CHAPTER 35 SPG

21 0 0
                                    

WARNING!!! RATED SSPG!!!

BELOW 18 YEARS OLD ARE NOT ALLOWED TO READ THIS PART, 

Pumunta kami sa isang tahimik na lugar, at kitang-kita mula rito sa aming kinatatayuan ang city lights. Kay ganda nilang pagmasdan, habang nakatingin ako sa kumikinang na ilaw ng mga naglalakihang gusali ay yumakap naman sa'kin si Doctor Miller mula sa aking likuran habang nakaupo siya sa nguso ng kan'yang sasakyan. Napahawak na lang ako sa kan'yang mga braso at marahang hinimas ito.

"Paano mo nalaman 'tong lugar na to?"

Malapit lang kasi dito 'yong bahay namin," napatingin akong bigla sa kan'ya at ang baba niya ay nakapatong sa aking balikat. Ang lapit na naman ng mukha namin at nakita ko naman ang mapang-akit niyang mga labi. Kaya bigla na lamang akong napaiwas at napapikit ng mariin.

"Diyos ko 'wag po dito," sabi ko sa aking isipan.

"Nagugutom na 'ko honey," kumalas naman ako sa pagkakayakap niya at hinarap siya ng nakapamewang.

"Anong oras na Doctor Wallace Miller hindi ka pa kumakain?!

"Hmmn," nakanguso niyang turan sa'kin. Napabuntong hininga na lang ako at sinamaan siya nang tingin.

"Let's eat"

"Saan?"

"Sa kotse ko"

"A-ano?" Gulat kong wika sa kan'ya at nanlaki ang aking mga mata.

"Bumili kasi ako kanina ng pagkain pero gusto ko saluhan mo 'ko kumain"

"Ah," napayuko naman ako at napatapik sa aking noo kasi iba na naman ang iniisip ko. Dahan-dahan naman siyang lumapit sa akin at yumuko nang bahagya para magpantay ang aming mukha.

"Bakit anong iniisip mo honey ko?" Nakangisi niya akong tinitigan.

"W-wala b-bakit?"

"Don't worry honey ko bubusugin kita mamaya," sabay kindat niya sa akin saka tumalikod. Napatulala naman ako at inis siyang siunundan nang tingin. "Pasok ka na honey pakakainin na kita," nakakaloko niyang saad sa'kin at tatawa tawa pang pumasok sa loob ng kotse.

"Leche ka talaga Doctor Miller," bulong ko naman sa aking sarili. Pagkapasok ko naman s loob ng sasakyan ay inabutan niya ako ng pagkain. Nagulat naman ako kasi parang pinaghandaan niya ito ay pinlano.

"Para sa akin ba talaga 'to?" Takang tanong ko sa kan'ya.

"Oo naman bakit mo naitanong?"

"Baka para 'to sa kadate mo kanina?!"

"Kadate?"

"Oo!" Saglit muna siyang nag-isip, at pagkuwa'y sumilay na naman ang nakakaloko niyang ngiti. Pinaglalaruan na naman ako ng taong ito.

"Nagseselos ka talaga no?"

"Hindi nga sabi!"

"Lumapit naman siya sa'kin at ako'y mabilis na napasandal sa aking kinauupuan. Tinitigan niya muna ako at dumako ang tingin niya sa aking mga labi. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin. Parang lagi akong kinakabahan sa tuwing magdidikit kami. Kumuha muna siya saglit ng tissue at mariing pinunasan ang aking bibig.

"Teka, para saan 'yon?" Takang tanong ko sa kan'ya.

"Ayoko kasing may ibang dadapo diyan sa mga labi mo"

"A-ano?"

"I saw Kristoff kiss you," napakurap-kurap naman ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"N-nakita mo?" Tumango naman siya habang nakatitig sa'kin.

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now