CHAPTER 20

13 0 0
                                    

"Wal," tawag sa'kin ni Jake nang makapasok na siya sa loob ng aking opisina. Nakaupo ako sa aking swivel chair at nakapikit, at nakataas naman ang dalawang paa ko sa aking lamesa.

"Mukhang pagod ah"

"May iniisip lang ako," sagot ko sa kan'ya habang nakapikit pa rin ako.

"Si Doctora Alcantara ba yan?" Nagmulat naman ako at tinitigan si Jake. Kita ko pa ang pagngisi niya sa'kin at umiling. "I knew it Wal! So anong balak mo? liligawan mo siya? Aagawin mo s'ya sa boyfriend n'ya?"

"Aagawin?" Takang tanong ko sa kan'ya.

"Oo Wal, gano'n ang mangyayari no'n. Saka magkalinawan nga tayo, gusto mo ba talaga s'ya?" Saglit akong natigilan at muli siyang tinitigan ng seryoso.

"Yes"

"Paano kung malaman niya na kaya mo siya gusto dahil kamukha s'ya ng namayapa mong asawa? How can you tell her?"

"Hindi ko s'ya gusto dahil sa kamukha s'ya ni Celestine. Aaminin ko, oo namimiss ko ang asawa ko at nakikita ko sa kan'ya si Celestine. Sa mukha niya, sa kilos niya as in lahat. Pero habang tumatagal nagbabago 'tong nararamdaman ko, alam ko marami silang pagkakapareho, pero si Celestine ay si Celestine at si Louise ay si Louise. Alam ko na pareho rin kami nang nararamdaman sa isa't-isa pero alam kong hindi p'wede dahil may taong masasaktan. Paano naman Jake 'yong sarili ko? Sinubukan kong pigilan pero natalo lang ako," mahabang litanya ko kay Jake. Bumuntong hininga siya at mataman akong tinitigan.

"Wal bakit s'ya? Sa kamukha pa ni Celestine tumibok 'yang puso mo."

"I don't know Jake, kahit ako paulit-ulit ko rin tinatanong ang sarili ko. What should I do?"

"Mali naman kung sasabihin kong ipaglaban mo 'yang nararamdaman mo sa kan'ya. Pero Wal nasa sa'yo pa rin ang desisyon."

"At ang gumugulo pa sa isip ko ay pati birthday nila pareho. Jake may kutob ako and I want to know it as soon as possible"

"What!? Same birthday as Celestine?" Takang tanong ni Jake. Bumuga pa ito sa hangin at hindi makapaniwala sa aking sinabi. "So, what's your plan?" Tumayo muna ako sa aking upuan at hinarap si Jake.

"Sa birth certificate niya ang nakalagay isa lang siyang nailabas. Kaya kailangan kong magpa DNA test para makasiguro"

"Pero bakit hindi alam ng mama ni Celestine 'yon?"

"Hindi ko rin alam Jake, I think wala ring alam ang mama Celicia about do'n kung sakali." This time malalaman ko kung tama nga ang hinala ko tungkol kay Louise. Sabi ko sa aking isipan.

LOUISE:

Ilang araw ko ng hindi nakikita si Doctor Miller dahil palagi ko itong iniiwasan kung sakaling nakikita ko s'ya sa paligid. Ito ang kailangan kong gawin para hindi na lumalim pa itong nararamdaman ko para sa kan'ya at para rin wala kaming masaktan. Ayokong makasira ng pamilya at isa pa ayokong masaktan si Kristoff. May mga oras din na hindi ako bumababa sa aking opisina at nagpapabili na lang ako ng pagkain. Kung minsan naman ay late na rin ako umuuwi para masigurong wala na siya ng ganoong oras.

"Doctora may last patient pa po kayo," ani ng nurse habang nakasilip lang sa pinto ng aking opisina.

"Sige papasukin mo na lang," sagot ko habang nakatutok sa aking laptop. Narinig ko na ang pagbukas ng pinto kaya nag-angat ako ng tingin. Laking gulat ko pa ng mapagsino ito. Siya 'yong babae na kasama ni Doctor Miller at kasama nito ang kanilang babaeng anak. Pero ang ikinataka ko ay gulat din n'ya akong tinitigan. May alam kaya siya? Alam ba n'ya ang kalokohang ginagawa ng asawa n'ya? Mga tanong na gumugulo sa aking isipan.

"M-maupo po kayo," ngumiti naman siya at naupo sa visitor's chair. Nakatitig pa rin siya sa akin na tila nagtataka.

"Ano pong ipapacheck-up niyo?"

"Ito kasing anak ko bigla na lang lumabas 'tong mga rushes niya eh, kaninang pagkatapos namin mag-almusal ko lang din napansin"

Tumayo naman ako at itinaas ang damit ng kan'yang anak para makita ang mga rushes nito.

"May nakain po ba s'ya?"

"Kumain s'ya kanina ng breakfast y'ong binake ko lang na cookies, 'yon lang naman ang kinain n'ya eh saka hindi naman s'ya nagkakaganyan kapag kumakain s'ya n'on"

"Wala po ba kayong napansin na may kinain pa s'ya? Minsan kasi hindi natin namalayan na may ibang kinain ang babies natin." Saglit muna s'yang nag-isip at pagkuwa'y tinitigan ako.

"Oh my! Sinubuan s'ya ng yaya n'ya kanina ng shrimp soup, mga tatlong subo yata 'yon"

"Doon yata siya naallergic, ngayon lang po ba nangyari sa kan'ya 'yan?"

"Yes po Doctora at first time n'ya kumain ng gano'n"

"Mabuti na lang at gan'yan lang ang nagyari sa kan'ya. Kasi iyong iba usually hindi makahinga at nakamamatay po 'yon," kita ko sa mukha niya ang pagkabahala. Ang swerte ni Doctor Miller sa kan'ya, mukha s'yang mabait at mapagmahal na asawa at ina. Umupo naman ako sa aking upuan.

"Ano po palang name ni baby?"

"Madeline Mendez Doctora," napahinto naman ako sa aking pagsusulat at tinitigan siya.

"Mendez po ang apelyido n'ya?"

"Yes po Doctora. Kilala niyo po siguro 'yong asawa ko kaya nagulat kayo"

"Ah y-yes, he's a Doctor right?"

"Opo Doctora. General Surgeon s'ya." Pero bakit Mendez ang apelyido ng anak nila imbes na Miller. Saka parang narinig ko na ang apelyido niya hindi ko lang matandaan kung saan. "By the way Doctora ako nga pala si Macelyn Mendez," nakangiting pakilala n'ya sa 'kin. Naguguluhan ako, Mendez din ang apelyido n'ya.

"I'm Louise Alcantara"

"Tama nga 'yong sinabi n'ya," wika n'ya habang titig na titig sa akin na ikinataka ko.

"W-what is it?"

"Ah n-nothing," nakangiti naman niyang sagot.

"Bibigyan ko na lang po siya ng mga gamot para sa rushes niya at 'wag niyo na po siya pakainin na kahit na anong seafoods." Binigay ko na sa kan'ya ang mga reseta ng gamot ng kan'yang anak at tumayo na rin. Hindi pa s'ya nakakalabas ay may biglang kumatok naman sa aking opisina.

"Yes come in," bumungad naman si Doctor Marco at mabilis na lumapit kay Macelyn.

"Is she okay babe?"

"Okay na siya allergic pala siya sa mga seafoods," taka ko silang tinitigan. Ibig ba nitong sabihin hindi si Doctor Miller ang asawa niya?

"Ah by the way, Doctora siya po 'yong asawa ko si Doctor Marco Mendez," pakilala ni Macelyn sa 'kin.

"I already met her" wika ni Doc Marco sa kan'yang asawa habang nakatingin sa 'kin.

"Ah oo nga pala, siya pala 'yong kinukwento sa'tin ni Doctor Wallace," Tumingin naman sa 'kin si Macelyn ng makahulugan habang karga ang kanilang anak. Ganoon din si Doctor Marco. Kinukwento ako ni Doctor Miller sa kanila? Ano bang nangyayari sa kanila bakit ganito nila ako tignan?

"S-sige po Doctora Alcantara mauuna na kami," paalam ni Macelyn.

"Ah sige po"

"Thank you Doctora Alcantara," baling naman ni Doctor Marco. Ngumiti lang ako at pagkuwa'y lumabas na sila ng aking opisina. Napaupo naman akong bigla at sapo ko ang aking ulo dahil sa pagkabigla.

"My god Louise bakit mo ba naisip 'yon!" Sabi ko sa aking sarili. Napabuga ako nang malakas sa hangin at mariing pumikit. Kahit naman may asawa s'ya o wala hindi pa rin kami p'wede may masasaktan pa rin kami. Si Sha-Sha at Kristoff ang mahalagang tao sa buhay ko, hindi ko sila kayang saktan kahit na isakripisyo ko pa ang sariling kaligayahan ko. Napapitlag naman ako nang tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Kristoff ang nagtext. Mas lalo akong naguilty at maluha-luha ko itong binasa.

"Hi love! I know you're busy kaya nagpadeliver na lang ako d'yan ng pagkain mo. Huwag kang magpapagutom okay? Saka gusto ko ubusin mo 'yon ha? I love you so much love!" Hindi ko na napigilang mapahagulgol at naiyakap ko ang aking cellphone sa aking dibdib.

"I'm sorry Kristoff, I'm so sorry! Tanging nasabi ko na lang sa pagitan ng aking pag-iyak.



The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now