CHAPTER 30

20 0 0
                                    

I felt the sun touches my face and I opened my eyes slowly. I glanced at Louise who was fast asleep in my arms and hugged me tightly. I caressed her face and down to her lips. Nakalimutan ko na wala pa pala kaming saplot dahil sa naging mainit naming tagpo kagabi. Napangiti naman ako nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi. Ang pag-angkin ko sa kan'ya ng dalawang beses ay ang hinding-hindi ko makakalimutan. 

Marahan ko s'yang hinalikan sa noo at unti-unti naman s'yang gumalaw. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata n'ya at matamis na ngumiti sa akin. Sinubsob n'ya pa ang mukha niya sa aking dibdib at mahigpit ko naman s'yang niyakap. Sana bumagal ang oras para mas matagal pa kaming magkasama rito, dahil oras na bumalik kami ng Maynila, ay babalik na ulit kami sa reyalidad na kung saan ay hindi pa muna namin p'wedeng ibulgar ang relasyon naming dalawa ni Louise. Maghihintay ako sa kan'ya ngayong may isang bagay akong nalaman sa kan'ya.

"Are you tired? Still sore?" Paos kong wika sa kan'ya. Napatingala siya sa akin at napagtanto niya na wala pala kaming suot. 

Pansin ko ang panglalaki ng mga mata n'ya at kumalas sa akin nang pagkakayakap. Tinakpan n'ya ng dalawang braso n'ya ang kan'yang dibdib at sinipa ako dahilan ng aking pagkahulog sa kawayan na hinihigaan namin.

"Aray naman hon bakit mo 'ko sinipa?" Sabay himas sa aking puwetan dahil sa pagkakatama nito sa sahig.

"S-sorry! Tumalikod ka muna nakahubad ako eh!

"E ano naman? Nag-make love na nga tayo kagabi saka nahawakan ko na 'yan lahat!"

"Aaaaah!! Itigil mo 'yan!" Saway naman niya na ikinangiti ko dahil alam kong nahihiya s'ya.

"Honey naman 'wag ka nang mahiya dalawang beses na nga__"

"Tumigil ka! Ayokong marinig!" Putol nito sa aking sasabihin. Nakatakip ang mga braso niya sa kan'yang dibdib na animo'y nakayakap sa kan'yang sarili at nakatiklop naman ang kan'yang mga hita. Hinarap ko s'ya habang nakaupo pa rin ako sa sahig.

"Nagsisisi ka ba sa nangyari sa'tin kagabi?" Seryoso kong saad sa kan'ya. Nakita ko naman na lumambot ang kan'yang ekspresyon at yumuko.

"H-hindi naman sa gano'n, nakakahiya eh. Saka alam mo naman na ano eh, na a-ano, f-first time ko k-kaya h-hindi ako sanay," mahina niyang wika sa'kin. 

Lihim naman akong napangiti at natutuwa rin dahil sa akin n'ya binigay ang kan'yang sarili. Tumayo naman ako at dinaluhan siya. Niyakap ko naman s'ya at hinalikan ang tuktok n'ya.

"Natural lang na makaramdam ka nang hiya, pero pag madalas na natin ginagawa, mawawala na ang hiya mo." Mahina naman niya akong tinulak at sinamaan ng tingin. Natawa naman ako dahil sa kan'yang itsura. "Biro lang hon, sige na magbihis na tayo pupuntahan pa natin 'yong bata sa ospital"

"Tumalikod ka muna"

"Ayoko, gusto ko pang makita 'yang katawan mo." Kinurot naman niya ako sa aking tagiliran na ikinangiwi ko.

"Aray hon! Ang sakit nagiging sadista ka na ah!" Nakanguso kong saad sa kan'ya.

"Mas masakit 'yong ginawa mo sa'kin!"

"Masakit o masarap?" Nakangisi ko namang tanong sa kan'ya.

"Hindi na 'ko natutuwa sa'yo ah!"

"Kung ako ang tatanungin sobrang sarap! P'wede natin ulitin ngayon hon"

"Ewan ko sa'yo! Kiskis mo na lang 'yan sa pader!" Tatalikod na sana s'ya nang hablutin ko ang isang braso n'ya at yakapin s'ya.

"Mamimiss ko ang sweetness natin, hindi na natin ito magagawa pag-uwi natin sa Maynila, pero willing akong maghintay sa'yo Louise as long as na ako ang mahal mo iyon na lang ang pinaghahawakan ko para hindi ako mawalan ng pag-asa." Mataman s'yang nakatingin sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

The Promise of Forever (BOOK 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora