CHAPTER 32

13 1 0
                                    


Naglalakad naman ako sa hallway ng ospital habang binabasa ang Chart ng aking pasyente. Naramdaman ko naman na parang may kasabay akong naglalakad kaya napatingin ako sa bandang kanan ko. Napahinto naman ako at tinitigan siya, nakangiti naman niya akong hinarap na ang dalawang kamay ay nakalagay sa kan'yang suot na white coat.

"A-anong ginagawa mo dito?" Nagpalinga-linga pa ako dahil baka may makakita sa amin.

"Nandito ako para makita ka"

"H-ha?" nakatingin lang ako sa kan'ya at hindi makapagsalita. O diyos ko natutukso na naman ako sa kan'ya, wika ko sa aking sarili. Napaiwas naman ako nang tingin dahil baka dito pa ako magkasala.

"I'll wait for you at the rooftop"

"Teka pero marami pa akong__" hindi ko na naituloy ang sunod kong sasabihin ng bigla na lang siyang umalis sa aking harapan. Napabuntong hininga na lang ako at nakamasid sa kan'ya habang papalayo. 

Tinapos ko muna ang mga dapat kong tapusin at saka naman ako umakyat sa rooftop kung saan naghihintay si Doctor Miller. Pagkarating ko naman doon ay wala namang tao at nagpalinga-linga pa ako.

"Umalis na kaya siya?" Sabi ko sa aking sarili. Napasinghap pa ako nang bigla siyang yumakap mula sa aking likuran. 

Alam kong si Doctor Miller 'yon dahil kabisado ko na ang kan'yang mabangong amoy. Isiniksik naman niya ang mukha n'ya sa aking leeg at pinatakan ako ng halik. Hindi ko mapigilang hindi kiligin at napapapikit na lamang ako. Para akong maiihi dahil sa sobrang kilig, umabot ako sa edad kong ito pero ngayon ko lang ito naranasan. Kahit kay Kristoff ay hindi naman ako nakaranas ng ganito.

"I miss you hon," mahinang wika niya sa'kin habang nakasiksik pa rin siya sa aking leeg. Lalong humigpit pa ang kan'yang pagkakayakap at hinimas ko naman ang braso niya.

"I miss you too Doctor Miller." Nakayakap lang siya sa'kin habang pinagmamasdan namin ang paglubog ng araw at panay naman ang halik niya sa aking tuktok.

"Susunduin ka ba ni Kristoff?"

"Hmmn," tipid kong sagot sa kan'ya ngunit ilang minuto siyang hindi nagsalita.

"I'm jealous. Sobrang nagseselos ako." Pumihit naman ako paharap sa kan'ya at kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan. Ngumiti lang siya sa'kin ng pilit at hinaplos ang aking pisngi.

"Hindi naman dapat 'di ba?"

"I'm sorry," umiling lang siya at pilit na ngumingiti. "As I told you Louise maghihintay ako, so please let me be." Tumango naman ako sa kan'ya at muling niyakap. Ang sarap sa pakiramdam ng nasa kan'yang mga bisig at parang ayoko nang umalis sa pagkakayakap niya.

"Kumusta nga pala si Ysmael?" Tanong ko naman sa kan'ya nang maghiwalay na kami.

"He's okay inaalagaan siya ngayon ng mga magulang ko at__" putol niya sa kan'yang sasabihin at mataman akong tinitigan.

"What is it Doctor Miller?"

"Hindi naman siguro imposible 'di ba?"

"Ang alin 'yon?" Saglit muna siyang natigilan at hinawakan ang aking dalawang kamay.

"Ang makasama ka habang buhay," ako naman ang natigilan sa kan'yang sinabi at nakailang lunok pa ako. "Gusto kong maging legal ang pag-ampon ko kay Ysmael iyon ay kung, ikaw ang pakakasalan ko at magiging mommy niya." Nanatili lang akong nakatitig sa kan'ya at walang ano mang katagang lumabas sa akin. "Please Louise?" Sasagot na sana ako nang bigla namang tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko itong bigla sa bulsa ng aking coat. Nakita kong si Sha-Sha ang tumatawag kaya napasulyap akong bigla kay Doctor Miller at taka din akong tinignan.

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now