CHAPTER 33

11 1 0
                                    

"Diyos ko! Louise anak ang Mamu Dyosa mo!" narinig kong sigaw ni Mamu Edna mula rito sa aking kuwarto. 

Kasalukuyang natutulog pa ako nang marinig ko ang kan'yang sigaw kaya napabalikwas kaagad ako at mabilis na tumayo. Bumaba ako at nagtungo sa kuwarto nila at nakita kong namimilipit sa sakit si Mamu Dyosa at sapo nito ang kan'yang tagiliran.

"Mamu Dyosa anong masakit sa'yo?" Wika ko pagkalapit ko kaagad sa kan'ya. Nakahiga siya at pabali-balikwas dahil sa sakit na nararamdaman niya.

"Itong tagiliran ko m-masakit anak," hirap niyang saad sa akin.

"Mamu Edna tumawag ka kaagad ng taxi bilis! dadalhin natin s'ya sa ospital!" Kaagad namang lumabas si Mamu Edna para tumawag ng taxi. "Mamu Dyosa kaya mo bang tumayo?"

"M-masakit anak, araaay!" daing niya habang hawak-hawak niya ang kan'yang tagiliran.

"Mamu pilitin niyo pong tumayo para madala ka namin sa ospital," naiiyak kong saad sa kan'ya. 

Inalalayan ko naman siya palabas ng kan'yang kuwarto at iginiya ko muna siya sa sala habang hinihintay namin si Mamu Edna na tumatawag ng aming masasakyan. Ilang sandali pa ay patakbong pumasok si Mamu Edna at inalalayan naming makalabas si Mamu Dyosa. Kaagad naman kaming pumunta sa ospital at dumeretso sa emergency. Inasikaso naman siyang kaagad ng mga nurse na naroroon at nilagyan ng dextrose.

"Nurse Mirae may GS ba tayo ngayon?" wika ng doctor na tumingin kay Mamu Dyosa.

"Doc wala pa po si Doctor Marco"

"Si Doctor Miller?"

"Sandali po tatawagan ko lang," tinawagan naman kaagad ng nurse si Doctor Miller, at tinanong ko kung anong nangyari kay Mamu Dyosa kung bakit kailangan ng GS.

"Doc ano po bang sakit ng Mamu ko? kailangan po ba siyang operahan?" umiiyak kong turan sa kan'ya.

"Yes, as soon as possible kasi kung hindi baka pumutok na ang appendix niya." Nanlaki ang aking mga mata, napahagulgol na lang dahil sa sinabi ng doctor. Napatingin naman ako kay Mamu Dyosa na namimilipit pa rin sa sakit.

"Doc parating na raw po si Doctor Miller. He'll be here in ten minutes," wika ng nurse.

"Diosdado pakatatag ka dadating na 'yong doctor," garalgal namang saad ni Mamu Edna sa kan'ya habang hawak ang isang kamay nito. Ilang minuto pa ang hinintay namin ay dumating na rin si Doctor Miller.

"Where's the patient?" narinig kong tanong niya sa nurse kaya napadako ang tingin ko sa kan'ya.

"Ayon po Doc," turo naman ng nurse kaya nagtama ang aming mga mata. Gulat niya akong tinitigan at mabilis kaagad lumapit sa akin.

"Hey ho__, I mean Doctora Alcantara what happened?"

"Si Mamu Dyosa," umiiyak kong turan sa kan'ya. Hinaplos naman nito ang aking pisngi at dumako ang tingin niya kay Mamu Dyosa na namimilipit sa sakit. Dinaluhan kaagad niya ito at tinanong ang doctor na tumingin sa kan'ya.

"What's the status Doc?"

"Mayroon siyang appendicitis, at kailangan na niyang maoperahan habang hindi pa ito pumuputok"

"Okay we perform an open appendectomy," sagot ni Doctor Miller sa kausap niyang Doctor.

"Magiging okay naman ang Mamu ko 'di ba?" Humihikbi kong wika sa kan'ya.

"Don't worry magiging okay ang Mamu mo, hindi ko s'ya pababayaan," ngumiti siya sa'kin at marahang hinaplos ang pisngi ko at muling binalingan si Mamu Dyosa. "Okay dalhin na natin siya sa Operating Room." Kaagad nilang dinala si Mamu sa O.R at kami naman ni Mamu Diyosa ay naghihintay naman sa labas. 

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now