CHAPTER 49

20 0 0
                                    

KRISTOFF POV:


"Ano ba 'yang suot mo Kristoff ang baduy naman!" panglalait na saad sa 'kin ng kaibigan kong si Bruce. Nagpalit ako ng image ko bilang isang nerd dahil ang daming babaeng umaaligid sa 'kin na konti na lang ay pati katawan nila ay ialay sa akin. Kung ibang klaseng lalaki lang ako baka lahat sila pinatulan ko na. Ang kaso alam ko naman na kaya lang sila lumalapit sa 'kin dahil sa katayuan ko sa buhay at dahil na rin sa itsura ko.


"Kailangan kong gawin ito, ang mga babae ngayon laman lang ng bulsa ang habol nila sa 'kin," mariing wika ko naman sa kan'ya. Nagsuot ako ng eyeglasses, at ang buhok ko ay plantsadong-plantsado at pinakapal ko pa ang aking kilay. Nagsuot din ako ng long sleeve na medyo fitted sa akin at ang pantalon ko ay bitin na kita ang aking puting medyas na mapagkakamalan pa akong iniidolo ko si Michael Jackson dahil sa klase ng suot ko. Napabuntong hininga na lang siya at natatawa dahil sa aking itsura.


"Dude, puwede mo naman silang ireject eh bakit kailangan mo pang magsuot ng gan'yan kabaduy? Saka ang suwerte mo kaya kasi babae na ang nanliligaw sa'yo," wika niya sa 'kin habang papunta kami sa school at gamit namin ang sasakyan niya. Sinadya kong hindi gamitin ang kotse ko dahil alam ng buong estudyante ang lahat ng kotse na ginagamit ko.


"Sinubukan ko na 'yan Bruce kaso para silang mga bodyguards ko, kung nasaan ako nandoon din sila"


"Alam mo dude kung kasing-guwapo mo lang ako lahat sila naikama ko na!"


"Manyak ka kasi!" sabay tawa naman niya ng malakas.


Nagpababa na lang ako sa kan'ya malapit sa entrance ng school dahil malamang magtatanong sila kung bakit kami magkakilala ni Bruce. Ang alam ng lahat ay ako lang ang nag-iisa niyang kaibigan dito sa school.


Naglalakad na ako papasok sa eskwelahan namin ay pansin ko naman ang matatalim nilang titig at para bang diring-diri silang lumapit sa akin. Napangiti na lang ako dahil hindi ko akalain na ang dati nilang hinahangaan ay isa na ngayong nerd. Habang naglalakad ako sa hallway ay dinig na dinig ko ang usapan ng mga bawat estudyante na nakakasalubong ko.


"Sino 'yan? Ang baduy naman! Paano 'yan nakapasok dito?"


"Nakakaloka ang itsura, ang init-init sabay naka-long sleeve!" Tinatawanan ko lang bawat estudyante na naririnig silang nilalait ako. Mas mabuti na ito kaysa naman napapaligiran ako ng mga makakating babae dito. Papaliko na sana ako sa kabilang kanto ng may nabangga naman akong isang estudyante rin kaya lahat ng hawak niyang mga libro ay nahulog. Tinulungan ko naman itong pulutin isa-isa.


"P-pasensiya ka na miss hindi ko s-sinasadya." Napatulala akong bigla sa kan'ya habang patuloy niyang pinupulot ang libro niyang nahulog.


"Ayos lang, pasensiya ka na rin kasi medyo nagmamadali ako eh," wika niya sa 'kin nang makatayo na siya. Hindi pa rin ako makapagsalita at nakatulala lang ako sa kan'ya. Pumitik pa siya sa ere kaya doon lang ako natauhan. Para siyang isang anghel na bumaba sa langit. Ang amo ng kan'yang mukha, at nang ngumiti siya sa akin ay bigla na lamang nagwala itong puso ko.


"S-sorry hindi kasi kita napansin eh," nahihiya kong wika sa kan'ya. Ngumiti siya sa akin at inilahad ang kamay niya sa akin.

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now