CHAPTER 16

15 0 0
                                    

Pakiramdam ko ano mang oras ay babagsak ako dahil kanina pa nanlalambot ang aking mga tuhod. Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa nangyari sa amin kanina ni Doctor Miller sa elevator. Anong ibig n'yang sabihing pagsisisihan ko? At ano ang h'wag ko nang uulitin? Mga tanong na gumugulo sa aking isip habang tinutungo ko ang aking opisina. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ng aking opisina ay bumungad sa akin ang bouquet ng red roses na nakapatong sa aking lamesa. Kinuha ko ito at binasa ang nakalagay sa sobre.

"To the most beautiful girl I've ever met"


"Happy birthday Doctora Louise Alcantara, mas maganda sigurong pakinggan kung magiging Mrs. Jimenez ka na. I love you so much love!" Nasapo ko naman ang aking dibdib dahil parang may kung ano ang tumusok sa aking puso. 

Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, naguguluhan ako. Naguiguilty ako dahil pakiramdam ko pinapaasa ko lang si Kristoff, nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya na ang saya-saya kapag kasama n'ya 'ko. Wala siyang ibang hinangad kung hindi ang mahalin ako at pasayahin ako. Pinagsusuntok ko ang aking dibdib at napatutop sa aking bibig para pigilan ang aking pag-iyak. Bakit kasi sa iba ko pa naramdaman ito? Kung p'wede namang s'ya na lang. Siya na palaging nasa tabi ko, at walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako at intindihin ako. Samantalang ako, sa iba tumibok ang puso ko. Napayuko ako sa aking lamesa at tahimik na umiiyak. At ng medyo nahimasmasan na ako ay kinuha ko ang aking cellphone sa aking bag at dinial ang numero ni Kristoff. Nakakailang ring pa lang ay kaagad naman n'ya itong sinagot.

"Hi love! Did you receive my gift?" Masayang bungad n'ya sa'kin. Pilit ko namang pinakakalma ang aking sarili.

"Ang ganda sobra! Nakalimutan kong birthday ko nga pala," natawa naman ako ng pagak.

"Masyado ka na kasi naging busy kaya nakakalimutan mo, pati nga ako nakakalimutan mo na eh," may himig na pagtatampo niyang turan.

"Sus nagtampo ang bata! Magdinner na lang tayo mamaya nila mamu Dyosa at mamu Edna magbobook na lang ako sa restaurant.

"Okay love! Sunduin ko muna sila mamu tapos puntahan ka namin d'yan mamaya sa ospital"

"Okay po." Pagkatapos kong makipag-usap kay Kristoff ay muli kong binalingan ang bulaklak na bigay n'ya. Hindi ko alam kung paano ko maibabalik sa kan'ya ang kabutihang binibigay n'ya sa amin nila mamu. Iyong pagmamahal ko na sana ay ibibigay ko sa kan'ya sa iba ko naman naramdaman. Hindi ko mawari kung paano nangyari, basta ko na lang naramdaman na meron na pala akong kakaibang nararamdaman para kay Doctor Miller. Kailangan kong magkunwari sa nararamdaman ko. Ayokong masaktan si Kristoff, ayokong makasakit.


"Happy birthday anak!" Masayang bati sa 'kin ni mamu Dyosa at mamu Edna. Kasalukuyang kakarating lang nila dito sa aking opisina kasama si Kristoff.

"Thank you po mga mamu!" Niyakap ko naman sila ng mahigpit at hinalikan naman ako ni Kristoff sa aking pisngi.

"Hay naku mamu Dyosa, mamu Edna kung hindi ko pa s'ya binati kanina hindi n'ya maaalala na birthday pala n'ya" natatawa niyang turan.

"Naging busy lang kasi ako kaya hindi ko naalala"

"Anak nagkakaedad ka na, panahon na siguro para mag-asawa ka," natigilan naman ako sa sinabi ni mamu Edna at tinignan si Kristoff na nakaakbay sa 'kin.

"Don't worry mamu darating din kami sa part na 'yan ni Louise, ayoko lang s'yang mapressure right love?" Tanging ngiti lang ang tinugon ko kay Kristoff.

Habang naglalakad kami palabas ng ospital ay kinuha ko naman ang kamay ni Kristoff na s'yang kinagulat n'ya. Ngumiti ako sa kan'ya at pagkuwa'y pinagsiklop ko ang aming mga kamay. Kita ko sa mukha niya ang saya, dahil kahit minsan ay hindi ako ang nauunang gumawa sa kan'ya noon.

The Promise of Forever (BOOK 2)Where stories live. Discover now