CHAPTER 18

11 0 0
                                    

"Shit! My god Louise what did you do!? Sigaw ko dito sa aking opisina. Pabagsak naman akong naupo sa aking swivel chair at mariing hinilot ang aking batok. "Bakit ako nagpadala sa mga halik n'ya? Hindi dapat! Mali ito!"

Napakagat labi na lang ako nang maalala ang nangyari sa rooftop. Si Kristoff na matagal kong kasintahan ni minsan hindi ako nahalikan sa labi, pero si Doctor Miller ay hindi ko naman gaanong kilala ay nakuha na n'ya ang unang halik ko. Biglang sumagi sa isip ko si Kristoff pakiramdam ko tuloy nagtataksil ako sa kan'ya. Hindi ko s'ya gustong saktan, ayoko s'yang masaktan. Pero anong magagawa ko kung sa iba naman tumibok itong puso ko? Gusto kong kalimutan ang nangyari at gusto kong ibaling na lang kay Kristoff ang pagtingin ko. Naguguluhan ako at hindi malaman ang gagawin ko, kung ano ba ang tama. May mga tao akong masasaktan kapag pinagpatuloy ko pa 'tong nararamdaman ko para sa kan'ya. Una si Kristoff at pangalawa ang kaibigan ko at tinuring na kapatid na Sha-Sha. Hindi ko alam na si Doctor Miller pala ang tinutukoy nito. Kaya hanggat maaga pa ay dapat ko ng putulin kung ano man ang nararamdaman ko para sa kan'ya, hindi ito tama. Ang tama ay ang iwasan ko na s'ya para wala akong masaktan.

Tumingin ako sa relo kong pambisig at nagmamadali ko namang inayos ang mga gamit ko. Alas singko na pala ng hapon. Pupunta kasi ako sa mansyon ni Don Miguel dahil inimbitahan ako nito sa kanila mag-dinner kasama si Kristoff. Nasa ground floor na 'ko nang mamataan ko si Doctor Miller. Napahinto akong bigla nang lumapad ang pagkakangiti n'ya, sinundan ko naman kung sino ang tinitignan n'ya.

"Dada! Tawag sa kan'ya ng dalawang bata na tumatakbo pa palapit sa kan'ya.

"Dada?" Takang sambit ko sa aking sarili. Akala ko ba wala s'yang anak? Binuhat n'ya ang dalawang bata na sa tantya ko ay tatlong taong gulang na. Ibig sabihin nagka-anak sila ng asawa n'ya? Akala ko ba__ naputol ang aking pag-iisip ng may biglang lumapit sa kan'yang isang simpleng babae ngunit maganda rin ito.

"Hi mace!" Masayang bati ni Doctor Miller sa kan'ya. Hinalikan naman n'ya ito sa noo na ikinagulat ko.

"S-sino yon?" Ibinaba n'ya muna ang dalawang bata at inakbayan n'ya 'yong babaeng kasama n'ya. Hindi ko alam pero parang binubugbog ang aking puso sa aking nakita. Akala ko ba wala s'yang anak? At sino 'yong babaeng kasama n'ya? Bago niyang asawa? Paano? Mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Nasa labas na 'ko ng ospital pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nasaksihan. Hindi ko namalayang may tumulong luha na pala sa aking pisngi. Kaagad ko naman itong pinunasan at huminga nang malalim. Hindi ko akalain na gan'on pala s'ya, isa siyang manloloko at pati kaibigan ko naloko rin n'ya. Natawa na lang ako at mariing kinagat ang aking ibabang labi para pigilan ang nagbabadya na namang luha. Maya-maya ay natanaw ko na ang sasakyan ni Kristoff at pilit ko namang pinapakalma ang aking sarili para hindi s'ya makahalata.

"Hi love! Kanina ka pa ba?" Tanong n'ya sa 'kin nang makalapit na s'ya. Hinalikan muna niya ako sa pisngi bago ako sumagot.

"Hindi naman mga isang oras lang," biro ko naman sa kan'ya.

"Really,? Gulat naman n'ya akong tinitigan na s'yang ikinangiti ko.

"Ano ka ba biro lang"

"Ikaw ah, marunong ka ng magbiro," natatawa naman n'yang turan. Sana si Kristoff na lang, sana sa kan'ya na lang tumibok itong puso ko.

"So let's go? Saka baka hinihintay na tayo ni Don Miguel," Inakbayan naman n'ya 'ko patungo sa kan'yang sasakyan.

Kinakabahan ako nang makapasok na kami sa loob ng kanilang mansyon. Hawak-hawak ni Kristoff ang kamay ko at tila napansin n'ya ang panlalamig ng aking kamay.

"Relax love hindi naman nangangain ng Doctor si Dad," pagpapakalma niya sa akin at nangingiti n'ya akong tinignan. Pilit naman akong ngumiti sa kan'ya para maibsan ang aking kaba. Naupo muna kami sa mahaba nilang sofa para hintayin si Don Miguel. Ilang minuto pa ang lumipas ay bumaba na rin si Don Miguel.

"Magandang gabi po Don Miguel," tumayo naman ako sa aking pagkakaupo para batiin siya.

"Magandang gabi rin hija, maupo ka," pagkasabi n'yang iyon ay naupo na rin siya sa kaharap namin. "Kumusta ka na hija," nakangiting tanong n'ya sa 'kin.

"Maayos naman po ako Don Miguel"

"Siyanga pala kaya inimbitahan kita ngayon ay para pag-usapan ang magiging kasal n'yo ni Kristoff," para akong biglang nabingi sa sinabi ni Don Miguel. Hindi ako makapagsalita at nakatitig lamang ako sa kan'ya. Hindi ko inaasahan na ganito ang bubungad sa akin. Kung p'wede lang sabihin sa kan'ya na ayokong magpakasal ay sinabi ko na kaagad. Kaso iniisip ko ang pagkakautang ng aking ina sa kan'ya at ako ang kabayaran noon, ang magpakasal kay Kristoff.

"Dad hindi naman po kami nagmamadali eh. Saka isa pa busy pa si Louise," paliwanag ni Kristoff sa kan'yang ama.

"Aba kung gan'on kailan n'yo pa balak magpakasal? Gusto ko na magkaroon ng apo hijo"

"H'wag po kayo mag-alala Don Miguel aasikasuhin din po namin ni Kristoff ang aming kasal kapag maluwag na ang schedule ko"

"Mabuti naman hija, kita mo na Kristoff? Mas mabuti pa itong si Louise naiintindihan ako," nangingiting turan ni Don Miguel.

"Dad naman inaalala ko lang 'tong si Louise ayoko kasing mapressure siya lalo na at kalilipat lang n'ya sa bagong ospital"

"Siyanga pala hija ayos ka na ba sa pinapasukan mo?"

"Opo Don Miguel h'wag po kayong mag-alala maayos naman po ako d'on"

"Dont worry hija kapag kinasal na kayo ni Kristoff ipagpapatayo kita ng sarili mong clinic," nagulat naman ako sa sinabi ni Don Miguel.

"Naku Don Miguel hindi na po kailangan okay naman po ako d'on"

"Dad, hindi tatanggapin ni Louise iyang inaalok mo kaya hayaan na po natin siya"

"Sigurado ka ba hija?"

"Opo Don Miguel"

"Dont call me Don Miguel, just call me as your own father from now on"

"S-sige po Dad," nahihiya kong sambit sa kan'ya. Pagkatapos naming maghapunan ay hinatid na rin ako kaagad ni Kristoff.

"I'm sorry love," sinulyapan ko naman s'ya habang nasa daan pa rin ang kan'yang tingin.

"For what?"

"Dahil kay Dad napilitan kang umo-o"

"Hindi naman ako napipilitan, 'yon naman ang plano natin magpakasal di ba?

"Ang gusto ko kasi kung magpapakasal tayo mahal mo na rin ako," nalungkot naman ako sa kan'yang sinabi at nag-iwas nang tingin. Naguiguilty ako dahil ang munting hiling n'ya ay hindi ko maibigay at sa iba ko pa naramdaman ang pagmamahal na matagal na n'yang inaasam. "Louise, alam mo naman na mahal na mahal kita kaya handa akong maghintay kahit gaano pa katagal basta maramdaman ko lang 'yong pagmamahal mo," hindi ko na mapigilan pa ang maluha sa kan'yang sinabi. Kaagad ko namang pinunasan ang luha kong pilit kong pinipigilang bumagsak. Hindi naman ito nakaligtas kay Kristoff. Inihinto n'ya muna ang kotse sa tabi at hinarap ako. "H'wag kang umiyak Louise, ayokong nakikita kang umiiyak. Gusto ko kung iiyak ka, iyon ay luha ng kaligayahan," dahil sa sinabi niyang iyon ay bigla ko siyang niyakap nang mahigpit at hindi ko na napigilang maiyak. Kung sana si Kristoff na lang, hindi rin sana siya nahihirapan ng ganito. Pati ako nahihirapan na rin sa nararamdaman ko ngayon. May pagtingin ako kay Doctor Miller pero hindi kami p'wede dahil may pamilya na pala ito. Pero bakit n'ya ko hinalikan? Tanong na gumugulo sa aking isipan.


The Promise of Forever (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon