CHAPTER 2

25 1 0
                                    


"P-po!? Gulat kong tinitigan ang Director ng aming ospital. Nandito ako sa kan'yang opisina at kinausap dahil ililipat daw nila ako sa Southville Hospital. May kalahating taon pa lang akong nagtatrabaho dito at heto balak naman nila ako ilipat sa ibang ospital. "Pero bakit n'yo po ako ililipat? May nagawa po ba akong mali? Lagi naman pong maayos 'yong trabaho ko dito" 

"Dra. Alcantara wala kang nagawang mali at isa pa you're a great doctor, kaya ka namin ililipat kasi kulang sila sa Pedia doon, dahil yung mga Pedia doon kung hindi nangibang bansa mga nagretired na. Hindi pa kasi sila nakakakuha ng ipapalit. Kaya ikaw ang naisip ko, nakiusap kasi sa akin yung Director doon kung pwede daw na maglagay ako kahit isang Pedia sa kanila" napabuntong hininga na lang ako at napayuko. 

Kung kailan naman na okay na ako dito at saka naman nila ako ipapatapon kung saan. Kasalukuyang inaayos ko na ang mga gamit ko dito sa aking opisina dahil bukas na bukas ay lilipat na ako sa Southville Hospital. Napapitlag naman ako ng biglang magring ang cellphone ko. Kinuha ko naman ito sa bulsa ng aking white coat at nakita kong si Kristoff ang tumatawag.

"Hello Kristoff"

"Hi Love! Masayang bati niya sa kabilang linya. Napangiti naman ako at umupo muna sa aking swivel chair.

"Ang energetic mo naman ata ngayon anong meron?

"Wala naman namiss lang kita"

"Bolero! Parang hindi tayo nagkita kahapon ah"

"Syempre oras-oras kitang namimiss" natawa na lang ako sa kakornihan ni niya. 

Kristoff is a nice guy and a very gentleman person. May isang taon na kaming magkarelasyon. Pero walang ligawang nangyari dahil ako lang naman ang kapalit at kabayaran sa pagkakautang ni mama kay Don Miguel, ang maging nobya at pakasalan ang nag-iisang anak n'yang si Kristoff. Namatay si mama dahil sa sakit na cancer. At bago 'yon meron na pala silang napagkasunduan ni Don Miguel na ipakakasal ako sa kan'yang anak bilang kabayaran sa pagkakautang sa kan'ya. Mariin ko itong tinutulan at nangako na lang na babayaran ito paunti-unti. Ngunit hindi ito pumayag dahil may pinirmahan daw si mama na kasunduan nilang dalawa. Kung hindi raw ako papayag maaaring mawala daw sa amin ang bahay na pinaghirapan itayo ni mama. Kaya wala na rin akong nagawa kundi ang sumunod sa kagustuhan niya. Nang makilala ko si Kristoff ay talaga namang nakakaakit siya. Iniisip ko minsan kung bakit din s'ya pumayag sa kagustuhan ng kan'yang ama na ipakasal sa hindi naman niya kilala. He's a very wealthy man that every girls dreaming of. He's very handsome and kind also. Akala ko noong una ay napaka suplado n'ya at mayabang dahil sa gwapo siya at mayaman. Pero nang pumayag ako kaagad na maging fiance n'ya ay doon ko nakita ang totoong Kristoff Jimenez. Pero sa kabila ng lahat na pinapakita n'yang kabutihan sa akin ay hindi ko pa rin siya magawang mahalin. Sa totoo lang nasa kan'ya na ang lahat at hindi rin naman siya mahirap mahalin. Pero sabi nga nila hindi natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin natin. Marami nga ang nagsasabi sa akin na t*nga raw ako, napaka swerte ko na raw kay Kristoff pero hindi ko man lang masuklian ang pagmamahal na binibigay niya sa akin. "Siyanga pala pinapalipat nila ako sa Southville Hospital"

"But why? Hindi ka pa nga nakaka isang taon d'yan tinatanggal ka na nila"

"Hindi naman nila ako tinatanggal ano ka ba pinapalipat lang nila ako doon" 

"Kailan ang lipat mo roon?

"Bukas na"

"Sige susunduin kita bukas hahatid na kita doon"

"Huwag na baka nakakaistorbo na ako sayo eh"

"Love kahit kailan hindi ka naging istorbo sa akin, kahit pa nasa meeting ako pupuntahan kita kapag sinabi mo," bigla naman akong nakaramdam ng guilt sa sarili ko. Ang taong handang ibigay ang oras n'ya para akin ay hindi ko man lang masuklian ng pagmamahal. "Love are you okay? Wika n'ya sa akin ng bigla akong natahimik.

"Ah, I'm sorry, may iniisip lang ako"

"Sana ako iyang iniisip mo"

"Ha?

"Joke lang, oh f*ck!" Mura niya sa kabilang linya.

"Bakit Krisfoff anong nangyari? May pag-aalalang tanong ko sa kan'ya.

"Love tatawagan na lang kita ha? May nabangga kasi ako eh dadalhin ko lang sa ospital." Hindi pa ko nakakapgsalita ay pinatay na kaagad niya ang tawag. Sana naman walang masamang mangyari, bulong ko sa aking isip.

WALLACE:

"Doctor Wallace pinapatawag po kayo sa E.R wala daw po kasing doctor na nakaduty roon nasa meeting daw po lahat" sabi sa akin ng nurse na nakadungaw lang sa may pintuan ng aking opisina.

"Sige susunod na ako," tumayo na ako at tinungo ang E.R. Nabungaran ko ang isang lalaki na nakahiga at may malaking sugat sa kan'yang binti kaya kaagad ko itong nilapitan.

"What happened to him?

"Nabangga raw po Doc," sagot sa akin ng isang nurse na pinapahiran ng bulak ang mga dugo na umaagos sa hita nito.

"Sino raw nakabangga?"

"Ako po Doc," sabay naman kaming napalingon sa nagsalita. "Sorry hindi ko naman sinasadya bigla na lang kasi s'yang tumawid kaya dinala ko kaagad siya dito sa ospital," tumango lamang ako sa kan'ya at binalingan ang pasyente at sinuri ang natamo n'yang sugat.

"Kailangang tahiin itong sugat n'ya masyado na rin kasing malalim"

"Sige po Doc," sinimulan ko nang gamutin ang mga sugat ng pasyente at pagkatapos ay iyong lalaki namang nakabangga ang aking binalingan.

"Okay na 'yong sugat n'ya nagbigay lang ako ng ilang mga gamot na kailangan niyang inumin para sa kirot," wika ko habang tinatanggal ang aking gloves. 

"Salamat po Doc" oh by the way I'm Kristoff Jimenez" pakilala n'ya sa akin at inilahad naman niya ang kan'yang kamay na siyang tinanggap ko.

"Doctor Wallace Miller," maya-maya ay biglang nagring ang kan'yang telepono na kaagad naman n'yang sinagot.

"Yes Love? Kita ko sa mga labi n'ya ang mga ngiti. Bigla kong naalala si Celestine ganito ako noon kapag kausap ko siya sa telepono. Napabuntong hininga na lang ako at mapait na ngumiti.

"Okay love I love you! Huling sabi n'ya sa kausap n'ya bago niya binaba ang tawag.

"I'm sorry Doctor Miller, tumawag kasi yung fiance ko nag-aalala kasi don sa nabangga ko"

"It's okay" Maswerte ka sa fiance mo dahil kung sa iba yon, baka talakan ka na dahil hindi ka nag-iingat" natawa naman siya sa aking sinabi.

"You're right I'm lucky to have her pero hindi ko alam kung maswerte din ba ako sa kan'ya" may lungkot at pait n'yang saad sa akin.

"Bakit naman? Kaninang kausap mo s'ya mukhang okay naman kayo"

"Yes we're okay, pero hindi ko makuha ang puso niya," bigla naman akong nalungkot sa kan'yang sinabi. Pero bakit n'ya pakakasalan ang girlfriend niya kung alam naman n'yang hindi siya nito mahal? "I'm sorry Doctor Miller mukhang nagiging feeling close na ata ako"

"No it's okay, pareho lang din naman tayo" sabay naman kaming natawa.

"By the way Doctor Miller dito pala malilipat ang fiance ko bukas"

"Oh really? Surgeon din?

"She's a Pediatrician"

"Oh I see"

"Ihahatid ko s'ya dito bukas at sana magkita tayo para maipakilala ko siya sayo"

"Oh sure! Sana nga magkita tayo, at makilala ko ang maswerteng fiance mo" ngumiti lang s'ya sa aking sinabi.

"Sige Mr Jimenez mauna na muna ako may titignan lang akong ibang pasyente" paalam ko sa kan'ya.

"Sige po Doc aalis na rin po kami, salamat din po"

"You're welcome! Pagkasabi kong iyon ay tumalikod na rin ako at pinuntahan na ang iba pang pasyente. 


The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now