CHAPTER 26

16 0 0
                                    

"O Sha-Sha bakit ka tumatawag kanina?" Saad ko sa kan'ya sa cellphone ko nang tawagan ko siya.

"Bakit gan'yan ang boses mo Lou? May sakit ka ba?"

"Wala, kagigising ko lang nakatulog kasi ako dito sa opisina ko eh"

"Kaya ako napatawag sa'yo para magpatulong"

"Magpatulong saan?" Takang tanong ko sa kan'ya habang nakakunot ang aking noo.

"Kay Doctor Miller," natigilan akong bigla at parang sa sinabi niyang iyon ay doon lamang ako tuluyang nagising. Napahigpit ang hawak ko sa aking cellphone at mariing kinagat ang ibabang labi ko. "Hey Lou still there?" Tanong n'ya sa akin ng hindi ako sumagot.

"Ah y-yes, s-sorry nakakabigla naman kasi 'yang nirerequest mo eh"

"Sorry Lou, I know this sounds crazy pero gustong-gusto ko talaga s'ya Lou. Ewan ko ba kung anong meron s'ya pero s'ya na siguro ang huling magiging lalaki sa buhay ko kung sakali," masiglang wika n'ya sa akin. Naramdaman ko naman na may namumuong luha na sa aking mga mata at para bang biglang bumigat ang aking dibdib, hindi ko naman ito pinahalata kay Sha-Sha.

"Sorry Sha, pero hindi kasi kami close no'n eh saka hindi naman kami nag-uusap"

"Ah gano'n ba? Gusto ko kasing magustuhan din n'ya ako, na mas higit ako sa nagugustuhan niya ngayon." Sinabi n'ya ba kay Sha-Sha na may nagugustuhan siya? Napabuntong hininga naman ako sa isiping iyon.

"Sinabi n'ya ba sa'yo kung sino 'yon?"

"Hindi, pero pakiramdam ko espesyal s'ya. Kaya nga gusto kong mabaling sa'kin 'yong pagtingin niya malay mo naman na mapagtanto niya na mas higit pala ako kaysa do'n sa nagugustuhan n'ya"

"Sha-Sha hayaan mong kusa n'yang maramdaman 'yon, hindi naman natin p'wedeng pilitin ang puso sa taong sa iba pala tumitibok." Hindi ko alam kung bakit biglang nasabi ko 'yon kay Sha-Sha. Napatapik na lang ako sa aking noo nangg mapagtanto kung ano ang aking sinabi.

"Wow Lou hugot ah! 'Yan ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin magawang mahalin si Kristoff?" Alam ni Sha-Sha kung ano ang totoong estado namin ni Kristoff. Alam kong nangako ako kay Kristoff na balang araw ay matututunan ko rin siyang mahalin, pero sa hindi inaasahang pagkakataon kinain ko naman ang mga sinabi ko na hindi ako magkakagusto kay Doctor Miller. 

Anong magagawa ko kung siya ang pinili ng puso kong mahalin? Ngunit ang kapalit naman nito ay dalawang tao ang masasaktan namin. Wala sa isip kong naibaba ko ang tawag ng hindi nagpapaalam kay Sha-Sha, msyado ng sumasakit ang ulo ko lalo na kapag naaalala ko si Doctor Miller. Tutal wala na naman akong masyadong pasyente kaya nagpasya na muna akong umakyat sa rooftop para magpahangin at para na rin kahit papano ay gumaan ang aking pakiramdam. Malapit nang magdapit hapon nang umakyat ako. Napaka-ganda ng ulap at ang sarap langhapin ang simoy ng hangin. Nakatayo ako sa may gitna at pinagmamasdan ang mga naglalakihang gusali, nakakawala ng problema. Ninanamnam ko naman ang hangin na dumadampi sa aking balat. Marahan akong pumikit at tumingala habang nakalagay ang dalawang kamay ko sa bulsa ng aking coat. Napapitlag naman ako ng may bigla na lang yumakap sa aking likuran at sinubsob naman niya ang mukha niya sa aking leeg. Bakit hindi ko namalayan na may paparating? Wala man lang akong narinig na ingay hudyat na may taong paparating sa aking kinaroroonan. Magsasalita sana ako at tatanggalin na sana ang kan'yang mga braso ng bigla siyang magsalita.

"Just five minutes Louise. In five minutes, I'm happy that I hug you like this." Ramdam ko ang mainit na hininga niya na dumadampi sa aking leeg, bigla akong nakaramdam ng init na dumadaloy sa buo kong katawan. Ang bilis ng tibok ng aking puso na tila karerang nag-uunahan sa finish line. Ilang sandali pa ay unti-unti na niyang tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin at ako'y nanatili lang na nakatalikod sa kan'ya at tulala. "P'wede bang humarap ka naman sa'kin Louise?" Pakiusap niya. Dahan-dahan naman akong humarap sa kan'ya ng nakayuko, parang hindi ko siya kayang tignan dahil titig pa lang niya baka bumigay na ako. "Look at me Louise," huminga muna ako ng malalim bago ko siya tinitigan. 

Iyong mga mata niya na akala mo'y lagi kang inaakit. Ang mga labi na minsan ko ng natikman, napalunok akong bigla ng maalala ko naman ang nangyari sa amin dito sa rooftop kaya napaiwas na lang ako nang tingin baka madagdagan na naman ang pagkakasala ko.

"I want to ask you something, and I want you to be honest with me," mabilis akong napabaling nang tingin sa kan'ya na ngayo'y seryoso ring nakatingin sa akin.

"A-ano 'yon?" Lumapit muna siya sa akin ng kaunti at ako'y nanatiling nakatingala sa kan'ya at hinihintay ang kan'yang sasabihin.

"Do you have a feelings for me?" Napaawang naman ang labi ko at bahagyang napayuko. Kaya kong sabihin sa kan'ya ang totoo kong nararamdaman pero kaya ko ring magsinungaling sa kan'ya alang-ala sa mga taong masasaktan namin.

"You want my honest answer? Well, wala akong gusto sa'yo Doctor Miller siguro namiss-interpret mo lang 'yong nangyari sa'tin." Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko, kung tama bang magsinungaling ako tungkol sa nararamdaman ko. Nasaktan ako sa mga katagang binitawan ko sa kan'ya.

"Liar" umiwas naman ako sa kan'ya nang tingin. "You didn't look straight into my eyes."

"Mauna na 'ko sa'yo marami pa kong gagawin." Lalagpasan ko na sana s'ya ng bigla naman siyang humarang sa dadaanan ko. "Doctor Miller," matigas kong sambit sa kan'ya.

"I said I want an honest answer, not the fake one," mabilis niya akong hinapit sa bewang at bahagya niyang inilapit ang mukha n'ya sa aking mukha na lalong nagpabilis nang tibok ng aking puso. Sabay namang nakarinig kami ng mga yabag at mga nag-uusap papunta rito sa rooftop. Kinabahan naman akong bigla at kakalas na sana sa pagkakahawak niya sa aking bewang ng mas lalo niya pa itong hinigpitan at nararamdaman ko ang matigas na bagay sa kan'yang bandang ibaba kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.

"What do you think you're doing Doctor Miller?" Mariing wika ko sa kan'ya.

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sa'kin sinasabi ang totoo"

"Sinabi ko na sa'yo hindi ba?"

"Alin? 'yong kasinungalingan mo?"

"Hindi ako nagsisinungalung okay," habang papalapit ng papalapit ang mga yabag papunta rito sa rooftop ay mas lalo akong kinakabahan dahil pagkapasok pa lang ng pintuan ng rooftop ay makikita kami kaagad sa ganoong ayos.

"Really? Pa'no kung halikan ulit kita rito? Nanlaki naman ang aking mga mata at sinulyapan ang pintuan.

"Okay fine I'm giving you an honest answer," binitiwan naman niya ako at dinala kung saang parte ng rooftop. Dinala niya ako sa likod at isinandal. Mataman niya akong tinitigan at hinihintay ang aking isasagot.

"Hindi ko alam kung pa'no nangyari, at kailan ko naramdaman ito. Ayoko mang aminin sa sarili ko, pilit kong tinatanggi pero ito ang totoo eh." Pumikit muna ako at huminga ng malalim saka siya muling tinitigan. "Mahal kita Doctor Miller, mahal kita." Kasabay ng pagkabigkas ko no'n ay siyang pagpatak ng aking mga luha. Napahikbi ako at marahang pinunasan ang aking luha na dumaloy sa aking pisngi. Lumapit naman siya sa akin at hinaplos ang aking pisngi.

"I'm afraid to love again Louise. And then you came, you give me hope to love again. Sana hindi pa huli ang lahat Louise," paos niyang wika sa'kin.

"Alam mong hindi p'wede kaya nga pinipilit kong iwasan ka"

"Kahit ilang beses mo pa 'ko iwasan hindi mo maitatanggi 'yang nararamdaman mo. Ayaw mo silang saktan? Pero ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa'tin? Nasasaktan ako at nasasaktan ka rin Louise. Mas masasaktan s'ya kung patuloy mo pa rin siyang paaasahin na mamahalin mo." Tama si Doctor Miller, masasaktan ko lang lalo si Kristoff kung pipilitin ko ang aking sarili. Niyakap n'ya ako at marahang hinaplos ang aking buhok. "I'll wait when you're ready Louise, I'm not going to give up on you, not this time," kumalas siya sa pagkakayakap at tinitigan ako.

Bumaba ang tingin niya sa aking mga labi kaya bigla ko itong nakagat dahil sa kaba. Natawa naman siya ng pagak at walang sabi-sabi niya akong hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at pagkuwa'y pinikit ko na lang ang aking mga mata. Dahil sa sensasyong binibigay niya sa'kin ay wala ako sa sarili kong napakapit sa kan'yang batok. Ramdam ko ang isa niyang palad na humihimas sa aking bewang at ang isa ay nakahawak sa aking pisngi. Aaminin ko na gustong-gusto ko ang mga halik niya, parang candy sa tamis na lagi mong gustong tikman. Matapos ang aming matamis na tagpo ay pinagdikit niya ang aming mga noo at habol naman namin ang aming hininga.

"Hindi kita minamadali Louise, I'm giving you time." Pagkasabi niyang iyon ay muli niyang sinakop ang aking mga labi. Ang halik na parang ayoko ng tapusin pa.




The Promise of Forever (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon