SPECIAL CHAPTER 1 SPG

26 0 0
                                    

THIRD PERSON POV:

"Bro nandito na naman tayo?" reklamo ni Wallace sa kan'yang pinsan na si Marco.


Kasalukuyang nasa parke na naman sila at nagbabakasakali na mahanap ulit si Lyn, ang first love ni Marco.


"Wallace pupunta na tayo ng Amerika sa susunod na araw at hindi na ako makakapunta dito"


"Ewan ko sa'yo Marco! Maiwan muna kita d'yan may bibilhin lang ako sandali."


Habang naglalakad naman si Wallace papunta sana sa tindahan nang mapansin niya ang isang batang babae na umiiyak sa damuhan at hawak nito ang kan'yang tuhod. Nilapitan niya ito para tanungin at napansin niyang wala rin itong kasamang matanda.


"Hey little girl, why are you crying? Where are your parents?"


"Si Mama ko po may binili lang," sabay hikbi ng batang babae. Napatingin naman si Wallace sa tuhod nito na ang isang kamay ay nakatakip dito at napansin niya na may tumutulong dugo.


"May sugat ka, teka gagamutin natin 'wag kang aalis dito okay?" tumango lang ang batang babae at umalis muna si Wallace para bumili ng panlinis ng sugat. At ilang minuto pa ang lumipas at nakabalik na rin siya kaagad at ginamot niya ang sugat ng bata.


"Ayan okay na ang sugat mo, pag-uwi mo sa inyo linisan mo ulit kasi kung hindi may lalabas na pari diyan"


"Hala! Talaga?" natawa naman nang bahagya si Wallace dahil sa reaksyon ng bata pagkasabi niyang iyon. Dahil sa biro niyang iyon ay muli na namang naiyak ang bata.


"Joke lang 'yon little girl, gusto mo ba ng ice cream? nakakagaling din ng sugat 'yon"


"Libre mo po ba?"


"Oo naman! Kaya huwag ka nang umiyak." Marahan naman niyang pinunasan ang luha ng bata at saka bumili siya ng ice cream para sa kanilang dalawa.


"Salamat po dito ah!"


"You're welcome little girl." Ginulo pa niya ang buhok ng bata pagkasabi niyang iyon.


"Kapag malaki na 'ko tapos nakita ulit kita pakakasalan kita!"nahinto namang bigla si Wallace sa pagkain niya ng ice cream at napakurap-kurap pa siya sa batang babae na nakangiting-nakangiti sa kan'ya.


"Baby loves! Halika na umuwi na tayo baka gabihin tayo"


"Sige po mamang pogi tinatawag na 'ko ng Mama ko, basta promise ko 'yan pakakasalan kita kapag malaki na 'ko at tatandaan ko ang mukhang 'yan!"

Bago pa makapagsalita si Wallace ay tumakbo nang palayo ang batang babae at naiwan siyang nakatanaw dito. Napangiti na lang si Wallace at napapailing kapag naaalala niya ang sinabi sa kan'ya noong bata.


"Teka, bakit hindi ko tinanong iyong pangalan niya? Shit naman! Para tuloy akong si Marco eh," bulong ni Wallace sa kan'yang sarili.


"Baby loves, sino 'yong kausap mo kanina? Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag kang makikipag-usap sa hindi mo kilala?"


"Mama ginamot niya po itong sugat ko kasi nadapa ako habang naglalaro tapos binilhan niya pa ako ng ice cream mabait naman po siya eh"


"Kahit na anak, malay mo may masamang balak pala siya sa'yo"


"Saka Mama siya po 'yong lalaking pakakasalan ko!"


"Naku ikaw talaga Louise ang bata-bata mo pa ha! Seven years old ka pa lang kung anu-ano na 'yang iniisip mo," mahinang sermon ng kan'yang ina habang nasa taxi na sila.








The Promise of Forever (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon