CHAPTER 1

46 3 0
                                    

Before I go the hospital I first visited the grave of my wife Celestine. I have been visiting her almost every week since I came here to the Philippines. It was also almost over a month ago when I saw a woman who really looked exactly like Celestine, at first I couldn't really believe what I was seeing. Inisip ko na lang na baka gawa-gawa lang ng isip ko 'yon dahil sobrang miss na miss ko na ang asawa ko. Walang araw na hindi ko s'ya naiisip kahit noong nasa Amerika ako, si Celestine pa rin ang nakatatak dito sa puso ko. I kept myself busy while I was in America, there were a lot of women approaching but I didn't pay any attention to it, I'm not like before that when someone approaches I immediately hit them. Tama nga sila, si Celestine ang nakapagpabago sa akin. Pero ngayon wala na siya, parang nawalan na rin ako ng gana sa sarili ko. Pero hindi ako sumuko, she was my inspiration to move on with my life. But till now I still have not fulfilled a request she made to me. Sa loob ng dalawang taon hindi ako nagbalak na palitan si Celestine sa buhay ko, hindi ko pa kaya. Mahal na mahal ko pa rin hanggang ngayon si Celestine, wala na sigurong papalit sa kan'ya sa puso ko. Nagmamaneho na ako ngayon papunta sa ospital pagkagaling ko sa sementeryo. Ito ang unang araw ulit na papasok ako sa dati kong pinagtatrabahuhang ospital.
  "Doctor Wallace welcome back! Bati sa akin ng mga Nurse na naririto pagkadaan ko sa Nurse station.
  "Thank you! Balita ko Nurse Yvette nag-asawa ka na raw?
  "Ah opo Doc Wallace, sayang nga at wala kayo dito imbitahan ko pa naman sana kayo"
  "Wag kang mag-alala pwede mo naman akong imbitahan kapag nagkababy ka na"
  "Sige Doc sabi mo yan ah! Nangingiting turan ni Nurse Yvette.
  "Wallace! Salubong sa akin ni Marco na nakalagay ang dalawang kamay nito sa suot n'yang white coat.
  "Bro! So, this is your first day" nagfist bumb muna kami saka ako sumagot. "Yup! Naglalakad naman kami ngayon patungo sa aking opisina. Nang makapasok na kami sa loob ng aking opisina ay inilapag ko sa couch ang mga gamit ko at naupo sa aking swivel chair. Naupo naman si Marco sa visitors chair at pinagmamasdan ang mga kilos ko. "Mukhang okay ka na ngayon Wallace" panimula ni Marco at natigilan naman ako sa aking ginagawa. Tinignan ko naman sa bandang kanan ko ang nakalagay sa aking mesa na litrato namin ni Celestine noong kasal namin. Napabuntong hininga na lang ako at muling binalingan ang aking pinsan. "Yes, I'm okay. Unti-unti ko na rin namang natatanggap na wala na siya, na hindi ko na siya makakapiling pa" ngumiti naman ako sa kan'ya ng pilit. "Dumalaw ka naman daw sa bahay namimiss ka na rin daw ni mommy" "Namimiss na ba n'ya ang kagwapohan ko? Biro ko kay Marco na ikinatawa n'ya. "Saka birthday din kasi ni daddy bukas" "Sure pupunta ako." Nasa kalagitnaan kami nang kwentuhan ni Marco ng biglang dumating naman si Jake.
  "Wal! Grabe namiss talaga kita! Sabay yakap nito sa akin habang nakaupo ako sa aking upuan.
  "Lumayo layo ka nga sa akin Jake nakakadiri ka! Sabay tulak ko naman sa kan'ya.
  "Grabe ka sa akin, namiss lang naman kita!
  "Jake kakakita lang natin noong isang linggo wag kang OA!
  "Pero iba naman pagdating dito sa ospital". Ang boring kasi wala ka" "Nariyan naman si Marco bakit hindi mo kulitin?
  "Nako Wal kulang na lang ipagtabuyan ako n'yan sa opisina n'ya"
  "Paano kita hindi ipagtatabuyan, wala nga si Wallace ikaw naman ang pumalit" Naiiling na lang ako sa dalawa dahil para silang bata kung magdiskusyunan.
  "So Wal, what's your plan?
  "What do you mean?
  "I mean, wala ka na bang balak na, you know what I mean". Sumandal muna ako sa aking swivel chair bago s'ya sagutin. "Wala na siguro jake". Wala na sigurong mas hihigit pa kay Celestine"
  "Are you sure Wal? How about when you told me what you saw on the beach, that looks like your wife?
  "What!? Gulat akong tinitigan ni Marco. "May kamukha si Celestine?
  "Oo Marco, sabi ko nga dito kay Wal baka kako namamalikmata lang s'ya dahil hindi pa maka move-on sa asawa niya" "Pero hindi rin Jake eh, she's real"
  "Wal, paano magkakaroon ng kamukha si Celestine, wala naman s'yang kakambal saka isa pa tatlo lang naman silang magkakapatid at bunso si Celestine". Napahilot na lang ako sa aking sentido dahil kapag naaalala ko ang mukha ng babaeng nakita ko sa beach na kamukhang kamukha ni Celestine ay lalo akong napapaisip.
  "Wallace I think naghahalucinate ka lang, we truly know that you miss your wife" napatango na lang ako sa sinabi ni Marco. Siguro nga namimiss ko lang ang asawa ko. Katulad ng nakasanayan ko na, ginawa kong busy ang sarili ko. Malalim na sa gabi nang umalis ako sa ospital, sa condo na ako tumuloy. Pagkabukas ko ng Condo ko ay hinagod ko ng tingin ang kabuuan nito. Tahimik, parang walang buhay. Maybe I need to get used of being alone. Noon kasi kapag dumarating ako galing sa trabaho ngiti at mahigpit na yakap niya ang sumasalubong sa akin. Pero ngayon bigla na lang itong naglaho. Pabagsak akong naupo sa sofa at isinandal ang aking katawan at pumikit. Naalala ko naman ang wedding picture namin ni Celestine na nakita ko sa dati kong kwarto sa bahay. Mabilis ko itong kinuha sa aking kwarto at tinanggal ang nakabalot. Pinakatitigan ko ito at marahang hinaplos. Bago ako pumunta ng Amerika ay pinatanggal ko itong picture namin kay papa dahil gusto ko pag-uwi ko ako ang maglalagay nitong muli sign na natanggap ko na. Tanggap ko ng wala na si Celestine. Matapos kong ikabit ang wedding picture namin sa dingding ay muli akong naupo at pinagmasdan ang maganda n'yang ngiti at ang maamo nitong mukha. Sa mga litrato ko na lang siya makikita at ang mga ngiti n'ya ay doon ko na lang din masisilayan.
 
  "Dada! Patakbo akong sinalubong ng kambal na sina JK at Madel nang makababa na ako sa aking sasakyan. Binuhat ko naman sila pareho.
   "Aaah grabe ang bigat n'yo na ah! "Because Madel is fat" sagot naman ni JK na ikinatawa ko.
  "I'm not fat I'm cute right Dada?
  "Of course my girl! Sabay halik ko sa kan'yang matambok na pisngi.
  "Doc Wallace buti nakarating ka? Bati naman ni Mace at katabi naman nito si Marco na papalapit sa kinaroroonan namin.
  "Babies dapat hindi na kayo nagpapabuhat sa Dada n'yo masyado na kayong mabigat, natatawang turan ni Marco sa kan'yang mga anak.
  "But we miss him dad, nakangusong sagot naman ni Madel.
  "Hayaan mo na Bro namiss ko rin naman sila"
  "Magplay muna kayo mamaya tayo naman ang maglalaro okay ba yon? "Really Dada!? Sabay na wika ng kambal na ikinangiti naming lahat.
   "Opo, promise! Ibinaba ko naman sila at patakbong pumasok sa loob. Sumunod na rin kami nila Marco at Mace, naabutan naman namin sila mama at papa pati na rin ang mga magulang ni Marco na masayang nagkukwentuhan sa salas.
  "Wallace anak! Hinagkan ko naman ang pisngi ni mama at tinapik ko naman ang balikat ni papa bilang pagbati. Nagmano naman ako kay tito Cedric at tita Alexandra, at pagkuwa'y naupo sa tabi ni mama.
   "Happy birthday po tito Cedric"
  "Salamat hijo". Nag-umpisa ka na pala ulit mgtrabaho sa Southville Hospital? "Yes po tito kahapon lang"
  "Akala nga namin mananatili ka na ng tuluyan sa Amerika kaya itong mama mo masyadong nag-aalala, nangingiting wika naman ni tita Alexandra.
  "Wala naman po talaga akong balak manatili don, saka isa pa po nandito ang pamilya ko".
  "Siyanga pala anak are you sure na okay ka na sa Condo mo tumuloy? May pag-aalalang saad ni papa.
  "Yes pa, saka baka amagin na yong Condo ko kung hindi ko uuwian" sabay naman silang nagtawanan.
  "Kung nagka-anak lang sana kayo ni Celestine hindi ka sana nalulungkot ng ganyan," malungkot naman na baling sa akin ni mama". Ano kaya ang magiging takbo ng buhay ko kung sakaling nagka-anak kami ni Celestine?
  "Honey, wag ka nang malungkot kung nasaan man s'ya ngayon i'm sure ginagabayan n'ya ang anak natin"
  "Oo nga naman Shayne, sa nakikita ko naman kay Wallace mukhang okay na s'ya"
  "Yes po tita Alex, i'm totally okay. Huwag po kayong mag-alala, saka hindi na ko masyadong nalulungkot tulad ng dati dahil unti-unti ko na rin naman natatanggap.
  "Pero si Celestine pa rin ang nariyan sa puso mo kaya hanggang ngayon hindi mo pa rin sinusunod yong sinabi niya sayo"
  "Ma__
  "Don't worry anak hindi ka naman namin pipilitin sa mga bagay na ayaw mo, pero sana buksan mong muli iyang puso mo". Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni mama sa akin. Hindi ko alam kung kailan ko pakakawalan si Celestine sa puso ko. Oo nga at hindi na ako nasasaktan pero mahirap s'yang kalimutan. Mahirap kalimutan ang taong minahal mo ng lubos at lubos ka ring nasaktan sa pagkawala n'ya.
 

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now