CHAPTER 5

17 0 0
                                    


Padabog akong lumabas ng ospital at napabuga nang malakas sa hangin. Huminto ako sandali at tinignan ang labas ng ospital.

"Sino ba yung baliw na 'yon!? Nasabi ko na lang sa aking sarili. Napapitlag ako ng muling tumunog ang aking telepono. Nakalimutan ko itong sagutin dahil sa nangyari kanina at dahil na rin sa pagmamadali ko. Nakita ko sa screen ng cellphone ko ang pangalan ni Kristoff kaya sinagot ko ito kaagad.

"Hello Kristoff"

"Hi love I'm on my way, malapit na 'ko just wait a little bit okay?

"O-okay, nandito na ko sa labas ng ospital"

"Okay love, I love you! matapos kong makipag-usap sa kan'ya ay ibinaba ko na ang tawag. Nasa malalim ako ng aking pag-iisip ng biglang dumating si Kristoff ng hindi ko namamalayan. "Love"? Tawag niya sa akin na hindi ko napansin na nakalapit na pala siya.

"Ha? I-I'm sorry hindi kita napansin". Kanina ka pa ba?

"Kararating ko lang love, may problema ba? May pag-aalalang wika n'ya sa 'kin.

"Wala naman may iniisip lang ako, lets go? Yaya ko sa kan'ya at pinagbuksan naman niya ako ng pinto ng kotse. Tahimik lang kaming bumabyahe ng siya na ang bumasag ng katahimikan.

"Love masama ba ang pakiramdam mo? Sinulyapan ko naman s'ya at kita ko sa mata niya ang pag-aalala kahit na nakatutok pa rin s'ya sa daan. Hindi ko naman alam kung sasabihin ko ba sa kan'ya ang nangyari kanina. Pero mas maigi na rin na wag ko nang sabihin dahil ayoko rin siyang mag-alala.

"Pagod lang ako Kristoff saka masakit din kasi yung ulo ko". Pagsisinungaling ko na lang sa kan'ya.

"Ganoon ba? Uminom ka na ba ng gamot?

"Pag-uwi ko na lang sa bahay"

"Love wag ka masyadong magpapagod okay?

"Opo". Nangingiti kong turan sa kan'ya".

WALLACE:

As usual I go to Celestine's grave every week before I go to the hospital. I gently caressed his tombstone and smiled bitterly.

"Baby can you hear me"? Wika ko habang nakatingin sa kan'yang lapida.

"I saw a woman who really look exactly like you". Siya ba ang pinadala mo para sa 'kin? Ang mukha n'ya at ang boses n'ya ikaw na ikaw baby". Why? Why are you doing this to me Celestine? Mga tanong na gumugulo sa aking isip. Simula noong makita ko ang babaeng kamukhang kamukha ni Celestine ay hindi ko na s'ya maalis sa isip ko. Sino ba siya? Bakit kamukha niya ang asawa ko?

"Fuck"! Mura ko habang nagmamaneho na ako papuntang ospital. Mahigpit naman ang kapit ko sa manibela, at medyo napabilis din ang patakbo ko. Hindi ko napansin na meron palang babaeng patawid at mabuti na lang ay nakapagpreno ako kaagad. Lumabas ako kaagad ng sasakyan ko para tignan kung okay lang siya. Nakita ko s'yang nakaupo na sa semento at nakatabing ang mahabang buhok nito sa kan'yang mukha.

"Miss okay ka lang ba? Pasensya ka na ha? Hindi kasi kita napansin eh"

Hinawi naman niya ang kan'yang buhok na tumatabing sa kan'yang mukha at masama akong tinitigan. Pareho pa kaming nagulat nang makilala namin ang isa't-isa. Mabilis itong tumayo at hinarap ako.

"Ikaw na naman!? Gusto mo ba akong patayin ha!? Singhal niya sa 'kin na salubong ang mga kilay. Hindi naman ako makapagsalita at nakatitig lang sa kan'ya. "O ano napipi ka na?

"Hindi ko sinasadya nagmamadali kasi ako eh". Dadalhin na lang kita sa ospital para macheck kita kung may pilay ka"

"What!?

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now