CHAPTER 29

15 0 0
                                    

Pasado alas-siyete na nang matapos ako sa medical mission, hindi kami magkasama ni Doctor Miller dahil may pinuntahan pa silang isang pasyente sa isang baryo. Kasalukuyang naglalakad na ako papunta sa hotel na tinutuluyan namin ng may isang batang lalaki ang humahangos papunta sa kinaroroonan ko.

"Doctora! Doctora!" Tawag ng batang lalaki habang tumatakbo papunta sa akin. Umiiyak ito at wari ko'y galing pa sa malayong lugar.

"Bakit, anong nangyari?"

"Tulungan niyo po ako doctora, ang nanay ko po!"

"Bakit anong nangyari sa nanay mo?"

"Parang hindi na po kasi siya humihinga, sumuka po siya ng dugo kanina tapos bigla s'yang nawalan na nang malay," umiiyak na turan sa'kin ng bata. Napaisip naman ako at minumukhaan ang bata, na para bang nakita ko na s'ya kung saan.

"Sige dalhin mo ako sa nanay mo." Mabilis kaming umalis at pumunta sa kanilang bahay. 

Medyo may kalayuan din ang bahay nila at kailangan pa naming umakyat sa bundok para makarating sa kanila. Nang nakarating na kami sa bahay nila ay naabutan naming nakahiga ang nanay niya sa papag nila. Kaagad ko itong nilapitan at pinakinggan kung humihinga pa ito. Dali-dali kong kinuha ang aking stetoscope para pakinggan ang kan'yang paghinga pero wala akong marinig. Binigyan ko s'ya ng CPR at pinakinggang muli kung humihinga na ito, pero wala talaga kaya itinigil ko na ang pagrevive sa kan'ya. 

Tinignan ko ang batang lalaki na 'di magkamayaw sa kan'yang pag-iyak at saka ako umiling sa kan'ya na wala na ang kan'yang ina. Lumapit s'ya sa kan'yang ina at mahigpit itong niyakap. Hindi ko na rin mapigilang mapaiyak dahil naaalala ko ang aking ina na sa ganoong sitwasyon ko rin siya naabutan. Nilapitan ko naman ang bata at hinagod ang kan'yang likod na hanggang ngayon ay yakap pa rin ang ina na wala ng buhay.

"Doctora paano na po ako wala na po akong pamilya? Tanging ang aking ina na lang po ang natitira kong pamilya," umiiyak niyang turan sa akin.

"H'wag kang mag-alala tutulungan kita," makahulugan niya akong tinignan at humihikbi. Maya-maya pa'y tumunog ang aking telepono at kaagad ko itong kinuha. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag.

"Hello?"

"Hello honey, where are you? Sabi noong nakakita sa'yo may kasama ka raw batang lalaki," napatingin naman ako sa bata na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.

"P'wede ka bang magpadala dito ng ambulansya?"

"Why? Saka anong nangyari?" Sinabi ko naman sa kan'ya ang dahilan at binigay na rin ang address kung nasaan kami. Isang oras kaming naghintay ay dumating na rin ang ambulansya na maghahatid sa nanay noong bata papunta sa ospital para doon na rin asikasuhin ang pagpapalibing. Lumapit kaagad sa akin si Doctor Miller at niyakap ako.

"Are you okay?" Tumango lamang ako sa kan'ya.

"Iyong bata Doctor Miller"

"Don't worry he'll be fine, susunod tayo sa ospital para asikasuhin 'yon"

"Gusto ko muna sana siyang makausap." Bago umalis ang ambulansya ay kinausap ko muna ang batang lalaki na hindi umaalis sa tabi ng kan'yang ina.

"Baby boy hintayin mo kami do'n ha? Pupuntahan ka namin. Tumango lamang siya at marahan kong hinimas ang kan'yang ulo. "Kayo na po muna ang bahala sa kan'ya," sabi ko naman sa isa sa mga medic na kasama niya sa loob. Nakatanaw naman kami ni Doctor Miller sa papaalis na ambulansya at hindi ko namalayang may pumatak na palang luha sa aking pisngi.

"Hon what's wrong?" Napatingin akong bigla sa kan'ya at mabilis na pinunasan ang aking luha, at pagkuwa'y umiling ako sa kan'ya. "Tell me honey, naaawa ka sa bata? Marahan akong tumango at tinitigan siya.

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now