29: Cover Up

19 5 5
                                    

Payapa akong naka-tingin sa paligid habang naglalakad sa grounds, dinadama ang sariwang hangin habang tina-try na ma-freshen up naman ang isipan ko. Maya-maya na 'ko babalik sa kwarto, siguro bandang eight ng gabi.

Pinuntahan ko kanina si Alison sa kwarto niya pero walang sumasagot at naka-lock 'yon. Malamang ay natutulog na 'yon, baka masyadong napagod kanina. Grabe rin kasi ang practice namin kanina, halos tuloy-tuloy at wala nang pahinga. 

Pero mali ang hula kong tulog na siya...

Napa-tago ako sa likod ng puno kung saan ako madalas umupo nang makita ko si Brian na lumabas sa kabilang building at dire-diretsong naglalakad patungo sa building namin, sa building kung saan lumabas si Alison.

Tumitingin-tingin si Brian sa paligid kung may naka-tingin ba o may nasa labas pa. Pero dahil nalalapit na ang mid-terms ng ibang students, wala nang tao sa labas at mga nasa loob na ng dorms.

Lalabas na sana ako mula sa pagkakatago ko, kaso nagulat ako nang biglang mag-holding hands ang dalawa at dahan-dahang nag-lakad paalis.

Naka-casual wear lang sila at hindi sa gate ang tungo, malamang ay mags-sneak out silang dalawa. Hindi ko alam kung saan sila pupunta at anong gagawin nila, pero amy tiwala akong hindi pababayaan ni Brian ang best friend ko.

"Kayong dalawa pala ang mga asungot na dahilan kung bakit kami napagkamalan, ha?" Tila baliw na saad ko.

Bumalik agad ako sa kuwarto ko matapos ang nakita ko, ni-lobk ko ang pinto at ini-labas ang phone ko para tawagan si Lucas.

Ilang beses pa nag-ring bago niya sagutin.

[Hello?] Sagot ng nasa kabilang linya.

Damn, his voice was lower than his usual voice which I will not deny... it gave me this strange butterflies. It seems like he just woke up!

"Hala, natutulog ka na?"

[No, its okay. Do you need anything?]

"Wala naman, pero sasabihin ko sanang sabay tayo mag-breakfast bukas."

[Why? Miss me already?] Pang-aasar niya.

"May is-share ako sa 'yo tungkol sa dating rumours ngayon dito sa campus," excited na sagot ko.

[Celeste, I'm not interested in that rumour. I have better things to worry about.]

"Pero pumunta ka pa rin bukas ng umaga sa canteen!"

[I'm not interested whoever that couple is, Tine.]

"Ah, basta! Pumunta ka, Uno." Pagmamatigas ko pa.

[Can you at least give me a valid reason why I should come?]

"Kasi makakasama mo 'ko," tila proud pa 'ko noong una hanggang sa ma-realize ko ang sinagot ko.

Silence. Around five seconds of complete silence bago ko narinig na tila huminga siya ng maluwag sa kabilang linya.

[Fine, I'll come.]

"S-Sige... Tulog ka na ulit, sorry!" Parang mas na-awkward pa 'ko kaysa sa kanya.

[Alright, go sleep na rin. Good night and I'll see you tomorrow, lovely.]

Bleep.

Heto nanaman ang abnormal na pag-tibok ng puso ko at weird na pakiramdam na tanging siya lang ang kayang mag-bigay sa 'kin. As much as I hate to admit this, but I'm falling harder each day for Lucas.

"Nag-holding hands sila?"

"Oo!" 

Nasa canteen kami ngayon at ine-explain ko kay Lucas ang na-witness ko kagabi. Sinusubukan kong kumbinsihin si Lucas na sila nga ang nasa rumours dahil hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now