CHAPTER 24

16 0 0
                                    

WALLACE POV


Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Doctora Alcantara sa akin na ibaling ko ang nararamdaman ko kay Shania. Kinuha ko ang telepono ko at dinial ang kan'yang numero. Nakailang ring lang ay sinagot naman n'ya kaagad.

"Hello honeybunch!" Masayang turan n'ya. Napabuntong hininga naman ako sa klase nang tawag n'ya sa akin.

"I invite you for a dinner tonight"

"Really?! Oh sure honeybunch, ako na lang ang pupunta sa'yo d'yan okay?" Magsasalita pa sana ako ngunit binaba na n'ya kaagad ang tawag. Napasandal ako sa aking swivel chair at napapikit nang mariin. Kahit nakapikit ako ay si Louise ang nakikita ko, napatayo akong bigla at sinuklay ko ng aking mga daliri ang buhok ko.

"Fuck, I'm crazy! Paano ko naman s'ya makakalimutan kung palagi ko s'yang naiisip?" Sabi ko sa aking sarili. Wala ako sa sariling lumabas ng aking opisina. Hindi ko alam na napunta na pala ako sa pediatric ward pagkatingin ko sa floor na 'yon. Napabuga na lang ako nang malakas sa hangin ng maisip ko 'yon.

"Shit Wallace focus," mahinang wika ko sa aking sarili. Tatalikod na sana ako para bumalik sa aking opisina ng bigla kong makita si Louise. Napahinto ako at sinundan siya nang tingin kung saan s'ya patungo. Dahan-dahan ko siyang sinusundan kung saan siya papunta. Pumasok siya sa isang k'warto ng mga pasyente at sinundan ko naman ito, sumilip lang ako sa salamin ng pinto. Kita ko kung paano s'ya ngumiti sa kan'yang mga pasyente. Totoong ngiti pero may halo ng kalungkutan ang kan'yang mga mata. Noong makita kong papalabas na siya ay nagtago naman ako sa hindi kalayuang k'warto na 'yon. Muli ko s'yang sinundan kung saan ulit s'ya papunta. Nakita kong pumasok s'ya ng kan'yang opisina, dahan-dahan akong lumapit sa pinto at sumilip sa salamin ng pintuan n'ya kung saan makikita siya kaagad. Nakaupo s'ya sa kan'yang swivel chair at nakatagilid ito habang nakatanaw sa kan'yang malaking bintana at pinaglalaruan ang ballpen sa kan'yang daliri.

"Paano mo napipigilan ang nararamdaman mo? Masaya ka ba na pati sarili mo nasasaktan mo?" Wika ko sa aking sarili habang nakatitig sa kan'ya. Umalis na ako doon at nagtungo na lang sa aking opisina. Parang gusto kong bawiin kay Shania ang sinabi ko sa kan'ya, pero huli na para gawin pa 'yon. Tumingin ako sa relo kong pambisig at nagpasya na akong bumaba dahil may usapan kami ni Shania, sinabi ko na lang sa kan'ya na hintayin na lang ako sa baba. Nasa ground floor na 'ko nang matanaw ko na si Shania. Napahinto akong bigla ng mapagsino kung sino ang kausap n'ya. Kumaway pa sa akin si Shania kaya napatingin na rin si Louise sa gawi ko. Pareho pa kaming nagulat at umiwas sa'kin nang tingin.

"Lou sumama ka na rin sa'min magdinner," saad ni Shania kay Louise.

"Ha?" Hindi na susunduin kasi ako ni Kristoff eh," hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng selos pagkabanggit n'ya kay Kristoff gayong hindi maman s'ya akin. Nanatili lang akong nakatitig sa kan'ya at ganoon din s'ya, pero siya na rin ang nag-iwas nang tingin. Tinawagan niya muna si Kristoff bago kami umalis. Lulan na kami ng aking sasakyan papunta sa restaurant at nanatili lang s'yang tahimik samantalang si Shania ay panay naman ang k'wento na wala akong maintindihan dahil na kay Louise ang atensyon ko. Tinignan ko s'ya sa rearview mirror at nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Pagkapasok namin sa loob ng restaurant ay sinadya ko naman hawakan ang bewang ni Shania na alam kong makikita ni Louise. Gusto ko siyang pagselosin at makita ang kan'yang reaksyon mamaya.

"Anong gusto mong orderin Shania?" Tanong ko sa kan'ya pero na kay Louise ang atensyon ko.

"Ikaw na ang bahala, basta ikaw go ako!" Natawa naman ako hindi dahil sa sagot ni Shania, kundi dahil sa reaksyon ni Louise na palihim na umirap.

"How about you Doctora Alcantara?"

"Kahit ano na lang din sa 'kin," saad n'ya habang nasa ibang direksyon ang tingin niya. I know you're jealous Doctora Alcantara, sabi ko sa aking isipan.

"Bakit parang malungkot ka Lou? 'Wag mo naman masyadong mamiss si Kristoff dadating na rin 'yon," gusto kong sawayin si Shania pero wala akong karapatang gawin 'yon. Maya-maya pa'y dumating na rin si Kristoff. At parang sinuntok ng ilang libong beses ang aking dibdib dahil sa selos. Parang gusto ko nang sumabog o kaya'y lumipat na lang ng ibang p'westo para hindi ko makita ang ginagawa ni Kristoff kay Louise. Maya-maya ay napansin ko na isa-isang tinatanggal ni Kristoff ang mga beans sa ulam n'ya.

"Kristoff hindi ka kumakain ng beans?"

"Kay Louise 'to, allergic kasi s'ya sa beans." Fuck! Mura ko sa aking isipan. Kung hindi pala dumating si Kristoff at nakakain siya ng beans baka kung ano ang nangyari sa kan'ya.

"Muntik na nga siyang mamatay noon dahil grabe ang epekto sa kan'ya noong allergy na 'yon. Buti na lang naisugod siya kaagad ni Kristoff sa ospital. He's her knight in shining armor talaga, " masayang k'wento ni Shania. Napahawak ako nang mahigpit sa kubyertos ko at tinitigan si Louise.

"Ang swerte mo Lou talaga kay Kristoff kaya naman ang daming naiinggit sa'yo girl! Masyadong mahaba ang hair mo," gusto ko nang takpan ang bibig ni Shania dahil hindi ko na gusto ang mga naririnig ko. Pakiramdam ko anytime sasabog na 'ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

"Mas maswerte ako kay Louise," hindi ko na kinaya pa ang sunod nitong ginawa. Hinalikan niya ang kamay ni Louise na mas lalong nagpasakit sa 'kin.

"Excuse me, magbabanyo lang ako." Mabilis akong tumayo at tinungo ang banyo. Mabuti na lamang ay ako lang ang tanging tao sa loob. Sinuntok ko ng tatlong beses ang pader at tinuon ko ang aking noo dito. Malalakas ang aking paghinga na tila pinapakalma ang aking sarili. Nakikita ko kay Louise ang pagpipigil niya sa kan'yang sarili dahil ayaw nitong masaktan si Kristoff. Pero ako naman ay triple ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa tuwing makikita silang magkasama. Imbes na si Louise ang magselos, ay ako naman ang mamamatay sa selos. Matapos naming kumain ay nagpasya na rin kaming umuwi. Napansin ko naman na parang ang lalim ng iniisip ni Louise habang hinihintay niya si Kristoff. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang makita ko na may paparating na humaharurot na motor at mahahagip si Louise. Mabilis ko siyang dinaluhan at kinabing siya sa bewang para iiwas.

"Are you okay?" Mahinang wika ko sa kan'ya. Hindi siya makapagsalita at mataman lang nakatitig sa akin dahil na rin sa gulat.

"Love are you okay?" Tanong ni Kristoff sa kan'ya pagdating n'ya.

"Y-yes I'm okay." Binalingan naman ako nang tingin ni Louise. Sa pagkakataong iyon ay parang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sabihin sa kan'ya na akin ka na lang.

"Thank you Doctor Miller." Tumango lang ako sa kan'ya at umiwas nang tingin.

Hinatid ko muna si Shania sa bahay n'ya bago ako umuwi.

"Thank you honeybunch!" Saad niya nang makarating na kami sa kan'yang bahay at bago siya bumaba ng kotse. Tumango lang ako sa kan'ya at tipid na ngumiti.

"Siyanga pala Shania," pahabol ko sa kan'ya bago siya makababa. "Gusto ko sana na maging magkaibigan tayo." Kita ko sa kan'ya ang pagkagulat at lungkot sa kan'ya nang sabihin ko 'yon.

"Hindi mo ba ako gusto?"

"No its not like that, it's because__"

"Because you have someone else." Putol niya sa sunod kong sasabihin. Yumuko ako at marahang tumango.

"Mahal ka rin ba n'ya?" Bigla akong napatingin sa kan'ya at hindi malaman ang isasagot. Sasabihin ko bang siguro? Oo, sana? Hindi ko alam, dahil hindi ko pa tiyak kung ano ang tunay na nararamdaman ni Louise hangga't hindi ko pa naririnig mula sa kan'ya na mahal niya ako. "Hindi ako susuko Doctor Miller hangga't hindi ko napapatunayan at nakikita siyang kasama mo at mahal niyo ang isa't-isa." Pagkasabi niyang iyon ay bumaba na siya kaagad ng kotse ko at ako naman ay napasandal sa aking upuan at napahilot ng sentido ko. Paano ko naman maipapaliwang na kaibigan niya ang mahal ko at ikakasal na sa iba.

"What am I going to do Celestine? Should I give up? Or fight for my love?" Sabi ko sa aking sarili habang nakatingin sa labas ng bintana ng aking sasakyan.


The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now