CHAPTER 25

17 2 0
                                    

"Doctora Alcantara punta na raw po kayo sa conference magsisimula na raw po ang meeting," sabi sa akin ng aking sekretarya pagkapasok ng aking opisina.

"Sige susunod na ako." Inayos ko muna ang mga gamit ko at sinuot ang aking white coat bago lumabas sa aking opisina. Dumeretso ako sa conference room kung saan gaganapin ang meeting. Pagkapasok ko pa lang ay nabungaran ko kaagad si Doctor Miller na titig na titig sa akin kaya bigla akong napaiwas nang tingin. Naupo naman ako sa pinakadulo para maiwasan siya. Kahit na anong iwas ko sa kan'ya ay sadyang pinaglalapit talaga kami ng tadhana. Nakayuko lang ako at hinihintay ko na lang magsimula ang meeting, ayokong magsalubong ang tingin namin dahil para akong bombang sasabog dahil sa nkakaakit niyang mga titig kailangan kong pigilan ang sarili ko. Maya-maya pa ay dumating na ang Director ng ospital at sinimulan na ang meeting.

"Okay Doctors, alam kong iba't-iba ang mga doctor na naririto. Kaya ko kayo pinatawag dahil meron tayong medical mission na gagawin sa probinsya. And we want you to be there. Pero kung hindi naman kayo p'wede sabihin n'yo kaagad para may ipapalit tayo sa inyo," Paliwang ng Director. "Actually si Doctor Marco sana kasama rin, ang kaso he has a lot of surgeries na naka-schedule ngayong buwan kaya ipinatawag ko na lang 'yong ibang nga GS natin. May mga ibang doctor din kayong makakasama, like Pedia, OB, Psychiatrist etc."

"Excuse me po Doc"

"Yes Doctora Alcantara?"

"Ilang araw po ang ilalagi namin doon?" Nahihiya kong tanong.

"Mga four days na ang pinaka matagal," nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

Four days? Diyos ko parang ayoko nang sumama lalo pa at palagi kong makikita si Doctor Miller, sabi ko sa aking isipan.

"Bakit Doctora Alcantara may problema ba?"

"H-ha? Ah, e w-wala naman po," nauutal kong wika at napadako ang tingin ko kay Doctor Miller na ngayo'y nakayuko at pinaglalaruan ang ballpen na hawak n'ya. Ilang oras pa ang tinagal ng meeting at nakahinga na rin ako ng maluwag dahil pakiramdam ko para akong sinasakal sa sobrang kaba.

"Okay that's all for today, the day after tomorrow na ang alis n'yo." Pagkatapos ng meeting ay nagsialisan na rin ang mga Doctor na naririto at nakita kong papalabas na rin si Doctor Miller. Hindi na niya ako tinapunan nang tingin simula pa kanina. 

Nauna na siyang lumabas at 'di kalauna'y sumunod na rin ako. Mas maigi na rin siguro ito, ang iwasan namin ang isa't-isa at ibaling niya ang pagmamahal niya kay Sha-Sha. Nasasaktan ako pero ito ang makabubuti para sa amin. Pagkalabas ko ng conference room ay nakita ko ang papalayong si Doctor Miller. Bigla na lang pumatak ang aking mga luha ng hindi ko sinasadya. Nasasaktan ko siya alam ko, pero hindi ko gustong saktan si Kristoff dahil nangako ako sa kan'ya na pag-aaralan ko siyang mahalin pero sa iba tumibok ang puso ko. Mabibigat ang aking mga hakbang na nagtungo ako sa aking opisina. Humiga muna ako sa aking sofa dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit wala naman akong masyadong ginawa. Kinuha ko ang aking cellphone at nag-browse muna ako saglit sa aking social media. Napatigil ako nang makita ko ang post ni Doctor Miller. Nakangiti siya sa kan'yang picture ngunit pansin ko na pilit lamang ito at pawang malungkot ang kan'yang mga mata. Napabuntong hininga ako at ipinatong sa center table ko ang cellphone.

"I'm sorry Doctor Miller, I'm so sorry. Mas gugustuhin ko pa na tayo ang masaktan kaysa sa mga taong malalapit sa akin," wika ko sa aking sarili. At maya-maya pa ay pinikit ko muna ang aking mga mata.


WALLACE POV:


"Sigurado ka na ba talaga Wallace sa gagawin mong iyan?" Seryosong tanong sa'kin ni Marco at nandito kami ngayon sa coffee shop.

The Promise of Forever (BOOK 2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora