became official but then broke up due to school rules? Theory lang ha ^^

134 retweets     |     346 quotes     |     2789 likes

*****

May mga ilan pa na nakaisip ng mga plot line sa theory nila about us...

*****

User: KhaiGail_fever

Theory, never sila umamin kasi parehas silang natatakot tas nung aamin na si Khai saktong alis ni Gail. Kung ganito nangyari magandang plot to sa series tas may twist na hindi sila eg kasi namatay isa sa sakit ganon.

15 retweets     |     478 quotes     |     2311 likes

*****

Marami pa silang ibang theories pero isa lang ang masasabi kong nakatama, isang Shine biased. Hindi lang masasabing si Shine ang bias niya sa amin dahil sa username niya, kundi dahil mukhang matalino at observant din siya tulad ni Shine.

*****

User: Shine.L0v3r

I don't know if this is just me, but I've watched past interviews of them until the recent ones kasi I thought that maybe there would be something useful to connect the dots in this (honestly) confusing friendship/relationship(?) of theirs.

997 retweets     |      3.6k quotes     |     11.5k likes
|
|
|
|
|
Thread 1:

Sa isang interview ni Lucas when he had his debut, he was asked whether the song was written by his management or a song originally written by him. He said this exact same words, "I wrote this song a few years back and this song is very meaningful to me, because of someone I'll keep unknown to the public."

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now