26: The Truth

23 7 6
                                    

CELESTE'S POV


"Brownies?"

"Thank you," nginitian ko si Lucas.

"Wala akong mabiling cohocolate drink sa canteen eh," tumawa lang ako.

"Naubusan daw sila ng stocks, araw-araw ba naman akong bumibili eh. Pero ayos lang, nag-kape ako kanina."

Tumango lang siya at tahimik lang sa tabi ko, naka-tingin sa 'kin.

"Stop staring at me, Perez."

"What? Why? I can't look?"

Humarap ako sa kanya. "May kailangan ka 'no?"

"No, bakit?"

Tumaas ang kilay ko dahil hindi ako naniniwalang wala siyang kailangan sa akin, mula kaninang umaga pa kasi siya mabait sa 'kin. Kagabi nga ay nag-text pa ng good night, kaya malamang ay may kailangan 'to.

"Fine," he sighed, defeated. "I just wanna ask kung ayos na kayo ni Brian?"

"Hindi naman kami nagka-galit, ayos kami. Pero kung ang gtinutukoy mo ay kung naka-usap ko na siya tungkol sa confession niya, yes. Naka-usap ko siya kanina at na-explain niya na sa 'kin ang lahat," ngumiti ako bago umayos ng pagkakaupo.

"Lahat? As in lahat?"

"Mhm," tango ko habang naka-kagat sa straw.

"So... you already know?" Tila kabadong wika nito.

Hindi ba't sinabi ko na sa kanya na kinausap na ako ni Brian kanina?

"Can we talk?"

Nasa likod kami ng main building ngayon, inaya ako rito ni Brian dahil may pag-uusapan daw kaming dalawa na importante.

"Bakit? May problema ba?"

"I just want to say sorry..." nagulat ako nang hawakan niya ang dalawang kamay ko. "Sorry if I confessed when I don't actually mean it that way," dugtong niya.

"Huh?"

"I did that because of something, basta may rason na wala akong karapatan para sabihin sa 'yo. Pero gusto kong malaman mo na hindi totoo 'yung confession na 'yon. Siguro kung noong freshman tayo hanggang sophomore, 'yon gustong-gusto talaga kita noon. Pero nung time na nag-confess ako sa 'yo, wala na talaga. I like someone else, let's just say... na-confuse ako. Kaya I'm here to say sorry," hindi siya maka-tingin sa 'kin.

Akala siguro ni Brian ay magagalit ako, dahil nang ngumiti ako ay tila nagulat siya.

"I understand, Brian. Actually noon palang nagd-doubt na 'ko eh, kasi hindi ko naman ramdam."

"Ikaw? may pakiramdam?"

"Walanghiya ka ginawa mo naman akong manhid!"

"Bakit? Hindi ba?" Tila nang-aasar na saad nito. "Alam kong napapansin mo, Celeste. Hindi siya gano'n sa lahat, tanging sa 'yo lang."

Ano bang pinagsasabi nito? Nababaliw na ba 'to?

"Hindi ko maintindihan kung anong ibig mong sabihin, pero ayos na tayo. Friends?" Binigay ko ang kamay ko for a shake hands.

Inabot niya 'yon bago ako hinaltak sa isang yakap.

"Thank you for understanding, Celeste. And I'd like to share my secret with you to give you assurance na I'm being honest this time," bulong niya sa 'kin.

"I like Alison, dati pa."

"'Yun lang ang sinabi niya?"

"Hm... Oo, bakit? May iba pa ba 'kong dapat malaman?"

Your Loving Melody | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon