CHAPTER 36

14 0 0
                                    


Nagising ako nang nakayakap sa'kin si Doctor Miller, tiningala ko siya at himbing na himbing siya sa kan'yang pagtulog. Tinignan ko naman ang relo kong pambisig, ala-una na ng madaling araw. Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko naman namalayang napasarap pala ang tulog ko dahil na rin sa pagod. Medyo masakit pa ang parteng ibaba ko pati na rin ang mga binti ko dahil sa mainit na tagpong nangyari sa amin dito sa loob ng kan'yang sasakyan. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko nang maalala ko ang mga naganap sa amin. Marahan kong hinaplos ang kan'yang pisngi, mata, ilong at panghuli ang kan'yang mapupulang labi. Ang mga labi niyang gusto ko palaging tikman. Hindi ako magsasawang angkinin ang mga labi niya na kasing sarap ng matamis na candy. Dahan-dahan siyang nagmulat at ngumiti sa'kin at pagkuwa'y hinalikan ang aking noo.

"You want some more?" Paos niyang wika sa akin.

"Hindi ka ba napagod?" Nangingiti kong wika sa kan'ya.

"Basta ikaw, hindi ako mapapagod at hindi mo ba alam lagi ka ng hinahanap nitong kakambal ko"

"Loko ka talaga," akmang tatayo na ako ng kumirot naman ang aking ibaba kaya bigla akong napangiwi.

"Honey are you okay?"

"O-okay lang m-medyo masakit kasi 'yong ano ko," nahihiya kong turan sa kan'ya. Natawa naman siya ng mahina.

"I'm sorry honey, masyado bang malaki?" Napamulagat naman ako at hindi alam kung ano ang isasagot sa kan'ya. "Come here, I'll help you," tinulungan naman niya akong makatayo at naupo katabi siya. Pareho pa rin kaming walang saplot at napadakong bigla ang tingin ko sa kan'yang ibaba kaya bigla akong napaiwas nang tingin.

Nagpalaki ba s'ya ng ano? Paano nagkasya sa'kin 'yon? Hindi pa nabubuhay pero ang laki na, napapikit na lang ako at napabuntong hininga sa aking mga naiisip. Inabot naman niya sa'kin ang mga damit ko na nagkalat kung saan. Mabilis kong kinuha sa kan'ya ang panty at bra ko na hawak-hawak niya.

"Gusto mo bang ako na ang magsuot sa'yo niyan?" Gulat ko naman siyang tinitigan at tinaasan ng kilay.

"Doctor Miller kaya ko na, at isa pa baka kung saan na naman mauwi ito"

"Bakit gusto mo pa ba?"

"Ayoko na! Tigilan mo 'ko!" Singhal ko sa kan'ya na ikinatawa niya.

"Sige na honey magbihis ka na ihahatid na kita sa inyo, tiyak hinahanap ka na ng mga Mamu mo." Oo nga pala panigurado nag-aalala na sa'kin sila Mamu.

Inihatid naman kaagad ako ni Doctor Miller sa bahay at marahan akong pumasok sa loob. Nakita ko si Mamu Edna na nakahiga sa sofa. Pinuntahan ko naman siyang kaagad at ginising siya.

"Mamu Edna bakit dito po kayo natulog sa sofa?" Pupungas pungas naman siyang bumangon at hinarap ako.

"Hinihintay kasi kita anak," inaantok na boses ni Mamu Edna. Napayuko na lang ako at hindi nakapagsalita. Hinawakan naman niya ang aking dalawang kamay kaya napatingin ako sa kan'ya, ngumiti naman siya sa akin na para bang alam na niya kung saan ako nanggaling.

"Baby labs, masaya ako kasi masaya ka. Natagpuan mo ang tunay mong pag-ibig at hindi ako tutol do'n kami ng Mamu Dyosa mo. Simula pa lang ng mamatay ang mama mo kami na ang tumayong mga magulang mo at ipinangako namin sa iyong ina na hindi ka namin pababayaan. Louise anak, sundin mo 'yang puso mo kung saan ka masaya. At isa pa anak kapag nagmahal ka asahan mong may kasama 'yang sakit, dahil hindi mo malalamang mahal mo ang isang tao kung hindi ka masasaktan. Dapat handa ka rin sa mga posibleng mangyari." Hindi ko alam kung bakit biglang nasabi iyon ni Mamu Edna. 

Tungkol din siguro ito kay Kristoff, alam kong masasaktan ko siya ng sobra oras na malaman niya na kay Doctor Miller ko ibinigay ang pagmamahal ko. Alam ko namang nangako ako sa kan'ya na dapat hindi ko sinabi 'yon. Ngayon pinapaasa ko lang siya sa wala, at si Sha-Sha anong sasabihin ko sa kan'ya? Na ang lalaking mahal niya ay ako naman ang mahal. Napayakap na lang akong bigla kay Mamu Edna at hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now