CHAPTER 40

15 0 0
                                    

THIRD PERSON POV:

Pagkalabas ni Shania ay tinitigan naman ni Louise ang mga pagkaing dala ni Sha-Sha para sa kan'ya. Napangiti naman siya dahil alam na alam niya ang paborito niyang kainin.

"Ano bang nangyayari sa kan'ya bakit ang dami niya yatang binigay sa aking pagkain?" nasabi niya sa kan'yang sarili. 

Sinimulan niyang tikman ang soup, at dahil sa gutom na rin siya ay naubos naman niya itong kaagad. Maya-maya ay nakita naman ni Louise na umilaw ang kan'yang telepono na nakapatong sa lamesa.

"Naka-silent pala itong phone ko, saka bakit tumatawag si Sha-Sha? May nakalimutan kaya siya?" wika niya sa kan'yang sarili. 

Sasagutin na sana niya ngunit nakaramdam siya ng pangangati ng mukha at medyo hindi na rin siya makahinga. Uminom naman siya ng tubig pero nabitawan niya ito pagka-inom niya. Sinubukan niyang makatayo at sapo niya ang kan'yang dibdib at habol na rin niya ang kan'yang paghinga. Nang makalapit na siya sa pinto ay hindi na niya ito magawang buksan dahil nahihirapan na rin siyang huminga. Napaupo na lang siya sa sahig at unti-unting napahiga at hinihingal na rin. Mabuti na lamang at pumasok ang kan'yang sekretarya at nakita siyang nakahandusay sa sahig.

"Naku Doctora Alcantara! Ano pong nangyari sa inyo?!" Dali-dali namang lumapit ang sekretarya niya sa kan'ya at siya nama'y unti-unti nang nawawalan ng malay. 

Kaagad na lumabas ang sekretarya niya para humingi ng tulong. Ilang segundo pa ay dumating din ang lalaking doctor at kaagad siyang binuhat. Mabilis namang dinala si Louise sa emergency at inihiga sa kama. Napansin naman ni Doctor Miller na halos kakapasok lang din sa loob ng emergency na tila may nagkakagulo sa kabilang kama. Sinilip niya muna ito at nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino ang nakahiga at nilalagyang ng dextrose. Pinuntahan niya itong kaagad at nakitang namumula ang mukha ni Louise.

"Doc what happened to her?" tanong ni Doctor Miller sa doctor na nagdala sa kan'ya.

"Hindi pa namin alam kasi noong nakita namin siya nakahandusay na siya sa sahig at may Mga pula na siya sa mukha." Inililis naman ni Doctor Miller ang white coat nito at nakitang puro pantal din ang kan'yang braso.

"I think allergy ito," nasabi na lang ni Doctor Miller.

"Doc humihina po ang heart rate ni Doctora!" wika ng nurse kaya bigla namang kinabahan si Doctor Miller. 

Inutusan niya ang isang doctor na injectionan si Louise para sa allergy nito. Ngunit hindi pa nito nagagawa ay bigla namang nag flat line si Louise kaya agad kinuha ni Doctor Miller ang defibrillator.

"200 joules shock! Oh fuck Louise come on!" napapamura na lang si Doctor Miller habang ginagawa niya ang pagrevive kay Louise. "200 joules shocks! Louise please wake up! Not now please." At nang hindi pa siya nakuntento ay nagperform na siya ng CPR. Ilang CPR pa ay muli nang bumalik ang heart rate ni Louise.

"Doctor Miller bumalik na po si Doctora Alcantara," wika sa kan'ya ng nurse kaya nakahinga na rin siya ng maluwag.

"Ano bang nakain niya bakit bigla siyang inatake ng allergy niya?" Maya-maya'y tanong ni Doctor Miller sa doctor na nagdala kay Louise.

"Hindi ko alam Doctor Wallace, pero may dinala sa kan'ya iyong kaibigan niya, siguro 'yong dalang pagkain ng kaibigan niya kaya siya inatake ng allergy." Kunot noo namang tinitigan ni Doctor Miller ang doctor.

"S-sinong kaibigan?" May ideya na kasi siya kung sino ito at gusto lang niyang makasiguro.

"Iyong lagi po niyang kasamang babae." Mariin naman siyang napapikit at napahawak sa kan'yang sentido. 

Paanong nagawa ito ni Shania sa kaibigan niya na halos kapatid na ang turing nila sa isa't-isa? tanong niya sa kan'yang sarili. Ibinilin niya muna si Louise sa mga nurse at doctor na naroroon at babalik na lang muna dahil kailangan niyang makausap si Shania. Alam niya kung ano ang dahilan at hindi niya maintindihan kung paano niya ito nagawa. Palabas na siya ng E.R nang sakto makita niya si Shania sa labas at balisa. Kaagad niya itong pinuntahan at hinawakan sa braso. Hinila niya ito hanggang sa makalabas sila ng ospital. Pabalagbag niya itong binitawan at hinarap si Shania.

"You're evil Shania!" sigaw niya rito. "Hindi ko alam na kaya mo palang patayin ang kaibigan mo!" Nanlilisik niyang wika kay Shania.

"I-I'm s-sorry hindi ko sinasadya," umiiyak na turan ni Shania.

"Hindi sinasadya? Tignan mo si Louise, muntik na siyang mamatay dahil sa kagagawan mo!"

"H-hindi ko talaga sinasadya! Babawiin ko na sana kaso huli na, patawarin mo 'ko"

"Dahil d'yan sa lintik na pagmamahal mo magagawa mong patayin ang kaibigan mo na halos kapatid mo na!"

"Kaya ko lang naman nagawa 'yon dahil sa'yo. Ako na lang sana ang mahalin mo, pero bakit si Louise pa?! Puwede namang ako na lang!"

"Shania! Hindi nililimos ang pagmamahal, kusang nararamdaman 'yan. Mahal ko si Louise, at sinisiguro kong siya na ang huling babaeng mamahalin ko habang buhay!" tumalikod na si Doctor Miller at naiwan namang umiiyak si Shania habang nakatanaw sa papalayong doctor.


WALLACE POV:

Pinuntahan ko si Louise sa E.R at wala pa rin siyang malay hanggang ngayon. Hinawakan ko ang kan'yang kamay at marahang pinisil ito.

"Honey," mahinang wika ko sa kan'ya para walang makarinig sa akin. "I'm sorry, sana mapatawad mo ako. I'm very sorry Louise, alam kong nasaktan kita. Pero maniwala ka o hindi, minahal kita hindi dahil kamukha mo si Celestine. Minahal kita bilang si Louise, mahal na mahal kita Louise. Hindi ko kayang mawala ka sa'kin." Kasabay nang pagbigkas ko noon ay siya namang pagpatak ng aking mga luha. 

Pinunasan ko naman itong kaagad at binitawan na ang kamay ni Louise. Saktong pagtalikod ko ay nakita ko naman si Kristoff na dahan-dahang papalapit sa kinaroroonan ko. Mataman niya akong tinitigan at tipid naman siyang ngumiti.

"Tinawagan ako ni Shania about sa nangyari kay Louise," taka ko naman siyang tinitigan. Sinabi ba niya kay Kristoff na siya ang may kagagawan kung bakit muntik ng mamatay si Louise? "Hindi niya alam na may beans 'yong soup na kinain ni Louise. Babalik sana siya sa opisina niya dahil may nakalimutan daw siya tapos nakita niya raw na bigla na lang inatake si Louise ng allergy niya." Natawa naman ako ng pagak dahil sa pagsisinungaling ni Shania. Alam kasi niyang magagalit si Kristoff sa kan'ya oras na malaman nito na siya ang dahilan kung bakit muntik ng mamatay si Louise. "Siya nga pala Doctor Miller, iimbitahan ka na rin namin sa kasal namin ni Louise after two months," natigilan ako at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. Napakuyom ako ng palad at napaiwas na lang ng tingin sa kan'ya. "Sige Doctor Miller ako na ang bahala kay Louise baka kasi marami ka pang pasyente." Tumango lamang ako sa kan'ya at lumabas na ng E.R. Pagkapasok ko ng aking opisina ay tinanggal ko kaagad ang aking coat at inihagis na lang kung saan ito.

"Hindi siya puwedeng ikasal kay Kristoff. Please Louise I want to talk to you first," mahinang wika ko sa aking sarili. Naupo ako sa aking upuan at pumikit. Maya-maya ay may kumatok naman sa aking opisina.

"Come in," saad ko habang nanatili pa ring nakapikit.

"You look tired Doctor Wallace." Rinig ko sa isang baritonong boses at alam ko na kung sino ito kahit na matagal na kaming hindi nagkikita. 

Unti-unti ko namang iminulat ang aking mga mata at nakita ko si Gascon na nakatayo sa aking harapan at nakangisi sa akin. Napatayo akong bigla at dinaluhan siya at nakipag-fist bump.

"Hindi mo sinabi na pupunta ka ngayon?"

"I want to surprise you!"

"Ang cheesy mo ah!" nangingiti kong turan. Naupo naman kami sa sofa at siya nama'y sa aking harapan.

"Ito na pala ang resulta ng pinaiimbestigahan mo." Sabay abot naman nito sa akin ng sobre.

"Bakit ikaw pa ang naghatid nito hindi yata tauhan mo?"

"Siyempre para makita ko kung gaano ka ka-inlove d'yan sa kinababaliwan mo!" Napairap naman ako sa kan'ya at napailing. Binuksan ko naman ang sobre at binasa ang nilalaman. Nagulat ako sa aking nalaman at mahigpit ang pagkakahawak ko sa sulat. Nabitawan ko ito at muling tinitigan naman si Gascon. "So, Doctor Wallace what are you gonna do? Tell her right away or wait for the right time? I know you're having a hard time, pero I think her family needs to know the truth." Napasandal na lang ako at malakas na bumuntong hininga. 

Hindi ko alam kung paano ito sisimulang ipaliwanag kay Mama Celicia at paano sasabihin kung bakit ito nangyari sa kanila at nawalay si Louise.

"So tama nga ang hinala ko noon pa lang, kambal si Louise at si Celestine"


The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now