CHAPTER 21

10 0 0
                                    

"Sige na Lou pumayag ka na! Saglit lang naman tayo eh," pakiusap sa 'kin ni Sha-Sha. Nandito kami ngayon sa bahay at maaga pa lang ay pinuntahan na niya ako. Tanghali pa naman ang pasok ko kaya may time pa ako gumawa dito sa bahay.

"Ayokong mag-inom okay! Noong last time tayo nag-inom halos mabaliw-baliw ako hindi ko na alam pinaggagawa ko"

"Kasama naman natin si Kristoff eh. Sige na Lou ngayon lang naman ulit tayo lalabas after 2 years," may himig na pagtatampong turan niya sa akin habang ako naman ay napahinto sa pakukusot ng mga damit ko.

"Oo na sige na! Kunwari'y napairap pa ako sa kan'ya. Napayakap naman siyang bigla sa akin at hinalikan pa ako sa pisngi sa sobrang tuwa.

"Tuwang-tuwa ka girl ah!" Natatawa kong wika sa kan'ya.

"Syempre kasi iinvite ko rin si Doctor Miller mamaya." Biglang kumalabog naman ang puso ko nang marinig ang panagalan niya at pinanlakihan ko siya ng mata sa gulat.

"S-si Doctor M-miler kasama?"

"Yes, kilala mo na ba siya?"

"O-oo naman, actually kilala ko lang siya."

"Para makilala mo rin s'ya ng lubos! Ang guwapo-guwapo n'ya Lou kinikilig nga ako kapag tinititigan ko s'ya eh," masayang kuwento n'ya sa 'kin. Parang gusto ko nang bawiin sa kan'ya ang sinabi ko. Ang totoo niyan gusto ko na rin makita si Doctor Miller, kaya lang baka pag nakita ko siya ay lalo lang akong mahirapan sa nararamdaman ko para sa kan'ya.

"Hoy Lou anong nangyari sayo bakit natulala ka na?"

"Ahm, Sha-Sha__"

"Hep! Bawal na umatras basta kita na lang tayo mamaya okay?" Hindi na 'ko nakapagsalita ay basta na lamang siyang tumalikod at umalis na ng bahay. Napabuntong hininga na lang ako, dahil ito ang unang beses na makakasama ko siya. Para na akong sasabog ngayon sa sobrang kaba habang iniisip ko na magkikita kami mamaya sa bar. Tumayo muna ako sa pagkakaupo ko sa paglalaba at tinungo ang kusina para uminom ng tubig. Huminga ako nang malalim pagkatapos at pilit pinapakalma ang aking sarili.

"Louise isipin mo na lang na walang nangyari okay? Bulag ka ngayon, kunwari may amnesia ka. Basta! Ayokong isipin," sabi ko sa aking sarili sabay tapik sa aking noo.


Kakalabas ko lang ng E.R dahil may pinuntahan akong pasyente nang makita ko naman si Doctor Miller na papunta rin sa E.R. Busy siya sa pagbabasa ng hawak niyang folder kaya bigla akong nagtago. Pakiramdam ko tuloy ay mayroon akong nagawang kasalanan sa kan'ya at pinagtataguan ko siya.

"Doctora? Ano pong ginagawa ninyo riyan?" Napalingon naman ako sa pagtawag sa akin ng nurse. Nasa likod ako ng pintuan ng isa sa mga kwarto ng pasyente at kanina pa pla sila nakatingin sa akin.

"Ha? Ahhmm, ano kasi...may hinahanap lang ako pasensya na po sa istorbo." Pagkasabi kong 'yon ay lumabas na ako ng kwarto at napaatras naman ako sa gulat nang makita ko si Doctor Miller sa tapat ng kwarto at nakahalukipkip. Napatulala naman ako sa kan'ya at napalunok hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa pagkamangha. Ngayon ko lang napagtanto na napaka-guwapo pala talaga niya at malakas ang appeal. Kung ipagkukumpara ko si Kristoff at si Doc Miller__ napahinto lang ako sa aking pag-iisip ng hindi ko namamalayang nakalapit na pala siya sa akin.

"Tinataguan mo ba ako?"

"H-hindi ah! Nauutal kong wika sa kan'ya.

"Anong ginagawa mo roon sa loob ng kwarto?"

"M-may hinahanap lang ako"

"Who?"

"Bakit ba ang tsismoso mo?

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now