CHAPTER 17

13 0 0
                                    


Kristoff picked me up early to take me to the hospital. We held hands when we went inside and I glanced at him with a smile.

"Oh si Doctor Miller 'yon di ba?" Turo ni Kristoff habang naglalakad kami patungo sa aking opisina. Naka scrub suit ito at mukhang sasabak pa lang sa kan'yang surgery. Hinagod ko naman ito nang tingin at biglang kumalabog na naman ang puso ko ng bigla s'yang tumingin sa gawi namin. "Doctor Miller!" Tawag ni Kristoff at mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak ko sa kan'ya nang mapatingin s'ya sa magkahawak naming kamay.

"Kristoff," mahina n'yang bati nang makalapit na s'ya sa amin.

"Mukhang may surgery ka ah"

"Ah yes, papunta na 'ko ngayon sa O.R"

"Sayang hindi tayo nagkita noong nakaraan"

"Bakit anong meron?"

"Birthday kasi nitong si Louise, imbitahan sana kita for dinner." Kunot noo naman akong tinitigan ni Doctor Miller na para bang nagtataka sa kan'yang narinig.

"B-birthday ni Louise?"

"Oo Doctor Miller, muntik na nga n'ya makalimutan kung hindi ko pa s'ya pinadalhan ng mga bulaklak." Nangingiting wika ni Kristoff. Ano bang problema n'ya bakit parang nagulat s'ya? Tanong ko sa aking isip.

"T-tara na Kristoff baka kasi marami na 'kong pasyente" yaya ko na kay Kristoff dahil pakiramdam ko sasabog na 'ko sa sobrang kaba at klase ng mga titig n'ya.

"Sige Doctor Miller mauna na kami ha? Kita na lang ulit tayo sa susunod." Hinila ko na si Kristoff at hindi ko na hinintay pang magsalita si Doctor Miller. Nasa opisina na kami at naupo ako kaagad sa aking upuan, taka naman akong tinitigan ni Kristoff na nakahalukipkip pa ito sa aking harapan.

"What happened love?"

"Nothing," pagsisinungaling ko.

"May dapat ba akong malaman?" Gulat ko s'yang hinarap at huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.

"He's the one I'm talking about, 'yong antipatiko," napangiti naman s'ya at umupo sa aking harapan.

"Mukha naman s'yang mabait love, baka hindi lang talaga maganda ang unang pagkikita n'yo kaya gano'n ang first impression mo sa kan'ya." Tumango lang ako sa kan'ya at tipid na ngumiti. "Try mo makipagkaibigan sa kan'ya to know who really is"

"What?"

"Sige na love aalis na 'ko malelate na rin ako sa opisina eh baka mapagalitan pa 'ko ni daddy." Hinalikan naman n'ya 'ko sa aking noo at lumabas na rin ng opisina ko. Paroo't parito naman ako sa loob ng aking opisina at hindi mapakali.

"My god Louise bakit ba nawawala ka sa sarili mo kapag nakikita mo s'ya?" Tanong ko sa aking sarili. "Hindi dapat ako maging marupok, kung ano ako sa kan'ya noon dapat gano'n din ako ngayon." 

Malapit ng mag-alauna ng mapagpasyahan kong bumaba at pumunta sa canteen dahil nakaramdam ako ng pagkagutom. Hindi pa ako nanananghalian dahil ang dami ko rin naging pasyente. Napahinto akong bigla nang makita si Sha-Sha kasama si Doctor Miller. Tulala ako habang pinagmamasdan silang palabas ng ospital. Nakaangkla naman si Sha-Sha sa braso ni Doctor Miller habang s'ya ay nakangiti rito. 

"P-paanong?" Sadyang tanong ko sa aking sarili habang tinatanaw sila sa malayo. Bigla namang nanlambot ang mga tuhod ko at napahawak na lang sa pader upang hindi ako tuluyang bumigay. Ibig sabihin ba nito si Doctor Miller ang tinutukoy ni Sha-Sha na gusto n'ya? Bumalik na lang ako sa aking opisina dahil nawalan na ako nang gana kumain dahil sa aking nakita. Hindi ko alam kung nagseselos ba ako o ano? Wala naman akong karapatang magselos at malaya s'yang gawin kung sino man ang gustuhin n'ya. Una sa lahat hindi ko s'ya kasintahan at pangalawa hindi ko s'ya p'wedeng mahalin na dapat kay Kristoff ko ito nararamdaman.

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now