CHAPTER 38

13 0 0
                                    

"Nalaman na niya?!" Gulat na sigaw sa'kin ni Jake pagkatapos niyang gamutin ang sugat ko. Naikuwento ko na sa kanila ang nangyari sa pagitan namin ni Louise at kung paano niya ito nalaman. Nakasandal lang ako sa sofa at nakatingin sa labas ng aking bintana. "I told you Wal na sabihin mo na kay Louise, hindi malabong hindi niya malaman 'yon. Syempre iisipin niya talaga na kaya mo siya minahal dahil kamukha siya ng asawa mo," mariing sambit sa'kin ni Jake.

"Bro, anong gagawin mo ngayong nalaman na ni Louise?" Napatingin naman ako kay Roco na mataman ding nakatingin sa akin at hinihintay ang aking isasagot.

"I will tell her everything, lahat ng gusto niyang malaman"

"Paano mo gagawin 'yon bro galit nga siya sa'yo, I think bigyan mo muna siya ng space kasi baka lalo lang lumala ang sitwasyon"

"Oo nga pala Wal, anong nangyari do'n sa nilakad mo? Nakausap mo ba 'yong nagpaanak kay tita Celicia?"

"Yes Jake pero ayaw niyang magsalita and I think may tinatago talaga siya"

"Bro need my help?"

"Anong ibig mong sabihin Rocs?" takang tanong ko.

"My brother Gascon is a mafia boss walang imposible pagdating sa kan'ya. Ipapatrabaho niya ang pag-iimbestiga tungkol sa ospital na 'yon." Hindi ko man lang naisip ang bagay na 'yon. Maimpluwensyang tao sila lalo na ang kapatid niyang si Gascon. Kayang-kaya niyang paimbestigahan kung ano ang nangyari kay Louise kung bakit siya napunta sa kinikilala niyang ina.

Palabas na kami ng ospital at niyaya ko naman silang dalawa na mag-bar dahil kung uuwi ako kaagad ay lalo ko lang maiisip si Louise at lalo lang din akong masasaktan kapag naaalala ang nangyari kanina. Tama sila, dapat sinabi ko na kaagad kay Louise ang katotohanan baka sakaling maintindihan niya pa ako at hindi na humantong pa sa ganito. Nasa parking lot na kami nang mamataan namin si Shania na kabababa lang ng kan'yang sasakyan. Napasipol pa nang bahagya si Jake nang mapansin nito ang klase ng suot niya. She's wearing a white crop top and fitted jeans na ang butas ng kan'yang pantalon ay malapit na sa kan'yang singit at naka four inches heels.

"Hey Shania, what are you doing here?" tanong sa kan'ya ni Jake.

"Nandito ako para kay Doc honeybunch," nakangiti namang baling niya sa'kin. Tinitigan ko naman siya ng walang emosyon. "Saan pala kayo pupunta?"

"Sa bar ni Roco wanna join?"

"Jake!" Saway ko naman.

"Okay lang Doc wala rin naman akong pupuntahan eh. Teka, anong nangyari diyan sa kamay mo?"

"Wala ito, naaksidente lang," tipid kong sagot. Wala na rin akong nagawa at sumang-ayon na lang din na sumama siya. Habang nasa bar kami'y wala akong ginawa kun'di uminom lang nang uminom. Nakaka-ilang bote na rin ako pero hindi pa rin ako malasing-lasing.

"Hey bro, are you okay? Kanina ka pa tahimik"

"I'm okay Rocs"

"Anong nangyari sa'yo Doc Wallace? May problema ba sa trabaho mo?" Hindi ko sinagot si Shania at panay lang ang lagok ko ng alak.

"Problema sa pag-ibig Shania," sagot ni Jake.

"Ah, I see." Simula noon ay hindi na rin kami nag-usap at ang dalawa kong kaibigan ay hinayaan lang ako dahil alam nila kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon. 

Kahit na ilang bote pa ng alak ang laklakin ko ay hindi basta-basta maaalis ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Kasalanan ko itong lahat, naging duwag ako na sabihin sa kan'ya, hindi ko na sana pinatagal pa.

Sa sobrang kalasingan ko hindi ko na alam kung sino ang umaalalay sa akin ngayon. Hindi ito si Jake at Roco dahil pambabae ang kan'yang amoy. Inihiga niya ako sa kama at naramdaman kong hinubad niya ang aking sapatos. Sunod naman ay ang aking polo at pantalon. Sinusubukan kong imulat ang aking mga mata pero sadyang nakakaramdam na rin ako ng pagkaantok. Tatayo na sana siya sa pagkakaupo sa gilid ng kama nang hawakan ko ang kan'yang braso. Bahagya kong iminulat ang aking mga mata para makita kung sino ito. Laking gulat ko nang masilayan ang mukha ni Louise. Hinatak ko siya palapit sa'kin at niyakap nang mahigpit.

The Promise of Forever (BOOK 2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu