CHAPTER 45

15 0 0
                                    

"Anak bakit ka magpapakasal sa lalaking hindi mo naman mahal?" tanong ni mama habang nakaupo kami sa mahabang sofa at kaharap naman ang dalawa kong kapatid.


Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa pagpapakasal ko kay Kristoff at ang tungkol sa kasunduan ng aking kinikilalang ina at ama ni Kristoff. Ayon pala ang sinasabing pagkakautang ni mama kay Don Miguel noong ibibigay niya ako sa aking ina at ako ang kabayaran na ipakasal sa kan'yang nag-iisang anak na si Kristoff.


"Mama, iyon po ang napagkasunduan nila ni Don Miguel"


"Pero pupwede ka pa namang umatras eh. Paano si Wallace anak? Hindi mo ba s'ya mahal?" hindi naman ako makatingin ng diretso sa aking ina. Hindi ko masabi sa kan'ya ang tunay na dahilan.


"Louise kung iniisip mo ang naging relasyon ni Wallace kay Celestine, hindi mo dapat alalahanin 'yon. Dahil bago pa mamatay si Celestine pinalaya na niya si Wallace para magmahal ulit. At ikaw ang dumating. Hindi ka minahal ni Wallace dahil kakambal mo s'ya at dahil sa magkamukha kayo ni Celestine. Minahal ka niya dahil iyon ang tunay niyang nararamdaman para sa'yo," mahabang litanya sa akin ni kuya Clarence.


"Louise anak, pakinggan mo ang paliwanag ni Wallace. Buksan mo ang puso at isipan mo. Alam kong mahal niyo ang isa't-isa anak." Nakangiti naman akong tinignan ni mama.


Kung alam lang nila kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon. Sa totoo lang gustong-gusto ko na makita si Doctor Miller, gusto ko na siyang mayakap at mahalikan.


Ilang oras pa ang lumipas ay nagpaalam na rin sila at dadalawin na lang akong muli sa susunod na araw. Gusto nilang sa kanila na lang ako tumuloy pero mariin kong tinanggihan ito. Hindi ko kayang iwanan sila Mamu dahil malaki rin ang utang na loob ko sa kanila. Kailanman ay hindi nila ako iniwan kaya hinding-hindi ko rin sila iiwanan.


"Baby labs," tawag sa'kin ni Mamu Dyosa nang paakyat na sana ako patungo sa aking kuwarto. Hinarap ko naman siya at tipid na ngumiti sa akin.


"Masaya ka ba kasi nakilala mo na ang totoo mong pamilya?"


"Opo Mamu Dyosa, masayang-masaya ako ngayon"


"Sasama ka na ba sa kanila anak?" malungkot na turan niya sa akin. Lumapit ako sa kan'ya at mahigpit siyang niyakap.


"Mamu I already told you na hinding-hindi ko kayo iiwan at wala akong balak na iwan kayo"


"Pero matagal ka nilang hindi nakasama anak at alam kong sabik na sabik sila sa'yo." Humiwalay naman ako nang pagkakayakap kay Mamu Dyosa at hinarap siya.


"Pinamimigay niyo na ba ako Mamu Dyosa? Ayaw niyo na ba sa'kin?" may himig na pagtatampo kong turan sa kan'ya.


"Hindi naman sa ganoon anak, gusto lang namin na bigyan mo rin sila ng pagkakataong makasama ka. Dito ka pa rin naman uuwi kung kailan mo gusto. Mahal ka namin ni Mamu Edna mo iyan ang lagi mong tatandaan," napangiti na lang ako sa kan'yang sinabi. "Siyanga pala baby labs, buntis ka ba?" walang paligoy-ligoy na tanong niya sa akin. Napalunok akong bigla at napaiwas nang tingin. "Anak, kung buntis ka man dapat lang malaman 'yan ni Doctor Miller hindi ba?"

The Promise of Forever (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon