CHAPTER 39

12 0 0
                                    

SHANIA POV:

Naisipan kong dalawin ang kaibigan kong si Louise sa ospital. Namimiss ko na rin siya at yayayain kong mag-shopping, siya kasi ang madalas kong kasama at magandang pumili ng mga damit. Malapit na ako sa kan'yang opisina nang makita ko naman siya palabas at magmamadaling umalis. Tatawagin ko sana siya kaso medyo malayo na ito kaya susundan ko na lamang siya kung saan siya patungo. 

Nakita kong pumasok siya sa isa sa mga pinto at nagtaka naman ako kung ano ang gagawin niya roon. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nagulat ako sa aking nakita. Muntikan ko pang maisara ang pinto sa pagkagulat. Kahit nakatalikod ay kilala ko kung sino ito, si Doctor Miller na nakayakap kay Louise. Sunod-sunod ang pagpatak ng aking mga luha sa aking nakikita. Wala ako sa sariling umalis sa lugar na 'yon at nanlalambot ang aking mga tuhod. Paanong nagawa ito ni Louise? How could she do this to me?! Alam niyang gusto ko si Doctor Miller pero bakit niya ito nagawa sa akin? 

Nagpunta ako sa opisina ni Louise at doon ko pinakakalma ang aking sarili. Napadako naman ang tingin ko sa kan'yang cabinet sa gilid ng mesa niya at naroon nakapatong ang picture naming dalawa ni Louise. Kuha ito noong college kami, halos hindi na kami mapaghiwalay noon at palagi kaming magkasama. Maraming nanliligaw kay Louise noon dahil ba naman sa biniyayaan siya ng angking katalinuhan at ganda. Ni minsan hindi ako nainggit sa kan'ya at naging proud pa dahil nagkaroon ako ng ganoong klaseng kaibigan sa kabila ng pagiging ganito ko. Napakuyom ako ng palad ng muling maalala ang eksenang nakita ko sa rooftop.

Kailan pa sila nagkaroon ng relasyon ni Doctor Miller? Alam na ba ito ni Kristoff? Mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Louise at sinabi sa kan'ya na naririto ako ngayon sa kan'yang opisina. Pagkatapos ko siyang makausap ay pinunasan ko ang aking luha at humarap sa bintana at nagpakawala ng malakas na hangin. Maya-maya ay naramdaman ko nang dumating siya kaya napaharap ako sa kan'ya. Pilit naman akong ngumiti sa kan'ya kahit na nasasaktan ako, kaibigan ko pa rin siya. Pero hindi ko gusto ang nalaman ko tungkol sa kanilang dalawa ni Doctor Miller.

"Hi Sha-Sha kanina ka pa ba?" tanong niya sa'kin.

"Hindi naman Lou, gusto lang sana kitang yayain mag-mall, gusto lang kitang maka-bonding." Pilit ko namang tinatago ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"May problema ka ba Sha-Sha?"

"Oo ikaw ang problema alam mong gusto ko si Doctor Miller pero inagaw mo s'ya!" gusto ko sanang sabihin sa kan'ya pero pinigilan ko lang ang aking sarili.

"Ano ka ba Lou wala akong problema," ngumiti naman siya sa akin. 

Nagpunta kami sa isang boutique at pumipili naman ako ng mga damit. Kung ano ang makuha ko ay dinadampot ko na lang hindi ko na tinatanong ang opinyon niya na kadalasan kong gawin kung bagay ba sa akin 'yon.

"Hey Sha," tawag niya sa'kin.

"Yes Lou?" sagot ko sa kan'ya ng hindi man lang siya tinitignan.

"Kain tayo sa paborito nating kinakainan libre kita," napatingin naman ako sa kan'ya at masayang nakatingin sa akin.

"Sige!" tumalikod na ako sa kan'ya pero hinawakan niya ako sa aking braso.

"May problema ka ba Sha-Sha? kanina ka pa kasi walang kibo eh, hindi ako sanay na gan'yan ka." Kilalang-kilala talaga ako ni Louise kapag may problema ako o kaya may dinaramdam ako, dahil siya lang ang nakakaintindi sa akin at naging sandigan ko sa oras na kailangan ko siya at kailangan ng isang kaibigan. At siya lang ang naging kaibigan ko na nagpakatotoo sa akin, pero ngayon hindi ko na alam kung kailangan ko pa siyang pagkatiwalaan. 

Ngayon lang siya nagtago sa akin na mayroon din pala siyang nararamdaman para kay Doctor Miller. Nagdahilan na lang ako sa kan'ya na masakit ang aking ulo para hindi na siya mag-usisa pa. Pumunta naman kami ni Louise sa paborito naming kinakainan at tambayan noong nag-aaral pa kami. Dito kami madalas na kumakain dahil sa gusto namin dito kaysa sa mga restaurant na pinupuntahan ng mga kaklase namin. Kahit na kami lang dalawa ang laging magkasama noon ay masaya na kami kahit simpleng bagay lang 'yon, para sa amin ay napaka-laki na noon. Naupo kami sa tapat ng fountain habang kumakain ng mga street foods na binili namin.

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now