CHAPTER 3

26 0 0
                                    

"Are you ready Love?" Masayang tanong sa akin ni Kristoff nang makasakay na kami sa kan'yang kotse. Ngayon kasi ang araw nang paglipat ko sa Southville Hospital at sinundo naman ako ni Kristoff para ihatid.


"Of course I'm ready!" Nakangiti ko namang sagot sa kan'ya. 

Ang totoo n'yan ay medyo kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Wala pang isang oras ay nakarating na kami sa ospital nagtanong naman kami sa information kung nasaan ang Pediatric Ward. Nagtungo naman kami doon at hinanap ang office kung saan pwede ako magreport. Binigay ko lang ang ibang mahahalagang papeles ko at sinabi sa akin ang schedule ng pasok ko. Sunod naman kaming pumunta ni Kristoff sa magiging opisina ko.


"Wow! Ang laki rin pala ng opisina mo" manghang wika ni Kristoff at naupo naman s'ya sa isa sa mga upuan dito sa loob ng magiging opisina ko. "O bakit parang malungkot ka?


"Hindi ko alam para kasing bigla akong kinabahan eh"


"Love, naninibago ka lang siguro. Gusto mo bang dalawin kita dito araw-araw?


"Ano ka ba ginawa mo naman akong bata okay lang ako Kristoff. Siguro naninibago lang talaga ako dahil mag-aadjust na naman ako," lumapit naman s'ya sa akin at inakbayan ako.


"Don't worry Love wala naman sigurong mangangagat sayo dito," pinalo ko naman siya ng mahina sa kan'yang dibdib na ikinatawa niya.


"Biro lang. Siyanga pala Love may nakilala akong doctor kahapon 'yong gumamot sa naaksidente ko. He's nice and handsome. Balak ko nga s'yang ipakilala sayo ngayon eh."


"Bakit naman?


"Kasi kinuwento kita sa kan'ya at sabi ko kapag nagkita kami ipapakilala kita sa kan'ya"


"Saka paano mo naman nasabing mabait s'ya, kahapon mo lang naman siya nakilala eh"


"Basta alam kong mabait s'yang doctor." Napansin ko namang bigla s'yang natahimik.


"Bakit may problema ba? Hinarap naman niya ako at ngumiti.


"Wala naman. Nag-aalala lang ako baka kasi bigla kang magkagusto sa kan'ya," napamaang naman ako at napatapik sa aking noo. Sa gwapo n'yang yan meron din pala s'yang insecurities sa katawan.


"Kristoff hindi mangyayari iyon, saka paano mo naman nasabi na baka magkagusto ako sa kan'ya? Dahil sa gwapo s'ya gano'n?


"Sabagay sa akin nga hindi ka umepekto sa iba pa kaya? Napaiwas naman ako ng tingin at napayuko na lang. May point din naman si Kristoff. Hindi ko nga malaman sa sarili ko kung bakit hindi ko siya magawang mahalin. In fact, he already has all the qualities of a man. "Louise, I will wait no matter how long. Hihintayin ko na kusa mong ibigay ang puso mo sa akin. Hindi kita pipiliting pakasalan agad ako, gusto ko kapag ikakasal tayo nasa akin na ng buong buo ang puso mo Louise." Hindi ko na napigilan ang maluha dahil sa mga sinabi ni Kristoff. Ramdam ko sa kan'ya ang sinseridad at nagguiguilty naman ako. "Ssshh, don't cry Love alam mo namang ayokong nakikita kang umiiyak," pinunasan naman n'ya ang aking mga luha habang nakatitig sa kan'ya.

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now