CHAPTER 10

15 2 0
                                    


Katulad ng dati, ginawa kong busy ang sarili ko. Trabaho, bahay at dalawang beses kada linggo na ako pumupunta sa puntod ni Celestine. Ayoko na muna masyadong mag-isip lalo na kapag nakikita ko sa paligid si Doctora Alcantara. Maaga akong pumasok sa ospital dahil may naka schedule akong surgery ngayon. Tanging ako lang ang tao sa elevator dahil masyado pang maaga at wala pang mga nurse na pumapasok. Maya-maya ay biglang huminto ang elevator sa third floor at bumungad sa akin si Louise. Pareho pa kaming nagulat at pagkuwa'y pumasok na rin siya at pumwesto sa may likuran.

"Anong floor ka? Tanong ko sa kan'ya pagkasara ng elevator.

"fifteenth floor, " tipid niyang sagot.

"Napag-isipan mo na ba 'yong sinabi ko sayo?" Hinarap ko naman siya at sumandal ako sa dingding, kita ko sa mukha niya ang pagkagukat.

"Are you crazy Doctor Miller?"

"Hindi naman siguro masama na makipagdate sayo 'di ba? And it's just a friendly date"

"Excuse me hindi ako nakikipagdate sa katulad mong antipatiko at bastos" sabay irap pa nito sa'kin.

"Pero maginoo naman ako, " ngumisi naman ako sa kan'ya na lalong ikinainis niya"

"For your information may fiancée na 'ko at hinding hindi ako makikipagdate sa'yo.

"Who's your fiancée? Kristoff?" Nanlaki naman ang mata niya sa aking sinabi.

"How did you know?

"It's not important" sabay talikod ko at saktong bumukas na ang elevator sa twelve floor. Bago ako lumabas ay hinarap ko muna siya at tumingin sa bandang dibdib niya.

"Change your clothes dahil masyadong sexy ang suot mong bra" pagkatapos kong sabihin iyon ay lumabas na kaagad ako ng elevator at narinig ko pa itong sumigaw.

"Bastos ka talaga!" Bwisit!

WALLACE:

"Wal, napalingon ako nang tawagin ako ni Jake.

"O Jake hindi ka pumasok?" Hindi kasi ito naka-uniporme at naka rip jeans at white t-shirt lang ang suot nito.

"Hindi muna ako pumasok ngayon nagtatampo na sila mama hindi ko man lang daw sila dinadalaw."

"Baka naman iba ang dadalawin mo ah!" Biro ko kay Jake.

"Sira! E di pinompyang ako ni April"

"Ngayon ka ba pupunta sa kanila?"

"Oo Wal, may kinuha lang ako saglit sa opisina ko. Ikaw dapat ginagamit mo na 'yang kamote mo 'wag puro palad kawawa naman 'yan nilulumot na"

"Pwede ba Jake lumayas layas ka na nga sa harapan ko baka ikaw ang mapompyang ko eh."

"MR 9 INCHES!" sabay pa kami ni Jake napalingon sa kung sino ang tumawag. Nanlaki pa ang mata namin sa papalapit na si Dra. Alcantara na nanlilisik ang mga mata sa galit.

"Hoy Mr. 9 inches! Kahit kailan talaga napaka bastos mo no." Humagalpak naman nang tawa si Jake sa aking tabi at sinamaan ko ito ng tingin.

"Dra. Alcantara paano mo nga pala nalaman na 9 inches itong si Doctor Miller?" Nakita mo na ba? Nakakalokong tanong ni Jake.

"H-ha? A-ano kasi"

"Grabe ka Wal pinakita mo na kay Dra.?

"Tumahimik ka nga diyan Jake! Gusto mong lagyan ko ng anesthesia 'yang bibig mo? masyadong pasmado eh. Inirapan ko naman siya at hinarap si Doctora Alcantara.

"What is it Doctora Alcantara?"

"Ikaw! Duro nito sa'kin Kahit kailan talaga ang bastos mo"

"Anong bastos roon? Buti nga sinabi ko sa'yo na kita 'yong bra mo eh." Napaawang naman ang kan'yang mga labi at gulat kaming tinitigan. Hinagod ko naman siya ng tingin at pansin ko na nakapagpalit na siya ng damit.

"Antipatiko ka talaga!

"Doctora Alcantara sa susunod 'wag ka ng magsusuot ng see through" saka you should be thankful kasi ako ang nagsabi sayo"

"So gusto mong magpasalamat pa 'ko sayo? Never! Hindi sa isang bastos na katulad mo" sabay talikod niya at mabilis na naglakad palayo.

"Grabe ang galit sayo Wal ah" naiiling na wika ni Jake .

"Opposite siya ni Celestine, masyadong palaban naman si Doctora Alcantara" sambit ko habang nakatanaw sa papalayong si Doctora.

LOUISE:

Nakahalukipkip ako at kunot ang noo ko habang nasa tapat ng elevator at nag-aantay. Naiinis ako dahil sa antipatikong Doctor na 'yon. Pero naisip ko rin namang tama siya, saka isa pa hindi dapat ako magalit dahil may point din naman siya. Hindi ko na kasi napansin ang suot ko dahil sa pagmamadali ko. Napahiya lang siguro ako kaya nagalit ako sa kan'ya.

"Kawawa naman pala si Doctor Miller no?" narinig kong sabi ng isang nurse sa kasama niya kaya nabaling ang atensyon ko sa kanila.

"Oo nga eh, hanggang ngayon hindi pa rin siya maka move on sa asawa niya." Sayang nga lang hindi sila nagkaroon ng anak"

"Sabi nila ang ganda raw ng asawa ni Doctor Miller, ayon nga lang nagkaroon ng sakit, iyong asawa nga lang niya ang nakapagpabago sa kan'ya eh, sobrang babaero kasi ni Doctor Miller noon nagbago lang ng makilala niya ang asawa niya."

"Kaso nga lang hindi na siya katulad noong dati na masayahin at palabiro." Nakakamiss ang dating Doctor Miller. Tulala akong pumasok sa aking opisina at naupo sa aking swivel chair. Hindi ko alam na may mabigat palang pinagdadaanan si Doctor Miller. Parang kung anong may tumusok sa aking puso, nakaramdam ako ng guilt bigla. Sa kabila ng pagiging pervert niya ay malungkot din pala ang buhay nito. Bigla akong napaisip. Masyado na ba akong nagiging harsh sa kan'ya?

Late na ako natapos sa duty ko dahil marami ring naging pasyente sa araw na ito, kanina pa tumatawag sa'kin si Kristoff pero hindi ko naman masagot dahil naging abala rin ako maghapon. Tatawagan ko na sana si Kristoff nang makita ko naman siya na kausap si Doctor Miller sa waiting area nitong ospital. Magkakilala pala talaga sila? Tanong ko sa aking sarili. Hindi muna ako lumapit sa kanila at nagtago sa pagitan ng mga pader. Tinitigan ko naman si Doctor Miller habang kausap niya si Kristoff, nakangiti siya pero malungkot naman ang mga mata niya. Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin ito. Doon lang ako lumapit nang makaalis na si Doctor Miller.

"Oh hi love! Nakangiting salubong sa'kin ni Kristoff at hinalikan ako sa pisngi.

"Paano mo nalamang nandito pa 'ko?"

"Tumawag kasi ako kay Mamu Dyosa kanina tinanong ko kung nakauwi ka na, sabi niya wala ka pa raw kaya nagbakasakali ako na nandito ka pa."

"Sorry Kristoff ah hindi ko nasasagot iyong mga tawag mo marami rin kasing pasyente kanina eh"

"Okay lang love, basta ikaw" nangingiting wika niya sa'kin. Lulan na kami ng sasakyan ng tanungin ko si Kristoff tungkol kay Doctor Miller.

"Kristoff, paano mo pala nakilala si Doctor Miller?

"Naalala mo 'yong time na may nabangga ako? Siya 'yong gumamot sa nabangga ko." Mabait siyang Doctor, ayon nga lang namatayan siya ng asawa"

"B-bakit daw?"

"I dont know hindi niya sinabi eh, kaya siguro hanggang ngayon single pa rin siya dahil hindi pa niya makalimutan ang asawa niya." Mataman lang akong nakikinig kay Kristoff at pagkuwa'y nalungkot.

"Pero ang sabi niya may nakita daw s'yang kamukhang kamukha ng asawa niya"

"T-talaga?

"Yes love, siguro sila talaga 'yong destiny at pinadala siya para kay Doctor Miller"

"Hindi kaya kakambal ng asawa niya 'yon?

"Wala naman daw kambal ang asawa niya and he's sure of that," bigla namang pumasok sa isip ko ang una naming pagtatagpo. Kung bakit ganoon na lamang ang first impression niya sa'kin at klase ng mga titig niya sa tuwing magkikita kami. Napailing na lang ako. No, mali ang iniisip ko hindi naman siguro. Napapikit ako ng mariin habang nakasandal ang ulo ko sa salamin ng bintana at malakas na bumuntong hininga.

"May problema ba love?" Napatingin naman akong bigla kay Kristoff.

"Ah wala naman medyo napagod lang kasi ako." Tumango lamang siya at ngumiti sa'kin bago binaling ulit ang tingin niya sa kalsada. 



The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now