CHAPTER 14

18 0 0
                                    


"Talaga ba Wal?! Gulat na sambit sa'kin ni Jake. Umagang umaga naririto si Jake sa aking Condo dahil wala rin naman siyang clinic ngayon kapag araw ng linggo. Samantalang ako kailangan pumasok sa ospital dahil marami akong pasyente kahit na weekends.

"Kasalanan mo 'to eh!" Singhal ko naman sa kan'ya habang nagtitimpla ako ng kape. Nakasandal naman s'ya sa ref at pinapanuod lang ako sa ginagawa ko.

"Alam mo Wal pagkakataon mo na 'yon, saka dati rati naman gamit na gamit 'yang kamote mo halos mapudpod na nga 'yan kabibira mo!"

"Gusto mong mabuhusan ng mainit na kape?" Natawa lang siya sa banta ko.

"E ano lang nangyari?"

"Wala, tipid kong sagot sa kan'ya at nagtungo ako sa sala at siya naman ay nakasunod lang.

"Hindi ba mahilig ka sa malalaki ang dyoga?" Sinamaan ko naman s'ya ng tingin bago humigop ng kape.

"I don't like her"

"E sinong like mo? Si Doctora Alcantara?" Natahimik lang ako at napaiwas ng tingin sa kan'ya"

"Wal hindi siya si Celestine"

"I know Jake! I know"

"Sa nakikita ko sayo mukhang nahuhamaling ka na sa Doctora na 'yan eh"

"Hindi 'yon okay. Gusto ko lang talaga malaman kung sino talaga s'ya," pagsisinungaling ko sa kan'ya. Ang totoo n'yan may kung ano na akong nararamdaman para kay Doctora Alcantara. Sumandal naman si Jake sa sofa at tinitigan ako nang makahulugan. "What look is that for?"

"Wal, like what I've told you before 'wag kang maiinlove sa kan'ya kung si Celestine lang naman ang nakikita mo sa kan'ya at isa pa may boyfriend na s'ya na fiance na n'ya ngayon," tumayo na si Jake at marahang tinapik ang aking balikat bago lumabas ng aking Condo. Totoo nga na si Celestine ang nakikita ko sa kan'ya pero bakit iba ang nararamdaman ko? Tulad ito ng nararamdaman ko noon kay Celestine. Tumayo ako at mariing sinabunutan ang aking buhok.

"Nababaliw na ata ako! Bakit ba kasi kailangan kong maramdaman ito? Wika ko sa aking sarili. Napabuga ako ng malakas sa hangin at hinilot ang aking sentido. Tanghali na ako pumasok sa ospital dahil medyo sumama rin ang aking pakiramdam. Nasa fifteenth floor pa lang ang elevator kaya sumandal muna ako sa pader at inilagay ang aking dalawang kamay sa bulsa ng aking pantalon. Yumuko muna ako at pumikit sandali. Ang init ng pakiramdam ko pero hindi ko na lamang ito pinansin. Nang marinig ko na ang tunog ng elevator hudyat na nasa tamang palapag na ay saka lamang ako dumilat. Napansin ko naman si Doctora Alcantara na papalabas na ng elevator at taka ako nitong tinitigan, ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at derederetso akong pumasok sa loob. Medyo masama rin kasi ang pakiramdam ko at paniguradong tatarayan na naman n'ya ako sa oras na pansinin ko s'ya. Nang makapasok na 'ko sa loob ng aking opisina ay mabilis akong nahiga sa sofa at pinagkrus ko ang aking mga braso. Hinayaan ko na lang muna ang sarili kong matulog at mamaya na lang din ako magrorounds para bisitahin ang mga pasyente ko.

LOUISE:

Tulala ako habang papunta sa canteen para bumili ng maiinom. Naiisip ko si Doctor antipatiko. "Bakit kaya gano'n ang itsura n'ya? Bakit ang putla-putla niya? May sakit kaya s'ya? Bulong ko sa aking sarili. "Teka nga muna bakit ko ba s'ya inaalala, e ano naman kung may sakit s'ya? At isa pa Doctor siya kaya naman n'ya alagaan ang sarili niya." Papasok na sana ako ng canteen nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at napairap na lang ako at pagkuway sinagot ko na rin dahil hindi ako titigilan ng babaeng ito. Kilala ko s'ya kapag bigla-bigla na lang siyang tumatawag, panigurado may nabiktima na naman ito.

"O bakit?" Bungad ko sa kan'ya pagkasagot ko ng telepono.

"Grabe ka naman Lou hindi mo ba 'ko namiss?"

The Promise of Forever (BOOK 2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें