CHAPTER 47

17 0 0
                                    

Pagkatapos ng party ay inihatid naman ako kaagad ni Kristoff sa bahay. Habang tinatahak namin ang daan pauwi ay nakatingin lamang ako sa labas ng bintana at lihim na lumuluha.


Talaga ngang sinukuan na ako ni Doctor Miller. At nawalan na rin ako ng pagkakataong sabihin pa sa kan'ya ang tungkol sa pagbubuntis ko.


Nakarating na kami sa aming bahay ay nakatingin pa rin ako sa labas at tulala. Inaalala ko ang mga binitawang salita niya sa akin kanina.


"Love we're here." Saka lamang ako napalingon nang magsalita siya.


"Kristoff, mahal mo ba talaga ako?"


"Of course Louise I loved you"


"Kapag mahal mo ang isang tao at alam mong hindi ka niya mahal dapat palayain mo na." Mataman ko siyang tinitigan at siya nama'y napaiwas nang tingin sa akin.


"Susunduin kita bukas ng maaga kailangan nating puntahan bukas ang magsusukat ng gown mo," wika niya ng hindi man lang ako tinitignan.


"I'm pregnant Kristoff." Mabilis siyang napatingin sa akin at nanlaki pa ang mga mata niya. "Buntis ako at si Doctor Miller ang ama." Napasandal na lang siya sa kan'yang kinauupuan at mariin na pumikit. Maya-maya pa ay muli niya akong tinitigan.


"Magpapakasal pa rin tayo at ako ang tatayo bilang ama niyang dinadala mo"


"Kristoff! Alam mo ba kung ano 'yang sinasabi mo?! singhal ko sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit ganito si Kristoff, hindi siya ang Kristoff na nakilala ko. Sabagay kasalanan ko naman ito kung hindi ko siya pinaasa hindi sana aabot ito sa ganito.


"It's getting late Louise, bawal sa buntis ang nagpupuyat"


"Sige Kristoff ganito ba ang gusto mo? Lahat ng gusto mo susundin ko, dahil sa pagkakautang ng nanay ko kay Don Miguel. Magpapakasal tayo kung 'yan ang gusto mo." Pagkasabi kong iyon ay bumaba na ako at pumasok na sa loob ng bahay.


Hindi muna ako umakyat sa aking kuwarto at nanatili muna ako sa sala at naupo sa mahabang sofa. Hinawakan ko ang impis ko pang tiyan at marahan itong hinimas. Napangiti ako at maya-maya ay may tumulong luha sa aking pisngi.


"Anak pasensya ka na ha? Pasensya ka na kasi mukhang hindi mo na makikilala pa ang daddy mo. Mahal na mahal ko ang daddy mo, pero sumuko na siya eh. Sinukuan niya na ako ng hindi man lang sinasabi sa kan'ya ang tungkol sa'yo." Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Mamu Edna at Mamu Dyosa. Niyakap naman nila ako nang mahigpit at doon ay napahagulgol na lang ako. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, sinisisi ko lahat ito sa sarili ko. Kung hindi ko sana pinilit ang sarili kong mamahalin siya at pinaasa si Kristoff hindi sana mangyayari ito.


"Mamu Edna, Mamu Dyosa ano pong gagawin ko? Kasalanan ko ang lahat Mamu," wika ko sa kanila sa pagitan ng aking pag-iyak.


"Huwag mong sisihin ang sarili mo anak, hindi mo kasalanan. Ginawa mo naman ang lahat para matutunan mong mahalin si Kristoff, kaso sadyang hindi mo puwedeng turuan ang puso kung sino ang mamahalin mo," saad ni Mamu Dyosa.

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now