CHAPTER 9

13 0 0
                                    

"Bakit nakabusangot yata ang mahal ko?" Nakangiting wika sa'kin ni Kristoff at kasalukuyang narito kami sa restaurant at hinihintay namin ang pagkaing inorder namin.

"Meron kasi akong kinaiinisang Doctor eh!" Sobrang nakakainis!

"Halata nga sa'yo love, baka naman inaasar ka lang niya?"

"Hindi lang niya 'ko inaasar binubwisit pa niya 'ko sobrang bastos!" nakahalukipkip naman ako at sa ibang direksyon nakatingin.

"Hayaan mo na siya kasi lalo lang masisira ang araw mo sa kan'ya"

"Hindi 'yon eh, yayain ba naman akong makipagdate sa kan'ya! Ano ako hilo?"

"Talaga?"

"Oo, anong akala niya sa'kin easy to get?" natahimik namang bigla si Kristoff.

"Bakit natahimik ka Kristoff may nasabi ba 'kong masama?"

"Wala naman love, iniisip ko lang kasi na what if bigla kang mahulog sa 'kanya? At siya ang mahalin mo imbes na ako?" hindi ko alam kung bakit bigla niya nasabi ang gano'ng bagay. Hinawakan ko naman ang kamay niya na nakapatong sa lamesa at mataman akong tinitigan.

"Ikaw ang parating nasa tabi ko Kristoff, hindi man maganda ang naging umpisa natin dahil sa kasunduan hindi mo naman ako pinakitaan ng hindi magandang pakikitungo."

"Alam mo naman kung ano ang isasagot ko 'di ba?" Nagumiti ako sa kan'ya at marahang tumango.

"Kaya nagdecide akong bigyan ng chance ang sarili kong magmahal. And that is you, I'll try my very best para matutunan kang mahalin." Nakita ko namang nagliwanag ang mukha niya matapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Tama sila mamu, I should give him a chance. In fact, it's not hard to love him. He has everything, money and power. Marami ring mga kababaihan ang nagkakandarapa sa kan'ya at marami rin naman ang nagsasabi sa akin na ang swerte ko raw kasi ako ang nagustuhan ni Kristoff. Pero hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko maibigay sa kan'ya ang pagmamahal na inaasam nito. Pero ngayon handa na ako, at naniniwala akong si Kristoff ang lalaking mamahalin ko rin at alam kong mamahalin ako habang buhay. Bago siya umuwi ay hinatid muna ako nito sa bahay pagkatapos namin kumain sa labas.

"Hindi ka ba muna papasok?" Wika ko sa kan'ya bago ako bumaba ng sasakyan.

"Hindi na love gusto ko kasing makapagpahinga ka ng maaga"

"Okay sige ingat ka sa pagdidrive ah?" Bababa na sana ako ng biglang hawakan niya ang aking braso at seryoso akong tinitigan.

"Bakit Kristoff may sasabihin ka pa ba? Imbes na sagutin ako ay niyakap naman niya ako ng mahigpit na ikinataka ko.

"Thank you Louise" kumalas naman ako sa pagkakayakap at hinarap siya.

"Thank you for what?"

"For giving me a chance." Alam ko balang araw makukuha ko rin ang puso mo. Ikaw ang babaeng gusto kong iharap sa altar Louise." Napangiti naman ako at hinaplos ang kan'yang pisngi.

"I should be the one to say thank you." Napadako naman ang tingin niya sa aking mga labi, napalunok akong bigla at kinabahan. Siya na ba ang magiging first kiss ko? Hindi pa ako ready anong gagawin ko? Itutulak ko ba siya? Mga tanong sa aking isipan. Papalapit na nang papalapit ang mukha niya sa aking mukha, napapikit na lang ako nang mariin at hinintay na lang lumapat ang kan'yang labi sa akin. Ngunit pagmulat ko ay nakangiting Kristoff ang nasilayan ko malapit sa aking mukha. Namula naman akong bigla at baka isipin niya ay gusto kong mahalikan niya. Hinalikan na lang niya ako sa aking noo at pagkuwa'y hinalikan ang aking kamay.

"You should get inside it's getting late.

"H-ha? Ah, s-sige" nauutal kong sagot sa kan'ya. Bumaba na ako ng sasakyan at hinintay muna siyang makaalis bago ako pumasok ng bahay.

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now