CHAPTER 15

14 0 0
                                    

Nagkita na lang kami ni Sha-Sha sa restaurant malapit sa ospital. Panay naman ang k'wento n'ya pero ang atensyon ko ay wala sa pinag-uusapan namin. Nakatulala lang ako sa kan'ya at panay tango lang ang sinasagot ko.

"Hoy Lou ayos ka lang ba talaga?" Tanong sa'kin ni Sha-Sha ng mapansin n'yang wala ako sa sarili.

"A-ayos lang ako," pagsisinungaling ko.

"Kanina pa kasi ako k'wento nang k'wento rito parang hindi ka naman nakikinig. May problema ba kayo ni Kristoff?"

"Wala ah, napagod lang ako kanina. So, kumusta ka naman?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Ito na nga Lou may nakilala akong fafabols! Ang g'wapo Lou" tili n'ya at kulang na lang ay lumabas ang utak n'ya kakatili.

"Sino naman 'yan? Hindi ka ba nagsasawa sa kakapalit ng lalaki?"

"Iba ito Lou, I think s'ya na ang the one ko!" Masayang k'wento naman n'ya. Ganito s'ya kapag naiinlove, sanay na rin naman ako sa papalit-palit n'ya na boyfriend. Ang kaibahan nga lang, siya ang iniiwan at hindi ko rin naman s'ya masisi, naghahanap lang siya ng lalaking magseseryoso sa kan'ya, sa kasamaang palad ay ni isa walang sumeryoso sa kan'ya. Matagal na rin naman kami magkaibigan at masasabi kong isa s'yang tunay na kaibigan kahit na may pagka liberated ang isang ito. Halos magkapatid na ang turingan namin dahil pareho na kaming walang mga magulang. Maaga s'yang naulila dahil namatay ang mga magulang niya sa isang aksidente kaya mga lolo at lola na lang n'ya ang nagpalaki sa kan'ya. Dalawang taon kaming hindi nagkita dahil kinailangan n'yang pumunta sa ibang bansa para magtrabaho.

"Pa'no mo nasabing iba? E kakakilala mo pa lang yata sa kan'ya"

"Oo nga! Pero iba ang pakiramdam ko sa kan'ya Lou," napairap naman ako at napatango na lang sa kan'ya.

"Ang guwapo niya talaga, ang mga mata kumikinang kapag tinitignan mo s'ya at ang lapad ng dibdib. At isa pa mukhang ang sarap halikan ng mapupula n'yang mga labi." Bigla ko namang naimagine si Doctor Miller base sa kwento ni Sha-Sha. Malapad din ang dibdib at mapupula ang mga labi. I shook my head when I remember what he did earlier.

"Saan mo naman s'ya nakilala?"

"Sa Bar, sagot n'ya at sumipsip ng kan'yang juice.

"Sa Bar? Baka naman call boy 'yan ha!"

"Hoy hindi no! Saka professional kaya s'ya. Actually doon nga rin s'ya nagtatrabaho sa ospital na pinapasukan mo."

"Talaga?" Napataas ang isang kilay ko at iniisip kung sino ang taong 'yon.

"Yes! Kapag nagkita ulit kami ipapakilala ko s'ya sayo," naiiling na lang ako sa kan'ya.

WALLACE:

Pagkapasok ko sa aking Condo unit ay naabutan ko si mama na nakaupo sa sofa at halatang hinihintay akong dumating.

"Anak, mabuti at dumating ka na" sinalubong naman n'ya 'ko at niyakap.

"Teka lang Wallace mainit ka, nilalagnat ka anak"

"Ma, konting pahinga lang ito magiging maayos din ako," umupo naman ako sa sofa at tumabi naman sa'kin si mama.

"Ikaw talagang bata ka naturingan kang Doctor pero hindi mo kayang gamutin 'yang sarili mo." Natigilan naman ako sa sinabi ni mama at naalala ang sinabi ni Louise. Napangiti naman ako ng maalala ang binigay n'yang gamot.

"Ma pakikuha na lang po 'yong gamot sa bag ko," kinuha naman ni mama at binigay sa 'kin ang supot na may lamang gamot. Kaagad ko naman itong ininom.

"Kumusta ang pakiramdam mo anak?"

"Okay na naman po ako ma, konting pahinga lang 'to"

"Anak h'wag mo namang pwersahin 'yang katawan mo kita mo nagkakasakit ka na," sermon sa 'kin ni mama.

"Ma."

"Ano 'yon anak?" Tumitig naman ako sa kan'ya at hinawakan ang kan'yang kamay.

"I think I'm going crazy ma," tila may pagtataka akong tinitigan ni mama.

"What do you mean hijo?"

"I already move on over Celestine, and the problem is this," sabay turo ko sa aking puso. "I don't know how to explain it to you mom, pero nasasaktan ako ngayon sa tuwing makikita ko s'ya. I know that this is not right to feel this. Pero nakikita ko sa kan'ya ang asawa ko ma"

"Hijo kung nakikita mo lang sa kan'ya ang katauhan ng asawa mo, 'wag mo s'yang mahalin dahil d'on. Your dad told me hijo. Nakamove on ka na nga kay Celestine pero kinukulong mo pa rin s'ya d'yan sa puso mo. Mahalin mo s'ya bilang siya anak, 'wag mo s'yang mahalin dahil kamukha s'ya ni Celestine." Mahabang litanya sa 'kin ni mama. How can I love other woman if even now Celestine is still in my heart?


"Goodmorning Doctor Miller!" Masayang bati sa 'kin ng mga Nurse na nakakasalubong ko at ngiti lang ang tanging tugon ko sa kanila. Pipindutin ko na sana ang button ng elevator ng mapansin si Doctora Alcantara sa kabilang elevator na nakasandal sa gilid ng pader patagilid at nakapikit. Dahan-dahan ko naman itong nilapitan at pinagmasdan. Dumako ang tingin ko sa kan'yang mapupulang labi at napalunok akong bigla. Aalis na sana ako nang marinig ko s'yang magsalita.

"Nakakinis naman," mahina pero sapat lang para marinig ko. Nanatili pa rin s'yang nakapikit na animoy nananaginip ito. "Nakakainis s'ya, antipatiko talaga." Napaisip naman akong bigla kung ako ba ang sinasabihan nito. Saktong pagkatalikod ko sa kan'ya ay muli na naman s'yang nagsalita.

"Bakit ba simula nang dumating ako rito nagulo na ang buhay ko dahil sa kan'ya?" Natigilan naman ako at biglang kumalabog ang puso ko sa sinabi n'ya. Kung hindi ako nagkakamali ako ang tinutukoy niya. "Si Doctor Miller aka Doctor antipatiko, hindi ko talaga s'ya gusto pero iba naman ang sinasabi ng puso ko, tsss!" Ginulo pa n'ya ang kan'yang buhok at unti-unting dumilat. Napamaang s'yang bigla nang masilayan n'ya ako sa kan'yang harapan at seryosong nakatitig sa kan'ya. Tanging kami lang ang tao sa floor na 'yon kaya malaya ko s'yang natititigan.

"K-kanina ka pa ba d'yan?" Nauutal n'yang saad sa'kin.

"Ano sa tingin mo?"

"Y-you mean narinig mo?" Marahan akong tumango sa kan'ya. Napapikit s'ya at mariing kinagat ang kan'yang mga labi. Lumapit akong bigla sa kan'ya at sinandal siya sa pader. Itinukod ko ang aking dalawang palad sa magkabilang gilid n'ya dahilan upang siya'y makulong, kaya gulat naman n'ya akong tinitigan.

"I already told you yesterday that stop doing that thing," mahinang wika ko sa kan'ya. "Isa pang beses na ulitin mo 'yon, you will regret what I do to you." Saktong tumunog na ang elevator ay umalis na ako sa kan'yang harapan at sumakay na. Naiwan naman s'yang nagtataka at gulat na gulat sa aking sinabi. Mabilis akong pumasok sa aking opisina at umupo sa aking swivel chair.

"Shit! Panigurado susungitan na naman n'ya ko dahil sa ginawa ko," sabi ko na lang sa aking sarili. Tinignan ko naman ang picture namin ni Celestine na nasa ibabaw ng aking mesa at kinuha ito.

"Baby I'm sorry, she's not the right girl for me at hindi ko s'ya pwedeng mahalin. Alam mo naman kung bakit hindi ba? Pero sa totoo lang ang hirap, sobrang hirap lalo na at nasa iisang ospital lang kami." Dahan-dahan ko namang ibinaba ang litrato namin at itinukod ko ang siko ko sa aking lamesa at ang dalawang kamay ko ay nakapatong sa aking ulo. Titibok na lang itong puso ko, bakit sa kamukha pa ni Celestine? 

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now