CHAPTER 4

19 0 0
                                    

Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay nagtungo na kaagad ako sa aking silid. Nag half bath muna ako at pagkatapos sinuot ko naman ang aking pantulog. Naghahanap ako ng libro sa bookshelf ko na babasahin ko sana nang makita ko ang isang folder. Ito yung mga dokumento ng kasunduan nila ni mama at Don Miguel. Naupo ako sa aking study table malapit sa aking kama at binuksan ang nilalaman ng folder. Tumambad sa akin ang kasulatan at may pirma ito ni mama at ni Don Miguel at nagsasaad na kailangan kong magpakasal sa kan'yang anak na si Kristoff Jimenez kapalit ng malaking pagkakautang ni mama sa kanila. Noong una ay tutol ako sa kasunduang iyon at dahil wala akong kaalam-alam sa nangyayari. Namatay si mama ng hindi man lang sinabi sa akin ang bagay na 'yon, kaya laking gulat ko na lamang na kailangan kong pakasalan si Kristoff. Gusto kong magalit sa kan'ya pero wala na rin namang magagawa ang galit ko dahil wala na si mama, at isa pa wala akong karapatang magalit sa kan'ya dahil utang ko kay mama ang aking buhay. Bata pa lang ako ay alam ko na na hindi ako tunay na anak ni mama, pero minahal naman niya ako na parang isang tunay na anak. Pinakain, binihisan at pinag-aral pa sa magandang paaralan. Ngunit ng magkasakit si mama ay hindi na rin s'ya nakapagtrabaho sa parlor. Tanging sila Mamu Dyosa at Mamu Edna na lang ang nagpatakbo ng parlor ni mama. At nang mamatay naman si mama sila na rin ang naging pamilya ko at nakasama ko. Itinuring din nila akong parang isang tunay na anak kahit na isa silang beki. Kahit na ganoon pa man ang kasarian nila ay hindi naman ito naging hadlang para hindi ko sila ituring na mga magulang ko. Kung tutuusin ay maswerte pa nga ako dahil sa kanila ako napunta. Isang simpleng tao lang at wala din namang maibibigay sa aking yaman, pero pinuno naman ako ng pagmamahal. Isinarado ko na ang folder at ibinalik kung saan ko ito kinuha. Napabuntong hininga na lang ako at naupo muna saglit sa aking kama.

"Alam ko mama na iniisip mo lang ang kapakanan ko kung bakit mo iyon ginawa, kung bakit ka nakipagkasundo kay Don Miguel", nasabi ko na lang sa aking sarili.

WALLACE:

"Good morning po Doctor Miller" bati sa akin ng mga nakakasalubong kong mga nurse at doctor habang tinatahak ko papunta sa aking opisina. 

Mabuti na lamang at mabilis akong nakasakay ng elevator at hindi ko na kailangan pang maghintay. Pasara na ang elevator ng may mahagip akong isang pamilyar na babae nakaside view ito at may kausap na isang nurse. Nang malapit ng sumara ang elevator ay saka lamang ito humarap at doon ko nakita ng malinaw ang kan'yang mukha. Nanlaki ang aking mga mata at napamura sa aking isipan. Naghahallucinate na naman ba ako? No! She's not real! Sigaw ko sa aking isipan. Sakto namang bumukas ang elevator at dali-dali akong lumabas, at bumaba sa may hagdan. Nang makarating ako kung saan ko siya nakita ay wala na ito. Bigla ko naman napagtanto ang kan'yang suot. Ibig sabihin lang nito ay Doctor din siya dito sa ospital na ito. Pero paano ko naman siya mahahanap at mkikita sa laki ba naman ng ospital na ito. Napapikit na lang ako ng mariin at napakagat labi dahil sa aking mga naiisip. Mabibigat ang mga hakbang ko nang tumungo ako sa aking opisina at naupo kaagad sa aking swivel chair. So tama nga ang nakita ko sa beach noon, hindi ako naghahallucinate lang. Pero paanong nangyari 'yon na meron siyang kamukha? Hindi lang mukha ang magkatulad sila pati boses at kung paano ito ngumiti.

"Damn! Mahinang mura ko at sabay hampas sa aking mesa. Napatayo ako at sinabunutan ang aking sarili. Nakaharap ako sa aking bintana at mabibilis ang aking paghinga. "Fuck Wallace nababaliw ka na! She is not your wife! She is not Celestine! Malakas na sigaw ko at kausap ko ang aking sarili.

"Wallace are you okay? Napadako ang tingin kong bigla kay Marco na tila kakapasok lang sa aking opisina. Tinitigan ko lang siya at hindi makapagsalita. "Wallace parang namumutla ka? May sakit ka ba?

"W-wala ito Marco stress lang ako"

"Sigurado ka? Tumango lamang ako ang naupong muli sa aking upuan.

"Ano nga palang ginagawa mo rito?

"Narinig mo na ba ang usap usapan dito?

"Anong usap usapan?

"May bago raw Doctor dito sa ospital at isa pa pinagkakaguluhan ng mga Doctor at nurse dito.

"Bakit artista ba 'yon para pagkaguluhan? Saad ko kay Marco habang binubuksan ang aking laptop.

"Ewan, maganda raw eh as in sobrang ganda! Natigilan naman ako sa kan'yang sinabi at sinulyapan siya. Kita ko sa labi n'ya ang pagngisi.

"Kailan ka pa naging tsismoso ha bro? At isa pa kahit isang beses hindi ka tumingin sa ibang babae dahil si Macelyn lang ang babaeng maganda para sayo" tumikhim naman siya at nag-iwas nang tingin. Napapailing na lang ako sa kan'yang tinuran. "I know you bro, so speak up" saad ko sa kanya habang nakatutok ako sa aking laptop.

"Maybe you should try to date her" nagpakawala naman ako nang malakas na buntong hininga at saka s'ya muling hinarap.

"Malaki ba?

"Ang alin? Takang tanong niya sa akin.

"Alam mo na, you know" sabay turo ko sa aking dibdib gamit ang mata ko.

"Ta* ***ado ka talaga Wallace! Tumawa naman ako ng malakas dahil kita ko sa mukha niya ang pagkaseryoso. "I know how you truly love Celestine. Pero Wallace wag kang tumigil magmahal habang tumitibok pa 'yang puso mo. Gusto ni Celestine na maging masaya ka. Saka isa pa Wallace hindi naman namin sinasabi sayo na kalimutan mo na si Celestine. Ang amin lang, magpatuloy ka sa buhay mo"

"Don't worry, soon Marco, soon. Sa ngayon, mas pipiliin ko munang mapag-isa at walang iniisip.

Pauwi na ako at katatapos lang ng last surgery ko. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng pagod dahil sa dami ng pasyente kanina. Nasa tapat na ako ng elevator, at dahil sa medyo matagal pa naman itong bumaba kung nasaang floor ako ay sumandal muna ako sa tapat at ipinikit ko ang aking mga mata. Sobrang antok ko na at pakiramdam ko ay sako-sako namang nakadagan sa aking balikat dahil sa sakit din ng aking katawan. Ilang sandali na nasa ganoong ayos ako ay iminulat ko ang aking mga mata. Muntik pa akong atakihin sa puso ng masilayan ang kan'yang mukha. Nasa harapan ko siya at titig na titig ito sa akin na para bang sinusuri ang aking mukha. Hindi rin naman maalis ang pagkakatitig ko sa kan'ya at nanlaki pa ang aking mga mata.

"How? Tanging lumabas na lang sa aking bibig habang nakatitig pa rin sa kan'ya.

"Ha? I, I'm sorry hindi ko sinasadya naistorbo ba kita? Para akong napipi at biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Ganitong ganito ang naramdaman ko noong una kong makita si Celestine.

"Excuse me? Are you okay? Napabalik lang ako sa huwisyo ng muli siyang magsalita. Sa pagkakataong ito ay hinila ko s'ya at dinala sa fire exit. Nang makarating kami doon ay isinandal ko siya sa pader at tinitigang maigi habang nakatukod naman ang dalawa kong palad sa pader. Gulat na gulat naman n'ya akong tinignan.

"She looks like you," matapos kong sabihin 'yon ay malakas naman n'ya akong tinulak at halata sa mukha niya ang inis.

"Ano bang problema mo!? Kung naistorbo man kita well I'm sorry! Tinalikuran naman niya ako, ngunit hindi pa s'ya nakakalabas ng fire exit ay bigla ko siyang hinawakan sa braso at pinaharap sa 'kin kaya naman muntik na s'yang masubsob sa aking dibdib.

"Aray! Ano bang problema mo!? Nagpupumiglas siya pero mahigpit ang pagkakahawak ko sa kan'yang braso.

"Who are you?

"Bakit ba gusto mong malaman!?

"Answer me! Who are you!? Sigaw ko sa kan'ya na ikinagulat niya. Mabilis ang aking paghinga, hindi sa galit kundi sa kaba. After all this years nakita ko si Celestine sa katauhan ng babaeng ito. Pareho kaming natigilan ng biglang magring ang kan'yang telepono at iyon din ang pagkakataon upang makawala sa akin. Mabilis s'yang lumabas ng fire exit at padabog niyang sinara ang pinto. Napapikit naman ako ng mariin at isinuklay ko ang aking mga daliri sa aking buhok.

"Fuck! Who is she!? Why does she looks like my wife!? Mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Ang kaninang pagod na pagod kong katawan ay bigla na lamang naglaho dahil sa babaeng 'yon.



The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now