CHAPTER 46

13 0 0
                                    

WALLACE POV


Tumawag sa akin si Shania at nakiusap na magkita raw kami kung saang restaurant kami madalas pumunta noon at may sasabihin daw siya sa aking importante.


Tanghali ako nagtungo roon at hinihintay na lang siya. Ilang minuto pa ang nagdaan ay nakita ko na siyang papalapit sa puwesto ko. Naupo naman siya sa aking harapan at tipid na ngumiti.


"K-kumusta ka na Doctor Miller?"


"I'm good, ano nga pala ang sasabihin mo?" walang paligoy-ligoy kong tanong sa kan'ya.


"Kung hinayaan ko sana kayo ni Louise hindi sana kayo nahihirapan ng ganito," malungkot na turan ko sa kan'ya.


"I know Sha-Sha na hindi ka naman talaga masamang tao, nabalutan lang ng galit 'yang puso mo. Makakahanap ka rin ng isang lalaking deserving sa pagmamahal mo iyong mamahalin ka habang buhay." Ngumiti naman siya sakin at gumanti rin ako sa kan'ya nang ngiti.


"Siyanga pala Doctor Miller nagkausap na ba kayo ni Lou?"


"Hindi pa simula noong nag-leave siya, pero nagpunta ako sa kanila para sana kausapin siya kaso ang sabi ni Mamu Edna masama raw ang pakiramdam niya. I think iniiwasan niya pa ako," malungkot ko namang saad sa kan'ya.


"Siguro kailangan niyo talagang mag-usap ngayon"


"Bakit may nangyari ba sa kan'ya?"


"Mayroon kang dapat malaman sa kan'ya Doctor Miller?"


"Like what?"


"Siya na lang ang bahalang magsabi sa'yo." Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ni Shania ay nagtungo na ako kaagad sa ospital.


Nakatayo lamang ako sa harap ng aking mesa at iniisip ang sinabi sa akin ni Shania kanina.


"Anong ibig niyang sabihing kailangan kong malaman kay Louise?" bulong ko naman sa aking sarili.


Inayos ko naman ang mga gamit ko kaagad at balak na puntahan si Louise. Kailangan ko siyang makausap, at isa pa miss na miss ko na rin siya. Nasa gitna ako ng aking pag-aayos ay may kumatok naman sa aking opisina.


"Come in." Nagulat ako nang makita si Kristoff na seryoso ang mukha. Saglit akong hindi makakilos at nagtataka kung ano ang sadya niya sa akin. "Have a sit." Naupo ako sa pang-isahang upuan at ganoon din siya. "Ano pala ang ginagawa mo rito?"


"I want to invite you sa company party namin"


"Why?"


"Dahil isa rin sa kumpanya ng ama mo ang kasama do'n. One of the biggest company right?"


"Papa ko ang may-ari no'n at hindi ako"


"I know, pero gusto ko pa rin na nandoon ka, dahil kaibigan din naman kita hindi ba?" Natahimik akong bigla sa pagkakasabi niyang kaibigan niya ako. Anong ibig niyang ipahiwatig sa'kin? "I already know about you and Louise." Mataman siyang nakatitig sa akin at ako nama'y gulat na gulat sa narinig mula sa kan'ya. Paano niyang nalaman ang tungkol sa amin? Sinabi ba sa kan'ya ni Shania? Napasandal akong bigla sa aking kinauupuan habang hindi inaalis sa kanya ang pagkakatitig ko. "Alam kong may namamagitan na sa inyo Doctor Miller. Pero hindi ko s'ya isusuko na lang basta-basta, hindi ako ganoon kadaling sumuko"

The Promise of Forever (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon