CHAPTER 13

17 1 0
                                    

"Doctor Miller may bisita po kayo," wika sa'kin ng aking sekretarya nang makapsok siya sa loob ng aking opisina.

"Sino raw?"

"Miss Shania raw po"

"Shania?" Takang tanong ko.

"Opo Doc"

"Sige papasukin mo," wika ko habang nakatutok pa rin ako sa aking laptop.

"Hi Doctor Miller," nag-angat lang ako ng tingin nang magsalita siya. Napatayo akong bigla at gulat siyang tinitigan.

"Oh hi! How did you know that I was working here?"

"Sa ID mo, pasensya na kung kinalikot ko ang gamit mo hinahanap ko kasi address mo kung saan ka nakatira"

"It's okay upo ka muna"

"Salamat"

"Ano nga palang sadya mo rito?"

"Yayayain sana kitang magdate," napamaang naman ako sa kan'ya at napatulala.

"H-ha? Ahhmm, ano...

"Remember may utang ka pa sa'kin?"

"Ah 'yon ba? Sige kailan?" Nakangiti kong saad sa kan'ya.

"If you're free today why don't we go out later?" Saglit muna akong nag-isip saka siya muling binalingan.

"Okay, just give me your number and i'll call you later"

"Sure! Isinulat naman niya sa papel ang kan'yang numero saka niya ibinigay sa akin.

"Make sure na tatawagan mo 'ko ah kung hindi gagahasain kita dito," napaubo naman ako at ininom ang bottled water na nasa gilid ng aking mesa.

"Joke lang Doctor Wallace Miller," sabay ngisi pa nito sa 'kin.

"Don't worry I'll call you later," tumayo na siya at bago pa siya makalapit sa may pintuan ay lumingon pa itong muli sa akin.

"Bye my future boyfriend!" Nanlaki naman ang aking mata at hindi makapagsalita. Nakaalis na siya ngunit ako ay sadyang tulala pa rin. Kasalanan ito ni Jake eh, kung hindi sana niya ako pinagtulakan sa babaeng 'yon hindi ako mamomroblema. Alam kong hindi pa ito natatapos, may darating pang kasunod ang pagyaya niya. Pupunta sana ako sa O.R dahil may naka schedule akong surgery ngayon nang makita ko si Doctora Alcantara na may kausap na batang lalaki sa labas ng E.R at umiiyak. Huminto muna ako saglit at pinagmasdan sila. Kita ko sa mata ng batang lalaki ang lungkot kaya niyakap niya ito.

"Huwag ka nang malungkot magiging okay din ang mama mo, basta samahan mo lang ng dasal." Narinig kong wika niya sa bata.

"Paano po kung hindi na siya gumaling? Paano na 'ko maiiwan akong mag-isa? Kita ko sa mukha ni Doctora Alcantara ang lungkot sa kan'yang mukha, at pati ako ay nalungkot sa nakikita sa kan'ya.

"Don't worry magagaling ang mga Doctor dito pagagalingin nila ang mama mo"

"Salamat po Doctora ganda," nangiti naman ako sa sinabi ng batang lalaki sa kan'ya at mas lalo pang nagwala ang puso ko nang makita ko kung paano siya ngumiti. Oh fuck Wallace! Maghunos dili ka, kung ano man 'yang nararamdaman mo hindi mo pwedeng maramdaman sa kan'ya 'yan! Sigaw ng aking isip. Bago pa ako makaalis sa lugar na 'yon ay narinig ko pa ulit silang nag-usap.

"kayo po Doctora nasaan po ang mama niyo?" napansin ko namang natigilan siya at pilit na ngumiti sa bata.

"wala na siya eh, nasa heaven na siya." Kita ko ang lungkot sa kan'yang mga mata ng sabihin niya 'yon. Nagtagal pa ako ng ilang segundo at nagpasya na rin akong umalis at dumeretso na sa O.R.

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now