CHAPTER 44

13 0 0
                                    

"Louise anak may bisita ka, napalingon naman ako sa aking likuran habang nagliligpit ng aming pinagkainan nang tawagin ako ni Mamu Dyosa. Nagulat ako nang makita si Sha-Sha, matagal din kaming hindi nagkita simula noong nangyari sa sa'kin. Umupo kami sa sofa at tahimik lang kami na tila naghihintayan kung sino ang mauunang magsalita.


"Kumusta ka na Lou?" marahang wika ni Sha-Sha.


"Ayos naman ako. Bakit ngayon ka lang dumalaw? Matagal kitang hinihintay eh, akala ko galit ka sa akin." Saglit siyang natigilan at yumuko. Maya-maya ay pansin ko ang pamumuo ng luha niya sa kan'yang mga mata nang mag-angat siya ng mukha.


"Lou, I'm sorry. P-patawarin mo ako. Hindi ko sinasadyang__" hinawakan ko ang kamay niya at saka ngumiti.


"Kaibigan kita Sha, hindi kita kayang tiisin. Ikaw lang ang kaibigan ko." Pagkasabi kong iyon ay mas lalong lumakas ang iyak niya at napayakap bigla sa akin.


"Lou, I'm so sorry! Sorry talaga Lou!"

"Wala kang dapat ihingi ng tawad Sha, naiintindihan kita." Kumalas ako nang pagkakayakap sa kan'ya at hinarap s'ya. Pinunasan ko naman ang kan'yang mga luha sa pisngi.


"H'wag ka nang umiyak kasi pumapangit ka," biro ko sa kan'ya na ikinangiti naming pareho.


"Lou, may gusto sana akong sabihin sa'yo"


"Ano 'yon?" Magsasalita na sana s'ya ng bigla naman siyang tinawag ni Mamu Dyosa mula sa kusina.


"Sha-Sha anak halika muna dito magpapatulong lang sana ako sa'yo"


"Sandali lang Lou tawag lang ako ni Mamu Dyosa," tumango lang ako sa kan'ya at ngumiti. 

Nakita ko naman na may tumatawag sa telepono ni Sha-Sha na nakapatong lang sa aming center table kinuha ko ito at nakitang lola niya pala ang tumatawag, bahagya akong napangiti at sasagutin ko na sana dahil namimiss ko na rin si lola, ngunit bigla na lang itong nahinto. Pagkabukas ko ng telepono ni Sha-Sha ay muntikan ko pa itong mabitawan nang makita ang wallpaper niya na magkasama sila ni Doctor Miller sa kama. Nakahubad si Doctor Miller at si Sha-Sha naman ay nakayakap sa kan'ya. Napaluha ako at nanlambot sa aking nakita. Ibig sabihin may nangyari sa kanila ni Doctor Miller? 

Mabilis kong ipinatong sa lamesa ang telepono ni Sha-Sha bago pa ito bumalik. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi makapagproseso ng maigi ang utak ko. Tuluyan na ba niya akong pinagpalit kaya ba hindi man lang niya ako pinupuntahan man lang? Ito ba ang gustong sabihin sa akin ni Sha-Sha kanina? Hindi ko namalayang nakabalik na pala si Sha-Sha at umupo sa aking tabi.


"Hey Lou ayos ka lang?" napatingin lang ako sa kan'ya at hindi sinagot ang kan'yang tanong. "Lou namumutla ka, may sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Sha-Sha.


"A-ayos lang ako, medyo sumama lang kasi ang pakiramdam ko eh." Tumayo na ako para pumunta muna saglit sa kusina dahil pakiramdam ko parang nanunuyot ang aking lalamunan. Hindi pa ako nakakalayo ng bigla akong makaramdam ng pagkahilo at nawalan na lang ako ng balanse dahilan ng aking pagbagsak sa sahig. Nakita ko pa si Sha-Sha na nagulat at kaagad na lumapit sa akin. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil unti-unti na ring pumikit ang aking mga mata.

The Promise of Forever (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon