CHAPTER 8

15 0 0
                                    


Nandito ako ngayon sa garden at umiinom ng beer. Hindi muna ako umuwi sa Condo ko ngayon dahil dinalaw ko ang mga magulang ko dito sa bahay, matagal ko na rin kasi sila hindi napupuntahan dito simula nang lumipat uli ako sa Condo Unit ko. Napatingala naman ako nang tapikin ni papa ang aking balikat at umupo sa aking tabi.

"Hindi ka makatulog anak?" Tanong sa 'kin ni papa at nagbukas ng kan'yang beer in can at ininom.

"Nagpapaantok lang ako pa. " pareho kaming nakatingin ni papa sa liwanag ng buwan. Kay gandang pagmasdan, parang si Celestine ang gandang pagmasdan ng kan'yang maamong mukha kailanman ay hindi ko ito pinagsawaang titigan. Bigla kong naalala ang kamukha ni Celestine. Magkamukhang magkamukha talaga sila pero magkaiba ng ugali. Nakalimutan kong itanong sa kan'ya ang pangalan niya, and I'm sure hindi din naman niya sasabihin sa akin unless kung itatanong ko na lang sa mga nurse sa E.R.

"Pa, tawag ko sa aking ama habang nakatingin pa rin ako sa buwan.

"Ano 'yon anak?"

"Di ba matagal niyo ng kilala ang mama ni Celestine?"

"Oo anak, pero ang mama mo matagal na silang magkaibigan ni mama Celicia mo hindi pa kami mag-asawa ng mama mo noon" bakit mo naitanong? Umayos naman ako sa aking pagkakaupo at tinitigan si papa na ngayon ay seryoso ding nakatingin sa akin. Huminga muna ko nang malalim saka muling nagsalita.

"Pa, may nakita po kasi akong babae kamukhang kamukha ni Celestine" kita ko naman sa mukha ng aking ama ang pagkagulat.

"Sigurado ka ba dyan hijo?"

"Yes pa, kabisadong kabisado ko ang mukha ng asawa ko. Kahit nakapikit alam ko ang itsura niya." Saglit natigilan si papa at wari ko'y nagtataka sa aking sinabi.

"Pa wala ba kayong alam na may kakambal si Celestine?"

"Hijo noong ipinanganak ni mama Celicia mo si Celestine nag-iisa lang talaga siya"

"I'm just wondering pa, mapagkakamalan mo nga silang kambal eh." pagkasabi kong iyon ay sumimsim naman ako ng alak.

"Saan mo siya nakita anak?"

"Noong una sa beach, remember noong nagbeach tayo nila Marco? Tumango naman si papa.

"And then sa Southville Hospital naman siya ngayon nagtatrabaho." Lalong nanlaki ang mata ni papa sa kan'yang narinig. Maging ako noong una ay hindi rin talaga makapaniwala.

"Alam na ba yan ng mama Celicia mo?"

"Hindi pa po papa. Hindi ko muna pinaalam sa kan'ya baka kasi bigla siyang magpanic at pumunta sa ospital. Aalamin ko ang lahat-lahat sa kan'ya pa kung sino ba talaga ang babaeng kamukha ni Celestine."

LOUISE:

"O anak may gwapo ba riyan sa plato mo at kanina mo pa 'yan tinititigan?" Biro sa akin ni mamu Dyosa.

"Naiinis lang kasi ako mamu Dyosa eh! Pabagsak ko namang ibinaba ang kutsarang hawak ko dahilan nang pagkagulat nila mamu Dyosa at mamu Edna.

"Ano bang problema mong bata ka? Aatakihin ako sa puso sayo eh" wika ni mamu Edna.

"Sa nakikita kong itsura mong iyan mukha kang bulaklak na walang dilig. Tawagan ko na ba si Kristoff para diligan ka?" Nanlaki naman ang aking mga mata dahil sa sinabi ni mamu Dyosa.

"Mamu!

"Joke lang anak! Bakit ba kasi bad mood ka?"

"Meron kasing bastos na Doctor doon sa pinapasukan kong ospital, nakakaasar! Napaka-antipatiko pa!"

"Louise naman mabibingi kami ni mamu Edna mo dahil sa kasisigaw mo eh"

"Paano ba naman kasi nakakainis eh!"

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now