CHAPTER 7

14 0 0
                                    


Nakaharap ako sa salamin dito sa aking kuwarto at nakatingin lang sa aking repleksyon. Napadako naman ang tingin ko sa suot kong engagement ring na bigay ni Kristoff noong ginanap ang aming engagement party. Marahan ko itong hinaplos at tipid na ngumiti. Napakabait ni Kristoff kaya hindi ko malaman sa kan'ya kung bakit nagtyatyaga pa rin siya sa 'kin kahit na alam niyang hindi ko pa kayang suklian ang pagmamahal na inaalay niya sa 'kin. Minsan iniisip ko na rin na bigyan ng pagkakataon ang sarili kong mahalin siya. Noong una pa lang na magkakilala kami dahil sa isang kasunduan ay hindi niya 'ko pinakitaan ng hindi maganda, bagkus ginusto pa ako nito at minahal. Siguro panahon na para bigyan din naman siya ng pagkakataon. Pumunta na ako sa aking kama at nahiga, maya-maya ay naisip ko naman ang bastos na doctor kanina. Bigla na naman ako nagngitngit sa galit.

Tumihaya ako at humalukipkip. Hindi porket guwapo siya may karapatan na siyang mambastos! Sino ba siya sa akala niya?! Wika ko naman sa aking sarili.

"Teka nga muna bakit ba ko naaattract sa kan'ya? No, no, no! Erase erase erase! Iwinasiwas ko pa ang palad ko sa hangin.

"May araw ka ring Doctor antipatiko!


"Good morning Doctora Alcantara," bati sa'kin ng nurse na kasabay kong nag-aantay ng elevator.

"Good morning din." Nang bumukas na ang elevator ay pumasok na ako kaagad, pumwesto ako sa bandang likuran dahil sanay ako na lagi sa may likuran. Pasara na sana ang elevator ng mayroong biglang humabol pa na sasakay, at iniharang nito ang kan'yang braso.

"Ooops! Thank you miss beautiful," wika niya sa elevator girl. Nagulat pa ako nang makita kung sino ang kasama niya. Peste siya na naman?! Sigaw ko sa aking isip. Ang laki-laki ng ospital bakit palagi na lang kaming nagkikita nang antipatikong Doctor na ito? Naglagay naman ako ng face mask para hindi ako nito makilala dahil panigurado may masasabi na naman ito.

"Doctora Alcantara ayos lang po ba kayo?" Tanong sa akin ng nurse na katabi ko.

"Ha? Ah oo ayos lang ako, medyo inuubo din kasi ako eh," umubo naman ako kunwari at yumuko para hindi nila ako mahalata. My gosh bakit ang tagal naman nilang bumaba? Bulong ko sa aking isipan, napansin kong tumingin sa bandang likuran si Doctor antipatiko kaya napayuko akong muli. Para tuloy akong kriminal na nagtatago sa mga pulis. Ilang sandali pa ang lumipas ay bumaba na din sila kaya naman nakahinga ako ng maluwag at tinanggal ko na ang aking mask. Nagmamadali akong pumunta sa aking opisina at umupo sa aking swivel chair. Kakaupo ko pa lang ng biglang pumunta sa opisina ko ang aking sekretarya.

"Doctora Alcantara baka pwede daw niyo pong tignan yung pasyente sa E.R need daw po kasi ng Pedia roon"

"Okay sige susunod na ako." Pagkalabas ng sekretarya ko ay inayos ko muna ang ibang gamit ko. Sinuot ko ang white coat ko at lumabas na ng aking opisina. Naririnig ko ang malakas na pag-iyak ng batang babae pagkapasok ko palang ng E.R na sa tantya ko ay nasa edad na sampung taon. Lumapit naman ako sa kinaroroonan nila, yakap-yakap naman siya ng kan'yang ama at nasa tabi naman ang ina nito.

"Ano pong nangyari?

"Madalas pong sumasakit ang ulo niya doctora eh, tapos suka pa siya ng suka hindi na nga po namin alam ang gagawin namin," naiiyak na wika ng ina ng bata.

"Sige po ipapalaboratory test natin siya saka CT Scan na rin," tinawag ko naman ang nurse para ipalaboratory na ang bata at isagawa ang CT Scan. Ipinaliwanag naman sa akin ng doctor ang resulta ng CT scan habang nakatingin sa monitor.

"So you mean?

"Yes Doctora, she needs a brain surgery as soon as possible," napabuntong hininga naman ako at sinulyapan ang aking pasyente kasama ang magulang niya na nakaupo sa visitors chair at hinihintay na lang akong lumabas.

The Promise of Forever (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon