CHAPTER 34

14 0 0
                                    

Nakatayo ako sa harap ng aking bintana at matamang nag-iisip. I remember the scene I saw earlier between Louise and Kristoff. Napabuga na lang ako ng malakas sa hangin at naupo sa aking swivel chair at sumandal. Binasa kong muli ang resulta ng DNA ni Louise at Celestine hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nakikita, kailangan kong makausap si mama Celicia para malaman ang katotohanan. Halata naman sa una pa lang, dahil magkamukhang magkamukha sila.

"90.0 percent," nasabi ko sa aking sarili habang nakatitig pa rin sa DNA result. Tumayo ako sa aking upuan at pupuntahan si Louise. Kumatok muna ako bago pumasok sa kuwarto kung saan naka-confine ang Mamu ni Louise. Sabay naman silang napatingin sa akin pagkapasok ko sa loob at gising na rin ang tinatawag niyang Mamu Dyosa. Hindi ko naman nakita si Louise at tanging 'yong dalawang tinatawag niyang Mamu ang naroroon

"Kumusta po ang pakiramdam mo?"

"A-ayos naman po ako Doc," nakangiti niyang sagot sa akin.

"Nagbigay na po ako ng reseta sa nurse at inumin n'yo sa oras ang mga gamot niyo okay?"

"Okay po Doc," tumango lamang ako at tatalikod na sana pero muli akong tinawag ng isa niyang Mamu.

"Doctor Miller tama po ba?"

"Ah yes po"

"Pwede ka bang makausap kahit ilang minuto lang?" Tumango naman ako at lumabas ng kuwarto at nagtungo muna sa caffeteria ng ospital.

"Aahmm, Doctor Miller gusto ko lang malaman kung ano ang relasyon mo sa aming anak-anakan?" Mahinahon niyang wika sa akin.

"Ah, a-ano po__"

"Just call me Mamu Edna na lang, ayon kasi ang tawag sa amin ng lahat"

"Ah, s-sige po Mamu Edna," nahihiya kong turan sa kan'ya. "I love her Mamu Edna," walang paligoy-ligoy kong sagot. Hindi naman siya nagulat at pakiwari ko'y alam na rin naman niya ang tungkol sa amin at gusto lang niyang manggaling ito mismo sa akin. Tumango lamang siya at yumuko.

"Alam mo rin siguro ang tungkol sa kanila ni Kristoff hindi ba?"

"Opo, I already knew from the very start"

"Ayokong masaktan si Louise. Pero kung ano naman ang magiging desisyon niya, suportado naman namin siya. Iniisip lang namin 'yong sa kanila ni Kristoff. Naikuwento na rin siguro sa'yo 'yon ni Louise." Nakikinig lang ako sa kan'ya habang siya ay nakayuko at nakatitig sa kan'yang tasa na may kape. "Mabait na bata si Kristoff. May isang taon na rin sila ni Louise, hindi ko alam kung bakit hindi man lang tumibok sa kan'ya ang puso ni Louise. Hindi naman kasi natuturuan ang puso eh. At hindi mo rin mapipigilan 'yan kung sino ang gusto niyang mahalin. Sa kaso niyo ni Louise isa sa inyo ang magpaparaya at pipiliin ang masaktan. At ang isa naman ay bibitaw kahit masakit." Mahabang paliwanag ni Mamu Edna. Alam ko naman kung ano ang punto niya. Kailangan ko bang magparaya at piliing masaktan o si Kristoff ang bibitaw para sa kaligayahan naman ni Louise? "Pero kung ano ang magiging desisyon ni Louise Doctor Miller, hindi namin kokontrahin dahil gusto namin siyang maging masaya, iyon kasi ang ipinangako namin sa yumao niyang ina," mapait naman siyang ngumiti sa akin.

"May gusto rin po sana akong itanong sa inyo, if you don't mind?"

"Sige lang Doctor Miller"

"Alam kong ampon si Louise dahil naikuwento na rin niya sa'kin 'yon. Gusto ko lang malaman kung paano siya napunta sa umampon sa kan'ya?" Napabaling bigla ang tingin niya sa akin at gulat na gulat. Pansin ko naman ang panginginig ng kan'yang mga kamay habang nakahawak sa tasa niya.

"A-ano, i-iniwan kasi siya ng m-magulang niya, kaya ayon." Nag-iwas naman siyang bigla nang tingin at para bang balisa. Alam kong hindi totoo ang sinasabi niya at may tinatago siya na hindi rin alam ni Louise, at iyon ang kailangan kong malaman kung paano siya napunta sa kinikilala niyang ina.

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now