CHAPTER 6

17 0 0
                                    

"Siyanga pala Jake bakit wala si Roco dito? Kasalukuyang nandito kami sa kan'yang Bar at napansin kong iba ang nasa bar counter.

"Pumunta muna ng Isla Montealegre dahil may aasikasuhin lang daw siya saglit doon" maya-maya ay may biglang tumawag sa akin sa di kalayuan. Hindi ko naman ito maaninaw dahil may kadiliman din sa kanilang pwesto kaya siya na rin ang lumapit sa aming pwesto. Doon ko na lang siya nakilala nang mapagsino ito.

"Kristoff?

"Kumusta Doctor Miller?

"Ayos naman, sino nga palang kasama mo? I'm with my employees birthday kasi noong isang employee ko niyaya ako kaya heto nandito ako ngayon" nakangiti niyang saad sa akin.

"Halika upo ka muna" yaya ko naman sa kan'ya at umupo siya sa aking tabi.

"Kilala mo na si Jake right?

"Ah yes, pare! Nakipagkamay naman siya kay Jake at tinanggap naman nito.

"Okay lang ba na nandito ka? Hindi ka ba nila hahanapin?

"Okay lang 'yon, saka busy rin sila sa kani-kaniyang girlfriend nila"

"Bakit hindi mo nga pala kasama 'yong girlfriend mo?

"May report pa daw kasi siyang gagawin, alam mo naman workaholic din yon" natatawa niyang turan sa 'kin.

"Ikaw Doctor Miller may girlfriend ka na? Pareho kaming natahimik ni Jake sa tanong ni Kristoff. Napansin naman niya ito.

"Ah s-sorry ah, may mali ba sa tanong ko? Magsasalita na sana ako nang si Jake na ang sumagot.

"He doesn't have a girlfriend, pero meron siyang asawa. She died two years ago.

"I'm sorry Doctor Miller"

"Okay lang Kristoff" sumimsim naman ako ng alak at ngumiti sa kan'ya ng pilit.

"But one day I saw someone who looked like her".

"Talaga? So, ano daw ang pangalan niya?

"I don't know, ayaw niyang sabihin sa 'kin saka narinig ko na 'yong pangalan niya noong una ko s'yang makita kaso nakalimutan ko lang, at isa pa napaka sungit niya". Opposite siya ng asawa ko".

"Naku Doctor Miller hindi kaya may kakambal 'yong asawa mo?

"Walang kakambal ang asawa ko, saka tatlo lang silang magkakapatid at bunso ang asawa ko" paliwanag ko kay Kristoff.

"Alam mo Wal why don't you ask tita Celicia para maliwanagan ka? Jake is right I'm going to ask mama Celicia, para matapos na rin itong gumugulo sa isipan ko.

Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa bahay nila mama Celicia. Wala na si Daren at Clarence dahil pumasok na ito sa kanilang opisina. Naabutan ko naman si mama na naghuhugas ng plato sa kusina.

"Mama" napalingon siya at iniwan muna ang kan'yang hugasin.

"Ikaw pala anak, halika upo ka muna" umupo ako katabi ni mama at mahigpit siyang niyakap, niyakap din naman niya ako pabalik.

"I'm sorry ma kung hindi ko kayo nadadalaw madalas" kumalas siya ng pagkakayakap sa akin at hinawakan ang dalawang palad ko.

"Okay lang hijo alam ko naman na busy ka"

"Ma, miss na miss ko na si Celestine".

"Ako din anak, miss na miss ko na din siya"

"Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko ma, parang nakikita ko siya palagi. "May nakita pa akong kamukha niya, pakiramdam ko tuloy may kakambal siya" tinignan ko naman si mama Celicia pero wala akong nakita sa kan'yang pagkagulat. Nakita ko lamang itong ngumiti sa akin.

The Promise of Forever (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon