CHAPTER 23

13 0 0
                                    

"Feeling niya magseselos ako? Ha! Swerte siya! Kahit ilang babae pa ang iharap niya sa 'kin kahit na halikan pa niya sa harapan ko never akong magseselos!" Wika ko sa aking sarili habang nasa opisina ako at nakahalukipkip na nakaupo sa aking swivel chair. Napabuga na lang ako nang malakas sa hangin at sabay pumikit. Hanggang sa pagpikit ko ay mukha ni Doctor Miller ang nakikita ko. Nababaliw na talaga ako, tumayo ako at mabilis na lumabas ng aking opisina. Nasa ground floor na ako ng makasalubong ko naman si Sha-Sha.

"Hi Lou!" Masayang bati nito sa akin pagkalapit niya sa aking kinaroroonan.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Niyaya kasi ako ni honeybunch magdinner ngayon. Grabe nagulat nga ako sa kan'ya kanina kasi bigla na lang akong niyaya, umoo-o kaagad ako." Masayang wika ni Sha-Sha sa 'kin. Tinotoo talaga niya ang sinabi ko na ibaling kay Sha-Sha ang nararamdaman niya para sa 'kin. Mas okay na rin naman 'yon. Pero bakit imbes na matuwa ako ay nakakaramdam ako ng sakit. Sakit na ang hirap gamutin lalo na kapag ang mahal mo ay masaya sa iba. Ngumiti naman ako ng tipid kay Sha-Sha.

"E 'di maganda kung gano'n, malay mo ligawan ka na n'ya talaga"

"Naku Lou sana nga noh!" Magsasalita pa sana ako ng biglang kumaway naman si Sha-Sha kaya bigla akong napalingon sa aking likuran kung sino ito. Pareho pa kaming nagulat ng magtama ang aming mga mata. Pinuntahan naman siya ni Sha-Sha at sabay umangkla sa braso ni Doctor Miller. Napaiwas naman ako nang tingin at huminga ng malalim.

"Lou sumama ka na sa 'min magdinner"

"Ha? 'W-wag na susunduin din naman ako ni Kristoff eh"

"E 'di mas maganda double date na lang tayo!" Napatingin naman ako kay Doctor Miller na mataman ding nakatitig sa 'kin. Napabaling naman ang tingin ko kay Sha-Sha na tila hinihintay ang sagot ko.

"Okay tatawagan ko na lang si Kristoff kung saang restaurant tayo." Pumunta naman kami ng restaurant sa 'di kalayuan sa ospital. Medyo naiilang din akong kasama itong dalawa dahil pakiramdam ko ay out of place ako sa kanila. Nasa unahan ko sila habang naghahanap kami ng p'westo. Hinawakan pa ni Doctor Miller ang bewang ni Sha-Sha na ikinairap ko naman. Hindi ko malaman sa taong ito kung talaga bang nananadya na siya para ipakita sa 'kin na balewala na ako. Kailangan ko rin na ipakita sa kan'ya na hindi ako apektado. Pumwesto naman kami sa bandang dulo sa wala masyadong tao, magkatabi sila ni Sha-Sha at ako naman ay sa kanilang harapan.

"Anong gusto mong orderin Shania?"

"Ikaw na ang bahala, basta ikaw go ako!" Natawa naman si Doctor Miller sa tinuran ng kaibigan ko. Bigla namang naghurumintado itong puso ko nang makita ko ang simpleng pagtawa niya. Napaiwas ako nang tingin sa kan'ya ng bigla s'yang napabaling nang tingin sa akin.

"How about you Doctora Alcantara?"

"Kahit ano na rin sa 'kin," wika ko habang nasa ibang direksyon ang tingin ko.

"Bakit parang malungkot ka Lou? 'Wag mo naman masyadong mamiss si Kristoff dadating na rin 'yon," biro sa 'kin ni Sha-Sha at sabay irap ko dito. Ilang minuto pa ang lumipas ay siya namang pagdating ni Kristoff.

"Hi love kanina pa ba kayo?" Bati niya sa 'kin at humalik sa aking pisngi bago siya naupo sa aking tabi.

"Hindi naman halos kakarating lang din namin"

"Kumusta Doctor Miller? Mukhang napapadalas na yata ang paglabas-labas n'yo ni Sha-Sha ah! Nakangiting turan niya.

"I invited her for dinner dahil gusto ko rin naman siyang makilala ng lubos," matapos niyang sabihin 'yon ay bigla naman siyang tumitig sa 'kin na parang wala lang sa kan'ya. Ang totoo ay parang kanina ko pa gustong sumabog dahil sa selos. Pero wala naman ako sa lugar dahil may Kristoff na ako, at isa pa ito naman ang gusto kong mangyari. Tama, mabuti na ring nagkaliwanagan kami para wala kaming masaktan.

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now