CHAPTER 19

11 0 0
                                    

WALLACE POV


"Dada!" Napalingon akong bigla sa batang tumawag sa 'kin. Kita ko ang pagtakbo ng dalawang kambal sa aking kinaroroonan. Kaagad ko naman silang sinalubong at umupo pa 'ko para mayakap silang dalawa. Binuhat ko naman kaagad si Madel at Jk.

"Doctor Wallace," tawag sa 'kin ni Mace. Binaba ko muna ang kambal at sinalubong siya. Hinalikan ko siya sa kan'yang noo na nakasanayan na rin namin sa t'wing magkikita kami.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Ito kasing kambal gusto raw nila makita ang daddy nila," nangingiti naman niyang turan.

"Halika puntahan natin si Marco sa opisina n'ya. Inakbayan ko naman si Mace, at ang kambal naman ay nauna sa amin maglakad dahil sa excitement na makita ang daddy nila at tinungo ang opisina ni Marco. Binuksan ko kaagad ang kan'yang opisina at patakbo namang pumasok ang kambal at kaagad na yumakap sa kanilang ama. Ang saya nilang pagmasdan na kumpleto ang pamilya. Sunod naman kaming pumasok ni Mace at sinalubong naman ito ni Marco nang yakap at halik.

"Anong ginagawa n'yo ng mga bata rito?"

"Hay naku babe gusto ka raw makita ng mga anak mo," nakangiting wika ni Mace kay Marco.

"Let's go to the park daddy," yaya ni Madel sa kan'yang ama.

"Okay sweerheart mag-aayos lang si daddy okay ba 'yon?"

"Okay po," sagot ni Madel sa kan'yang ama. Ang sarap sigurong magkaro'n ng anak at kumpleto ang pamilya. Tapos uuwi ka ng bahay sila ang sasalubong sa'yo. Wika ko sa aking isipan.

"Kumusta Wallace? Hindi na tayo madalas nagkikita ah," baling sa 'kin ni Marco habang inaayos niya ang kan'yang mga gamit sa lamesa.

"Ayos naman, minsan busy minsan hindi," natatawa kong turan sa kan'ya.

"Kayo ni Doctora?" Natigilan ako sa klase ng tanong ni Marco na parang mapanukso.

"Siya ba 'yong Doctor na kinukwento mo babe?" Takang tanong ni Mace kay Marco.

"Right babe"

"Doctor Wallace, are you sure about your feelings?" Mataman ko silang tinitigan at marahang tumango sa kanila.

"Wallace she is Doctora Alcantara"

"I know bro, nagustuhan ko siya dahil siya si Louise and not because she looks like my wife"

"And how about Kristoff? Alam mo naman na girlfriend niya si Doctora Alcantara 'di ba?" Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Marco at napayuko na lamang ako. "Wallace think carefully baka masaktan ka ulit."

Matagal akong nasa loob ng aking sasakyan at iniisip ang sinabi ni Marco. Pa'no kung masaktan akong muli? At hindi lang ako kundi si Kristoff. Malakas kong hinampas ang manibela at napayuko. No, hindi dapat ako magpadala sa damdamin ko. Paano ko naman ipaglalaban ang sarili kong nararamdaman kung ang mahal ko ay pag-aari na ng iba?

Kinabukasan ay maaga akong pumasok, medyo inaantok pa ako dahil hindi na naman ako nakatulog ng maigi. Maraming bagay ang gumugulo sa aking isip. Nag-aabang ako sa may elevator ng biglang napatingin ako sa gawing kaliwa ko. Napansin ko si Doctora Alcantara na tumatakbo palayo. Anong problema no'n? Tanong ko sa aking isipan. Sinundan ko naman s'ya at lumiko naman siya sa bandang kaliwa. Sumandal ako sa pader at hinihintay siyang lumabas. Malakas ang pakiramdam ko na iniiwasan niya ako dahil siguro sa nangyari sa rooftop. Nang sumilip siya ay laking gulat naman niya nang makita ako at nakasandal sa pader. Bigla naman siyang napasigaw sa gulat. Pansin ko naman sa kan'ya na para siyang kinakabahan noong makita n'ya ako. Pagkakataon ko ng malaman kung ano rin ang nararamdaman niya sa 'kin. Isinandal ko s'ya sa pader at itinukod ang aking dalawang kamay sa magkabilang gilid niya. Inilapit ko pa ang mukha ko sa kan'yang mukha. Dinig ko pa ang mabilis na tibok ng kan'yang puso. Doon palang ay alam ko na ang sagot sa tanong ko.

"P-p'wede bang l-lumayo ka naman sa 'kin p-please?" Napangisi naman ako sa klase ng pananalita n'ya. Pansin ko rin sa kan'ya na hilig din niyang kagatin ang ibabang labi n'ya kaya bigla akong napalunok.

"Stop bitting your lips," seryoso n'ya akong tinitigan. Ayokong magkasala at dito ko gawin ang nais ko. "If you do that again__" napahinto naman akong bigla sa aking sasabibin. Hindi s'ya si Celestine kundi s'ya si Louise. Gusto ko siya bilang si Louise Alcantara, hindi dahil sa kamukha niya ni Celestine.

"Stop doing that thing again, hindi ko 'yon gusto," sabay talikod ko at iniwan na lang siya. Napabuga na lang ako sa hangin habang naglalakad ako palayo sa kan'ya. Tama pa ba itong ginagawa ko? Should I stop or continue to love her? Naguguluhan na 'ko kung tama pa ba 'tong nararamdaman ko para sa kan'ya.


LOUISE ALCANTARA


Nagmamadali akong pumasok sa loob ng ospital dahil baka makasalubong ko si Doctor antipatiko. Ganitong oras kasi s'ya pumapasok, ayoko muna s'yang makita dahil na rin sa nangyari sa 'min sa rooftop. Panay ang lingon ko sa paligid para matiyak na hindi ko s'ya makikita. Malapit na 'ko sa may elevator nang makita ko s'yang naghihintay sa pagbaba ng elevator. Bigla naman akong napatalikod at naglakad palayo. Nagtago ako sa pagitan ng mga pader sa hindi kalayuan at sapo ko ang aking dibdib. Napapikit ako at malakas ang aking paghinga dahil sa pagtakbo ko palayo sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito, at lalong lalo na kung paano ko s'ya haharapin kung sakali. Ilang segundo akong nasa ganoong posisyon ay nagpasya akong lumabas na sa pagitan ng mga pader. Huminga muna ako nang malalim at sisilip muna ako para masigurong wala na 'yong ayaw kong makita. Saktong pagsilip ko ay siya namang nakatayo sa gilid na para bang hinihintay akong lumabas. Napasigaw naman ako dahil sa gulat nang makita s'yang nakasandal sa pader at nakahalukipkip.

"Ano ba! Bakit ka ba nanggugulat?" Singhal ko sa kan'ya.

"Ano ba kasing ginagawa mo d'yan? Sino bang tinataguan mo?" Hindi ako makapagsalita sa kan'ya at mataman akong tinitigan.

"W-wala naman akong t-tinataguan ah!"

"E anong ginagawa mo d'yan?"

"Wala kang pakialam okay!" Aalis na sana ako ng bigla naman s'yang humarang sa aking harapan at isinandal ako sa pader. Nakatukod ang kan'yang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko at inilapit pa niya ang kan'yang mukha sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin at napalunok ng tatlong beses. Kung marami lang sana ang dumadaan sa gawi namin ay kitang kita kung ano ang posisyon namin.

"Ako ba ang tinataguan mo?" Paos n'yang sabi sa 'kin.

"W-why should I?" Saad ko naman sa kan'ya ng hindi siya tinitignan.

"O baka naman kaya mo 'ko iniiwasan dahil sa nangyari sa rooftop?" Napatingin naman ako sa kan'ya at napasinghap dahil konti na lang ang pagitan ng aming mukha. Maling galaw ko lang ay mahahalikan na niya ako. Napadako naman ang tingin niya sa aking mga labi at muli akong tinitigan.

"P-pwede ba l-lumayo ka naman sa 'kin p-please?

"Why?" Oh my God! Ano bang ginagawa niya? Hindi na 'ko makahinga. Mahihimatay na yata ako sa sobrang kilig! Ay mali sa sobrang kaba.!

"H-hindi ako, hindi ano...

"Tell me Doctora Alcantara," napapikit naman ako at napakagat labi dahil sa mga klase ng tanong n'ya.

"Stop bitting your lips," napadilat ako at napatitig sa kan'ya. Seryoso rin siyang nakatitig sa 'kin. "If you do that again__," napahinto siyang bigla sa susunod niyang sasabihin at dahan-dahan lumayo sa 'kin. "Stop doing that thing again, hindi ko 'yon gusto," matapos n'yang sabihin 'yon ay kaagad siyang tumalikod at naiwan akong nagtataka.

"Anong problema niya?" nasabi ko na lang sa aking sarili.


The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now